Natulala at napanganga pa si Sheila nang makita niya si Steven. Nang makita niyang nakasimangot na si Earl sa naging reaksyon niya ay tumikhim ito at kaagad akong hinatak at itinago sa likod niya.

"Hoy ikaw! Kaibigan mo si Messiah, hindi ba? Pero bakit hinahadlangan mo ang relasyon nilang dalawa ni Rebecca? I don't want you to marry my bestfriend so stop all of your plans!" Galit na sabi ni Sheila.

Nagpamulsa naman si Steven at bumuntong-hininga ito. "You are not the one who will decide Rebecca's future. She's my fiancé so I have now a rights on her." Mariin niyang sabi.

"But do you really need to hurt a girl because you want her all by yourself? ni hindi nga sinasaktan si Rebecca ng mga magulang niya then you are the one who can hurt her? Ganyan ka bang klaseng lalake?" Seryoso namang sabi ni Earl kay Steven na tinaasan lang siya ng kilay.

"Wala kang pakialam sa mga gagawin ko kay Rebecca. She's mine now at kung nasasaktan ko man siya ay dahil na rin 'yon sa pagdidisiplina ko sa kanya. Ako ang masusunod sa relasyon namin kaya 'wag kayong mangingialam sa amin." Madiing sabi ni Steven.

Nagulat nalang ako nang biglang lumapit si Sheila sa kanya at sinampal siya ng napakalakas. Hindi pa nakuntento si Sheila at pinaghahampas nito sa dibdib si Steven na tuluyan nang nagalit sa kanya. Akmang itutulak na sana ni Steven si Sheila nang dalian namang sinuntok ni Earl si Steven sa panga kaya napaatras ito.

"Shit!" Pagmumura ni Steven at nakatingin na ito ng masama kina Sheila at Earl habang sapo-sapo nito ang panga niyang nasuntok.

"Subukan mong manakit ulit ng babae dahil papatulan na talaga kita!" Sigaw naman ni Earl.

Hindi ko namamalayan na nakatingin na pala sa amin ang mga iilang estudyante na nandito pa rin sa Cafeteria dahil sa eksenang nangyayari ngayon.

Manghang-mangha pa nga at parang kinikilig ang ilang mga babaeng estudyante dahil kay Steven. Nahuli ko pang palihim nilang pinipicturan ito.

"Pakialamero ka rin, no?" Mayabang na sabi ni Steven kay Earl.

"Oo, mangingialam ako dahil masyado mong ginugulo ang relasyon nila Rebecca at kapatid ni Isaac. Sa tingin mo ba nababagay kang pakasalan ni Rebecca? She doesn't even love you, dude so just cry in your crib!" Pang-aasar pa ni Earl na ikinagalit lang lalo ni Steven.

"What did you just say?" Sigaw ni Steven at susugod na sana ito kay Earl nang may pumigil sa kanya.

Ganon nalang ang pagkabigla ko nang makita ko si Messiah na nakatingin lang ng seryoso kay Steven na tila nabigla rin nang makita siya.

"Hurt Rebecca's friends or I will make your life miserable?" Malamig na sabi ni Messiah na ikinatindig ng balahibo ko.

Inis namang tinanggal ni Steven ang pagkakahawak ni Messiah sa braso niya.

"So, you're here?" Sarkastiko niyang sabi.

Nang mapatingin sa akin si Messiah ay malungkot akong tumingin sa kanya. Lumapit naman siya sa akin at niyakap niya ako.

I missed him so much, mahigit isang linggo ko rin siyang hindi nakita maski kahit na sa balcony ng kwarto niya ay wala rin siya doon.

"Are you alright, babyloves?" Masuyo niyang tanong. I nodded as an answer.

"I missed you, babyloves..." Masaya kong sabi na ikinangiti niya.

Nakakatuwa lang talaga si Messiah dahil ngumingiti na siya sa akin. It's very rare to see that to him pero ngayon ay nagagawa na niya ito.

"I missed you, too." Bulong naman niya sa akin.

"Ay hala ang pogi!"

"Jowa ba 'yan ni Rebecca?"

Possessively Owned by MessiahΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα