kabanata 12

2.1K 191 10
                                    

Kabanata 12



Madilim na ngunit walang tigil parin ang pagbuhos ng ulan na sinabayan pa ng kulog. Nakatayo sa bukana ng kweba si Zariya upang abangan ang pagbalik si Marcus na sampung minuto ng wala dahil sa paghahanap nito ng makakain nila.

Naisip niya sanang sundan na ito ngunit nakahinga siya ng maluwag nang makita niya na ang pigura nito na tumatakbo patungo sa kinaroroonan niya dala ang iba't ibang prutas na kaniyang nahanap sa kagubatan.

"Basang basa ka, magpatuyo ka muna." Aniya sabay kuha sa mga prutas na dala nito saka niya hinila si Marcus patungo sa tapat ng apoy upang mainitan ito "Strip." Napahinto siya ng mapagtanto niya ang kaniyang sinabi "T-take off your clothes, baka magkasakit ka." Biglang sumungit ang kaniyang tinig na ikinangisi naman ng prinsipe.

"Bilang commander ng Imperial knight, ang mabasa ng ulan ay wala lang sa akin. Kaya hindi mo kailangan mag-alala—"

Agad na tumaas ang kaliwang kilay ni Zariya "Sinong nagsabing nag-aalala ako? Concern ako sa sarili kong kaligtasan, baka ako pa ang pagbintangan na may kasalanan kung may mangyari sayo." Napailing na lamang ang prinsipe sa mga tinuran niya at hinubad ang kaniyang suot.

Mabilis naman siyang nag-iwas nang tingin ng magsimulang hubarin ni Marcus ang suot na puting polo at pigain ito, mayamaya pa'y ibinato sa kaniya ni Zariya ang kaniyang balabal upang ipangtakip sa kaniyang katawan.

Habang nagpapatuyo ng damit at nagpapainit si Marcus, inaasikaso naman ni Zariya ang paghahanda sa mga prutas. Nang matapos ay agad siyang nag-abot sa prinsipe upang ito'y makakain na, nang hindi ito kunin at titig lang ay napaikot ang mata ni Zariya "What? Do you want me to feed you?"

Humarap naman ang prinsipe sa kaniya ng may ngisi "Good idea." Sagot niya na ikinasalubong lang ng kilay ni Zariya.

"Bahala ka." Bulong niya at kumain na lang at inignura ang prinsipe.

Dalawampung minuto na ang lumipas ngunit walang kumikibo sa kanila, tanging ang mabigat na buhos ng ulan lamang ang maririnig.

Napalingon na lang si Marcus sa kaniya, tahimik ito at nakatulala lamang habang nakatingin sa kalangitan sa labas. Sa kabilang banda, nalunod na sa malalim na nakaraang memorya si Zariya.


Ang ulan ang bumubuhay sa masakit na karanasan niya sa trahedyang kumitil sa buhay ng kaniyang magulang sa nakaraan niyang buhay.

Ang gabing halos walang tigil ang pagbuhos ng ulan habang nasa loob sila ng sasakyan pauwi sa kanilang tahanan matapos nilang makapag-diwang ng ika-walong kaarawan niya.

Nabalik lamang siya sa katinuan nang marinig niya ang baritong boses ni Marcus na paulit-ulit siyang tinatawag "Are you okay?" Tanging tango lamang ang kaniyang isinagot.

Napabuntong hininga na lamang ang prinsipe, alam niyang may bumabagabag dito "I won." Aniya kaya kaagad napalingon sa kaniya si Zariya.

"What?"

"I won and you said it's up to me." Umikot na lang ang mata ni Zariya "Isa lang ang nais ko, hindi naman mahirap 'to." Dagdag pa niya.

"Fine, what is it?" Tugon niya habang nakatanaw parin sa labas ng kweba.

Tatlong minuto na ang lumipas ngunit hindi pa niya naririnig ang sagot ng prinsipe kaya nilingon niya ito "Just say it, huwag ka ng pa-suspense." Saktong paglingon niya ay nagsalubong ang kanilang mga mata kaya panandalian siyang hindi nakagalaw sa kaniyang posisyon.

Nabalik lamang siya sa reyalidad sa sagot ni Marcus "Marry me." Sagot niya habang pinapantayan niya ang titig sa kaniya ni Zariya nang may seryosong ekspresyon "Be my princess consort."

Resurrected To Another BodyWhere stories live. Discover now