Kabanata 9

2.3K 184 11
                                    

Kabanata 9



Habang nasa hapag-kainan ang pamilya Ledger ay hindi matigil si Lady Samara sa pagdaldal kung gaano siya kasabik na maikasal kay Hendrix na kaniyang kina-huhumalingan.

"Malapit ko ng matapos ang pag-gawa ng mga imbitasyon and next week they will be ready to be delivered to the selected guests." Magiliw na turan nito na ikina-ikot ng mata ng nakababatang kapatid na si Aurora.

"Pwede bang itikom mo ang iyong bibig? Ako'y naririndi na sa iyo, araw-araw mo na lamang bukang bibig ang tungkol sa inyong kasal." Tinaasan naman siya ni Samara ng kilay ngunit mas lalo niya lang itong nais na inisin "Baka sa sobrang pagkasabik mo'y maudlot ang inyong kasal, baka biglang mapagtanto ni sir Hendrix na mahal niya pala si Lady Zariya—" Natigil lamang siya sa pagsasalita nang pagdabugan siya ni Samara ng kubyertos na ikinagalit ng kanilang mga magulang.

"Ang bibig mo ang iyong itikom at huwag mong mabanggit bangit ang pangalan ng babaeng 'yon!" Bulyaw ni Samara habang nakaduro ang daliri sa kapatid.

Sasagot pa sana si Aurora nang ihampas ng kanilang ama ang kamao nito sa lamesa na gumawa ng inggay "Tumigil na kayong dalawa, kung mag babangayan lang rin kayo, mabuti pang lumayas kayo sa hapag-kainan!"

Napairap na lang sa isa't isa ang magkapatid bago nagpatuloy sa pagkain. Na-antala ang kanilang pagkain dahil sa pagdating ng isang regalo "Paumanhin ngunit ang sabi nang naghatid nito ay nanggaling ito mula kay Lady Zariya Claveria, regalo niya para sa mag-asawang Ledger." Bakas sa mukha nilang lahat ang pagkagulat, ang magkapatid ay hindi alam kung bakit bigla na lang nagpadala ang dalaga ng regalo gayong hindi naman malapit sa isa't isa ang kanilang pamily. Samantalang nagkatinginan na lamang ang mag-asawa.

Nang matapos na kumain ay agad na dumiretso ang mag-asawa sa kanilang silid upang doon buksan ang regalo. Nagtataka talaga sila na mula ito kay Zariya "Ito ba ang magandang balita na iyong sinabi, Felipe?" Tanong ni Serafina sa kaniyang asawa na nakatitig ng maigi sa regalo.

"Ibig-sabihin lang nito ay hindi sila nag-tagumpay na turuan ng leksyon ang babaeng 'yon." Turan nito habang nagtatagis ang panga.

Humahangos na nilapitan ni Serafina ang asawa "Kung gano'n, alam niyang tayo ang may pakana nito! P-paano kung sabihin niya ito kay Marshall?!" Utal-utal na tanong nito, habang nanlalamig ang katawan.

Napahilamos na lamang sa mukha si Felipe, hindi niya rin alam ang gagawin kung sakaling gawin iyon ni Zariya, pero naisip niyang subukang baliktarin ang kwento kung mangyari iyon ngunit agad niya rin naman naisip na hindi sila paniniwalaan lalo pa't hindi maganda ang kanilang reputasyon. Mas mataas pa ang tiyansa na idiin pa sila kung magkataon.

Nabalik lamang siya sa katinuan nang basahin ni Serafina ang maliit na liham na kasama sa regalo "Souvenir from your weakling assassin's." Muling nagkatinginan ang dalawa bago damputin ni Felipe ang hindi kalakihang parisukat na kahon at dahan-dahan bukasan.

Hindi napigilang mapasigaw sa takot at gulat si  Serafina nang tumambad sa kanila ang putol na dila at dalawang daliri na may dugo pa, habang si Felipe naman ay halos mapatalon sa kaniyang kinauupuan at nabitiwan ang hawak.

Nang kumalma ang pakiramdam ay nagsalita siya "Ngayon, kumpirmadong hindi siya magsusumbong sa kaniyang ama." Turan niya na hindi naman pinansin ni Serafina na hanggang ngayon ay parang tuliro parin.

NANG makarating sina Zariya sa Linao ay tanghaling tapat na, umupa muna sila ng Inn na kanilang tutuluyan at nagpahinga ng ilang oras bago magtungo sa mismong lugar ng mga nasunugan.

Dala-dala ang napakaraming sampung sako na may lamang bigas, mais, kamote, gulay at prutas ay nagtungo na sila doon. Sa bayan ng Linao ay medyo mainit kaya naman nagsuot si Zariya ng manipis na bestida at floppy hat na bumagay sa kaniyang kulay puting bestida.

Resurrected To Another BodyWhere stories live. Discover now