Chapter 30

9.6K 301 15
                                    

REBECCA'S POV

Ngayon ay nandito ako sa tabi ng dagat habang pinagmamasdan ang paghampas ng alon mula sa asul na karagatan. Nililipad ng hangin ang buhok ko at dinadama ang sariwa at malamig na hangin sa paligid.

Hindi ko alam kung nasaan si Kuya Rodney ngayon. Simula pa kahapon ay hindi siya umuuwi. Mabuti nalang at may mga stock ng pagkain sa ref mula sa kusina kaya nakapagluto ako at hindi ko maintindihan kung bakit napakarami nun.

Magbabakasyon lang ba kami o titira na sa isla na ito?

I can't find my phone, too. Gusto ko sanang makausap si Messiah pati na ang parents ko pero paano? Saan ba kasi nilagay ni Kuya Rodney ang cellphone ko?

Ilang araw na ba kami sa tahimik na isla na ito? Bakit palagi nalang rin akong inaantok na ipinagtataka ko? Masyado nang malayo sa siyudad ang lugar na ito.

Ano ba talagang nangyayari? Bakit bigla nalang gusto ni Kuya Rodney na magbakasyon na kaming dalawa lang?

Napatigil ako sa pag-iisip nang may isang matangkad na lalakeng naglalakad papalapit sa akin. Tila nabuhayan ako ng pag-asa dahil ang akala ko ay wala nang ibang tao sa isla na ito.

Nang makalapit na siya sa akin ay nanlaki bigla ang mga mata niya at para bang hindi siya makapaniwala na nakikita niya ako.

"T-tao ka pala talaga? Akala ko manika ka." Sabi niya at napakamot ito sa ulo.

Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya. "Mukha ba talaga akong manika? Pero akala ko wala nang ibang tao dito bukod sa akin." Sabi ko at tumingin ulit sa karagatan.

Naramdaman ko naman na tumabi 'yung lalake sa akin at pinagmasdan rin ang karagatan.

This guy beside me is really handsome. Pilipinong-pilipino ang itsura niya at may maganda rin siyang pangangatawan. He's more like Isaac base on his features. Nakasuot ito ng longsleeves shirt na kulay pula at itim na shorts.

"Kayo siguro 'yung bagong nakatira dito. Caretaker sina Lolo at Lola sa isla na ito. Asawa mo ba 'yung lalakeng bumili nito?" Tanong sa akin nung lalake.

Napaharap naman ako sa sa kanya at umiling. "No. He's my brother at anong sinasabi mong binili na niya itong isla? My brother said that we're only having a vacation here." Naguguluhan ko namang sabi.

"Ah, ayon kasi ang pinag-uusapan nina Lolo at Lola kagabi. Ang sabi nila, binili na raw ni Mr. Rodney Milan ang isla na ito. Ang akala ko lang titira na kayo dito dahil binili na niya ito." Nagkamot ulit siya ng ulo na para bang nahiya siya sa sinabi niya sa akin.

Binili ni Kuya Rodney ang isla na ito? Pero bakit?

"Hindi pa pala ako nakakapagpakilala sa'yo, ako nga pala si Juan Carlos pero tawagin mo nalang akong John." Ngumiti siya sa akin at naglahad ito ng kamay.

Tinanggap ko naman ito. "I'm Rebecca Milan. It's nice to meet you." Sabi ko naman at ngumiti rin sa kanya.

Nang nagbitiw na kami pareho ng kamay sa isa't-isa ay bigla siyang namula na ipinagtataka ko.

"B-Bakit ka pala nandito? Nasaan ang kuya mo?" Nahihiya niyang tanong.

I sighed. "I don't know where he is. Kahapon pa siya hindi umuuwi. I only went here dahil nabobore ako sa tinutuluyan naming bahay." Sabi ko naman.

"Gusto mo bang magpunta sa taniman namin ng mga pinya? Para naman makapaglibot ka dito at hindi ka lang mag-isa sa isla na ito." Sabi niya.

Kaagad naman akong tumango sa sinabi ni John. Dahil bored na bored na ako at walang magawa ay gusto ko namang makaalis saglit sa isla na ito.

Possessively Owned by MessiahDonde viven las historias. Descúbrelo ahora