PROLOGO

6K 226 19
                                    

Resurrected To Another Body
Revised Version

***


Pasado alas-dose na, sa ganitong oras ay mahimbing na natutulog na ang mga tao ngunit sa underworld ay kabaliktan. Ganitong oras sila gising na gising upang magsaya sa pamamagitan ng pagsusugal, pambababae, paggamit at pagbili ng droga. Ito rin ang oras ng pinaka inaabangan lahat ng mga gangster at mafia, ang underground fight mula sa iba't ibang indibidwal at organisasyon.

Muling umugong ang malakas na sigawan ng mga tao matapos na tuluyang bumagsak sa sahig ang lalaking kalaban ng dalaga. Bumitaw lamang ang dalaga sa pagkakapulupot ng kaniyang braso sa leeg ng kalaban ng hindi na ito gumagalaw, dahan dahan siyang tumayo nang hindi inaalis ang paningin sa kaniyang kalaban na ngayon ay wala ng malay habang patuloy sa pag-agos ang dugo nito sa binti at tiyan na may mga saksak.

"Hindi na kita bubuhayin sa susunod Trevor, ito na ang huling beses na papayagan kitang makalapit sa kuya ko." Wika niya kahit pa hindi siya naririnig ng binata.

Bumaba siya mula sa ring at sinalubong siya ng kaniyang ka-gang. Malawak ang mga ngiti nila dahil nagawa nitong talunin si Trevor na siyang may kagagawan ng pagkaka-ospital ng kaniyang nakatatandang kapatid, dalawang araw na ang nakararaan.

"WE SHOULD CELEBRATE SABRINA’S WIN!" Sigaw ng babaeng may maikling buhok na si Dianna, halos hindi na kasi sila magkarinigan dahil sa patuloy na pag sigaw ng crowd.

"NEXT TIME, KAPAG NAKALABAS NA SI TERENCE SA OSPITAL!" Tugon naman ni Gelo na nakasunod lamang kay Sabrina, tumango tango naman ang iba pa bilang pag sang-ayon sa kaniyang ideya.

Naupo sila sa mahabang couch habang tanaw parin ang mga taong nagkakasiyahan, mayamaya pa'y dumating ang ilang bote ng alak na inutos ni Gelo.

"Wala pa ba kayong balak na umuwi? Kahapon pa tayo walang tulog na matino dahil sa bwisit na grupo nila Trevor." Saad naman ni Francis habang naglalagay ng alak sa mga baso.

Para silang nasa gyera kahapon dahil mahigit tatlong gang ang kanilang nakalaban, na kung pagsusumahin ay nasa animnapu silang lahat, habang sila naman ay pito lang laban sa kanila. Kung kaya't inumaga sila at mga wala ng tulog nang magtungo sa underground.

Napabusangot naman si Dianna "Super laki na ng eyebags ko. By the way, mga isang linggo ako mawawala. Magbabakasyon lang ako kasama ang mga sister ko sa Hawaii!" Magiliw niyang ani.

Inilapit naman ni Kyle sa tapat ni Sabrina ang alak "Kanina ka pa tahimik, what's the problem?" Tanong niya sa pag-aalala sa kaibigan.

Sabrina snapped out and shook her head "Nothing, I'm just tried and worried to my brother." Sagot niya bago kunin ang alak at inumin.

"Probably galit na galit nanaman ang grupo nila Trevor, bumalik ba naman tayong buhay." Wika ni Gelo kaya natawa sila.

"Auto karma ang mga g*go." Dagdag naman ni Francis sabay lagok ng alak.

Napataas ang kilay ni Sabrina "I do not believe in karma, there is no such thing in the world." Tugon niya kaya napalingon sa kaniya ang lahat "Only evil can punish evil, remember that." Saad niya at pinagkrus ang mga braso sa dibdib.

Para sa kaniya, ang mga taong may maitim na budhi ay hindi tinatablan ng karma kaya kung nais mong bumalik sa kanila ang mga masasamang ginawa nila ay dapat na may kumilos at maging isang walking karma.

Wala sa kaniyang bukabularyo na ipagpasa diyos ang pagpaparusa sa mga taong makasalanan. Kung magkasala ka sa kaniya ay siya ang nais na magparusa sa mga taong may atraso sa kaniya, nabuhay siya sa ganoong prinsipyo kaya naman hindi na rin siya magtataka kung mamamatay siya sa kamay ng kapwa-demonyo.

Resurrected To Another BodyWhere stories live. Discover now