Kabanata 17

1.9K 181 25
                                    

Kabanata 17



Halos mag iisang buwan na simula ng ikasal si Harper, at magmula noon ay sa pamamagitan na lamang ng liham sila nagkakausap kaya naman laking tuwa niya ng makatanggap ng sulat na dadalaw ang kapatid sa kanilang tahanan.

"Limang araw na lang ay magsisimula na si Luis sa kaniyang trabaho sa palasyo, ikaw, anong plano mo?"

Panandalian namang sumulyap si Zariya sa kapatid at ibinaba na hawak na tsaa "Nothing special, just breathing...." Hindi naman maiwasang mapahagikgik ni Harper sa isinagot ng nakababatang kapatid habang ito ay may seryosong ekspresyon.

"Seryoso, anong plano mo?" Muli niyang tanong.

Napaisip naman si Zariya, ang unang lumabas sa kaniyang isip ay ang imahe ng dalawang tao na nais niyang sirain ngunit agad niya iyong inalis sa isipan at nag-isip ng iba ngunit hindi niya maiwasang mapailing, wala siyang espisipikong plano para sa sarili niya. Mayaman ang pamilya Claveria, ni hindi niya kailangan magsikap para makuha ang mga bagay na nais niya at mas lalong hindi niya kailangang magtrabaho para magkaroon ng magandang buhay dahil sa una pa lang ay tinatamasa na niya ito. Ang tanging magagawa niya lang ay magpakasaya sa kayamanan na mayroon ang pamilya nila o magbahagi sa ibang mga nangangailangan.

"Ang mabuhay ng tahimik." Iyon na lamang ang naisagot niya, na tanging hindi matutumbasan ng salapi.

Mabilis na napalitan ng seryosong ekspresyon ang mukha ni Harper "Ngunit taliwas ang iyong kasagutan sa mga ginagawa mo." Aniya at nag-iwas ng tingin.

Dahil sa sinabi nito ay biglang bumalik sa alaala ni Zariya ang mga sinabi ng prinsipe noong huli silang nagkita, halos pareho sila ng isinambit. At halos dalawang linggo na ang nakararaan ngunit magpa hanggang ngayon ay hindi parin sila nagkaka-usap, nais niya mang sumulat ngunit pinangungunahan siya ng takot na baka galit sa kaniya ang prinsipe.

"Hindi ka magkakaroon ng katahimikan kung patuloy ang pakikipag-ugnayan mo kay Sir Hendrix." Bumuntong hininga siya "Iyo bang narinig ang mga usapan na kumakalat tungkol sa iyo?" Nag-aalalang aniya "Ang sabi nila'y hindi ka parin nadadala sa nangyari sa iyo't patuloy na hinahabol ang taong hindi naman kayang ibalik ang pagmamahal na ibinibigay mo."

"I am aware of what I'm doing, Marchioness." Pormal niyang wika, dahilan para magbago ang ihip ng hangin sa paligid.

"Batid mong ikakasal na siya kaya nakasisiguro akong alam mo ang katawagan sa babaeng malapit sa lalaking nakatakda ng ikasal. Ikaw ba'y hindi naaapektuhan, Zariya?" Bakas sa boses nito ang inis.

Napabuntong hininga na lamang siya, alam niyang walang nakakaintindi sa ginagawa niya, at kahit pa na nais niyang magpaliwanag ay hindi naman siya makatitiyak na susuportahan siya ng mga ito kaya mas pinili niyang iba ang isipin nila.

"Anyway, i have a question." Pag-iiba niya ng usapan ng hindi sinasagot ang katanungan na ibinato sa kaniya.

Nadismaya naman si Harper matapos na hindi nakatanggap ng sagot ngunit nagkibit-balikat na lamang siya kahit na nag-aalala "Kahit ano, susubukan kong sagutin sa abot ng aking makakaya" Turan niya, sa pag-aakalang malalim ang katanungan nito ngunit halos masamid siya sa tsaang iniinom matapos na marinig ang tanong.

"A-ano bang ibig sabihin kapag hindi mo matanggal sa isipan mo ang isang tao?" Nahihiyang tanong ni Zariya, na halos hindi niya masalubong ang mga mata ng kapatid.

Mabilis na nanlaki ang mata ni Harper at sumagot "You like that person!" Gulat niyan saad.

"NO!" Pasigaw niyang sagot pabalik "I-i mean, napagsalitaan ko siya ng hindi maganda at hindi ako mapakali dahil alam kong nasaktan ko siya." Dagdag niya pa.

Resurrected To Another BodyWhere stories live. Discover now