Kabanata 25

1.5K 145 15
                                    

Kabanata 25



"Sa susunod ay huwag mo ng pilitin ang iyong sarili kung hindi kaya ng iyong katawan." Bakas ang pag-aalala sa mga mata ni Zariya kahit pa'y may inis sa tono nang pananalita nito.

Marahan naman na ngumiti si Harper "Hindi ko hahayaan na mag-isa ka rito—"

"Helen is here and knights are with me, so I'm not totally alone." Pagtatama naman nito sa kapatid bago muling sumubo ng pagkain.

Medyo malakas at mabilis magutom si Harper kaya naman ng kumain ito'y sinaluhan na rin ni Zariya kahit pa busog siya dahil sa paanyaya ng kapatid "Kinaya ko naman, hindi ba? Heto ako't nagsasalo tayong kumain." Mahinang tugon nito, animo'y napagalitan ng Ina.

Nahuli naman ni Zariya ang masamang pagtitig ng kapatid sa likod ng kaniyang asawa habang may kausap itong mga maharlika, napailing-iling na lamang siya. Malamang galit ito dahil sa ibinuking siya ni Carlos. Ang totoo pala'y halos isang oras ang naging biyahe nila dahil patigil-tigil sila sa kadahilanang hindi kaya ng sikmura nito ang bumyahe. Bago pa sila makarating ay namumutla na ito sa sobrang pag-susuka, wala namang magawa ang Marquess dahil nagpupumilit talaga ang asawa na magpunta.

Napabuntong hinga si Harper "Sobrang nag-alala ako nang malaman kong inatake kayo ng mga bandido noong pauwi kayo ng Silverado! Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong umuwi at bisitahin ka ng personal...."

Lumambot ang puso niya sa kaniyang narinig "Nagpapa salamat ako sa pag-aalala mo, ngunit sa pagkakataong 'to'y dapat mong mas unahin ang 'yong kapakanan." Ngumiti siya ng marahan at inabot ang kamay nito "Hindi na lamang ikaw ang nag mamay-ari ng 'yong katawan, may batang dapat mong pangalagaan sa iyong sinapupunan.... Kaya ko na ang aking sarili, wala ka ng dapat ipangamba."

Hindi naman maiwasang maging emosyonal ni Harper sa sinabi ng kapatid, masaya siyang marinig ito mula kay Zariya. Dati ay halos hindi sila mapaghiwalay at animo'y naging ina na siya ng kapatid, siya ang nag-alaga dito mula pagkabata, kaya naman sa mga oras na 'to'y napagtanto niyang ganap ng dalaga si Zariya.

'Malaki ka na nga...'

Mabilis naman niyang hinawi ang namumuong luha at pabirong sinabi "Bilis bilisan mong humanap ng asawa at nang mapanatag na ako." Aniya na pareho nilang ikinatawa.

"Nag-aalala ka parin ba patungkol sa usapan tungkol sa ugnayan ko kina Lady Samara at Sir Hendrix?" Batid niyang iyon ang ipinangangamba ng kapatid.

Napabuntong hinga ng malalim si Harper at naupo ng tuwid "Hindi ko lamang maatim na pag-usapan ka nila ng masama, pakiramdam ko'y wala kang kakampi rito—"

"You're wrong." May bahid ng ngiti sa kaniyang labi "Lady Amiera... she's there for me. Pinanigan niya ako kahit pa ang lahat ay hinihila ako pababa."

"Kung gayon na nabawasan na kahit papaano ang aking pag-aalala, may kaibigan ka ng maituturing." Natutuwa siyang mag-kasundo sila ng nakababatang kapatid ng kaniyang asawa.

Bigla namang pumasok sa isip niya si Lady Lily, ang bunsong anak ng pamilya Clericus. Noon pa man ay alam niyang nasa panig niya ang binibini kahit pa kapatid nito si Hendrix.

Naging mahaba-haba pa ang kanilang naging pag-uusap, natigil na lamang ito ng makaramdam ng antok si Harper at nagpahinga sa sariling tolda kasama ang asawa.

Nang unti-unti ng nagsisidatingan ang mga kalahok ay hindi magkamayaw ang lahat, lalo na ang mga dilag na nasasabik ng malaman kung sino ang magwawagi ngayong taon at higit sa lahat ay upang maibigay na nila ang panyong kanilang binurdahan sa kanilang hinahangaang kabalyero.

Daladala ng mga nahuling mababangis na hayop ay pumwesto sila sa harap ng entablado, habang may dalawang tagapag-silbi na umiikot at sinu-suri ang kanilang nahuli.

Resurrected To Another BodyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant