Chapter 27

9.7K 325 28
                                    

REBECCA'S POV

Ngayon ay nasa loob na ako ng Confine Room ni Aiden dito sa Pasay City General Hospital habang nagpaiwan naman si Messiah sa labas. Mismong si Messiah pa ang naghatid sa akin dito at nakiusap ako sa kanya na puntahan namin si Aiden dito. Alam kong labag sa kalooban niya ang pagsama sa akin dito pero nagpumilit lang ako at sinabing kailangan kong makausap ng masinsinan si Aiden.

I look at Aiden currently lying in the hospital bed, may mga nakakabit na dextrose sa ibang parte ng katawan niya at kitang-kita ko rin ang nakabenda niyang palapulsuhan tanda nang tinangka niyang magsuicide.

Lumapit ako sa kinaroroonan niya at pilit niyang iniiwas ang mga tingin niya sa akin.

"Aiden..."

"Kung nandito ka lang dahil naaawa ka sa akin, you may now leave. You already broke up with me so you don't have any rights to visit me here." Malamig niyang sabi at tumalikod ito ng higa na ikinalungkot ko pang lalo.

"D-Dahil ba 'to sa akin kaya ka nagtangkang magpakamatay?" Tanong ko.

Muli siyang humarap sa akin at nakikita ko sa mga mata niya ang galit at disappointment.

"Iniwan mo ako, Rebecca. Anong gusto mong gawin ko? Magmove-on agad at magpakasaya dahil sa wakas ay nakalaya ka na sa akin? Minahal kita at ikaw lang ang kaisa-isang babaeng pinahalagahan at minahal ko ng ganito pero sinaktan mo lang ako!" Galit niyang sabi.

"I'm sorry for hurting you, Aiden." Malungkot kong sabi at pinunasan ang mga luhang biglang dumaloy sa pisngi ko.

Ayoko siyang nakikitang nahihirapan at nasasaktan ng ganito. Dahil sa akin kung kaya't tinangka niyang tapusin nalang ang buhay niya. Nasa ibang bansa ang parents niya at siya lang ang naiwan dito sa Pilipinas kaya nag-iisa nalang rin siya.

"Walang magagawa 'yang sorry mo. Hayaan mo nalang ako dito tutal wala ka na rin namang pakialam sa akin. It's not your concern anymore kung magpakamatay man ako." Sabi niya at humalukipkip ito.

Napayuko naman ako. "A-Ano bang kailangan kong gawin para mapatawad mo ako?"

"Kung sasabihin kong tigilan mo na si Messiah, hindi ka naman makikinig sa akin, 'di ba?" Napaangat ako ng tingin kay Aiden at seryoso ang mga titig niya sa akin.

"I can't do that." Mahinang sabi ko.

"Then makakaalis ka na. Sa susunod na magpakamatay ulit ako ay 'wag ka nang babalik pa dito." Madiin niyang sabi.

Tahimik nalang ako na umiyak at lumabas na rin ng Confine Room. Ang gusto ni Aiden ay layuan ko na si Messiah pero hindi ko kayang gawin iyon. Pinili ko na noon si Aiden at ayoko na sa pangalawang pagkakataon ay mawala ulit sa akin si Messiah.

Pagkakita sa akin ni Messiah ay bigla niya akong niyakap at wala naman akong ibang nagawa kundi ang umiyak nalang sa mga bisig niya. Sobrang hirap at sakit ng nararamdaman ko ngayon.

Nasaktan ko si Aiden at nang dahil sa akin kung bakit siya nagtangkang magpakamatay pero kung mahal niya ako ay papalayain na niya ako ng kusa at hindi gagawin ang bagay na iyon. Kung sakaling gawin ulit ito ni Aiden ay labis kong sisisihin muli ang sarili ko.

ISAAC'S POV

I spend my time right now in the gym dahil naiinis lang ako kapag nakikita ko ang mga kapatid ko sa bahay. Tanggap na rin ni Eli ang panliligaw ni Kuya Messiah kay Rebecca at ako nalang hanggang ngayon ang hindi pa kayang tanggapin ang lahat.

Napapansin ko ang mga babaeng nag-gygym rin na nagpapacute sa akin habang nagbubuhat ako ng barbel pero hindi ko nalang sila pinapansin. Bigla ay lumapit sa akin si Erickson na isa sa mga trainer dito sa gym at nginisian ako.

Possessively Owned by MessiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon