Kabanata 16

1.9K 165 13
                                    

Kabanata 16



"Malayo pa ba?" Nag-aalalang tanong ng prinsipe sa kutsero habang nililingon ang kanilang dinaraanan na puno ng mga tao, dahilan para bumagal ang takbo ng kanilang karwahe.

"Malapit na ho, ilang—" Bago pa man matapos ng kutsero ang sasabihin ay nag madaling bumaba sa karwahe si Marcus at patakbong tinungo ang resto. Dahil sa kaniyang kilos ay hindi maiwasan ng mga tao na lingunin siya, animo'y may humahabol sa kaniya sa sobrang tulin niya tumakbo sa kabila ng mataong daan.

Nang makarating ang Prinsipe sa kaniyang paroroonan ay hingal na hingal siya ngunit hindi niya ito pinansin at mabilis na tinungo ang silid na kaniyang nireserba. Sa kaniyang pag mamadali ay hindi na siya kumatok pa at agad na binuksan ang pinto, ngunit isang malamig at tahimik na silid lamang ang sumalubong sa kaniya.

Napahilamos na lamang siya sa mukha sa sobrang pagkadismaya sa sarili. Kaarawan ng kasamahan niya sa Imperial knight kaya naman nakisaya siya sa kaarawan nito at sa hindi inaasahan ay nalasing siya ng sobra, dahilan para hindi siya magising sa tamang oras.

Napaupo na lamang siya habang hinihilot ang kaniyang sintido na hanggang ngayon ay kumikirot parin dahil sa tama ng alak. Agad siyang napatayo nang bumukas ang pinto sa pag aakalang si Zariya ito ngunit ang sumalubong sa kaniya ay ang tauhan ng resto.

"Kayo ba ang taong dapat kikitain ni Binibining Zariya?" Tanong nito sa kaniya ng magalang, kahit hindi nito namukhaan si Marcus.

Tumango naman ang prinsipe "Ako nga."

Napailing na lamang ang binata, alam niyang matagal ring naghintay ang binibini para sa binata "Nako~ matagal ninyong pinag-antay ang binibini, kaaalis niya lamang tatlumpung minuto ang nakakalipas."

"Gaano katagal siyang nag hintay?"

"Mahigit isang oras at kalahati rin, Ginoo."

Dahil dito ay mas lalo lamang hindi napalagay ang loob niya nang malamang ganoon katagal niyang pinag-antay ang dalaga. Umalis na lamang siya sa resto at dumiretso sa bayan upang bumili ng regalo para kay Zariya, napagpasyahan niyang bisitahin na lamang ito sa kanilang tahanan at humingi ng tawad sa nangyari.

Sa umpisa ay nahirapan siyang mag desisyon kung ano ang bibilhin lalo pa't sa napansin niya'y hindi naman mahilig sa materyal na bagay ang dalaga, hanggang sa napadaan siya sa mamahaling tindahan na nagbebenta ng mamahaling tsaa na imported galing ibang bansa.  Napabili rin siya ng bulaklak na nilalako ng bata kahit pa'y hindi ito ang Aster flower na siyang nais niyang ibigay kay Zariya.

"Si Lady Zariya po ba ang binibini kanina, Ina?!" Tanong ng batang paslit na nakakuha ng atensyon ni Marcus.

"Siyang tunay." Sagot naman nito.

"Talaga po palang napakaganda niya! Nais ko pong maging katulad niya paglaki ko!" Magiliw na wika nito.

Muling nagpatuloy sa paglalakad ang binata ngunit sa kaniyang pagpapatuloy ay naririnig parin niya ang pangalan ni Zariya sa bibig ng mga tao sa bayan.

"Kaakit-akit talaga ang bunsong anak ni Count Lucius Claveria."

"Ang kulay gintong buhok niya ay kahanga-hanga, animo'y nagmukha siyang anghel na bumaba sa ating bayan!"

"Halina kayo, bilisan natin, naroon daw ang binibini!"

Dahil sa kaniyang naulinigan ay mabilis niyang sinundan ang grupo ng mga kalalakihan hanggang sa makarating sila sa kumpol ng mga tao kung nasaan napagigitnaan si Zariya.

Nakahinga siya ng maluwag nang masilayan ang dalaga, hindi niya marinig ang mga tinuturan nito ngunit batid niyang may nagawa itong mabuti, dahilan ng pag luha sa tuwa ng matandang kausap nito.

Resurrected To Another BodyWhere stories live. Discover now