Kabanata 10

2.3K 183 10
                                    

Kabanata 10



Ang eksenang pagtulak kay Zariya ang nasaksikahan ni Hendrix, hindi siya nag dalawang isip na lapitan at tulungan siya lalo na nang makita niya ang naging pagbagsak nito sa kalsada.

"Mga lapastangan! Hindi niyo ba kilala ang binibining inyong inagrabyado? Mga hangal!" Sigaw ni Hendrix at mabilis na ipinadampot ang tatlong kalalakihan sa kaniyang mga tauhan.

Nang lingunin niya ang kinaroroonan ni Zariya ay tumambad sa kaniya ang pag silip nito sa kaniyang paa na ngayon ay mapula at namamaga, kaya agad siyang lumapit at lumuhod sa harapan nito "Let me help you, Lady Zariya." Turan niya.

Tatanggihan sana ito ni Zariya ngunit naisip niyang Isa itong oportunidad upang maisagawa kaagad ang kaniyang plano kaya tumango siya. Inalalayan siya nito na makatayo ngunit nagpanggap siyang hindi niya talaga kayang tumayo kaya walang nagawa si Hendrix kundi ang buhatin siya.

Akmang aalis na sila ng pigilan ito ng batang babae "Sandali lamang, Ginoo!" Mabilis na lumapit ang dalawang bata "Maraming salamat binibini sa inyong tulong, kung wala kayo ay baka tuluyan na nilang nakuha ang aming pera ngunit humihingi rin po ako ng tawad dahil kayo ay napahamak ng dahil saamin." Turan nito habang nakayuko.

Napabuntong hininga naman si Zariya bago sumagot "Wala iyon, mabuti pa't mag-iingat na lamang kayo sa susunod." Sagot niya at ngumiti sa mga ito "Nasaan ba ang inyong mga magulang?" Tanong niya na ikinalungkot ng mukha ng dalawang bata.

"W-wala na po sila, matagal na silang namayapa binibini." Sagot ng batang lalaki na may maliit at matinis na boses.

Hindi naman maiwasang mahabag ni Zariya, alam niya ang pakiramdam ng wala ng magulang dahil bata pa lang siya ay ang kuya Terence na niya ang naging magulang niya.

"Ganito na lang, bukas bago ako bumalik sa Silverado ay kikitain ko kayo rito alas-syete ng umaga. May ibibigay ako." Wika niya nang may ngiti.

Mabilis naman na tumango ang dalawang bata "Sige po, kami ay maghihintay sa inyo bukas."

Hindi naman mapigilang mapatitig ni Hendrix lalo pa't malapitan niyang nasisilayan ngayon ang dalaga, natauhan lamang siya nang magsalita ito "Are you alright?"

Napalunok siya at tumango "A-ahh, yes, yes I'm fine." Tugon niya bago tuluyang naglakad pasakay sa naghihintay na kalesa kung saan aligaga si Maribel.

HABANG ginagamot ni Maribel ang kaniyang paa ay naghihintay naman si Hendrix sa kanila.

Mag mula ng makarating sila sa inn na kasalukuyang tinutuluyan ng dalaga ay hindi parin inaalis ni Hendrix ang pagtitig sa dalaga, na ramdam naman ni Zariya ngunit hinahayaan niya lamang ito.

Anim na buwan nang huli silang nagkita at hindi makapaniwala si Hendrix kung gaano kaganda si Zariya. Unang beses niya itong nakita ay nagandahan siya ngunit sa mga sunod na pagkikita nila ay lagi niya na itong nakikitang may makapal na kolorete sa mukha na kinainisan at pinandirihan niya. Ngayon, napatanong tuloy siya kung bakit ba ito noon naglalagay ng makapal na kolorete kung maganda naman na ito.

"Sayang ka." Wika niya sa kaniyang sarili habang nakatitig parin kay Zariya. Ang panghihinayang niya ay napalitan ng tuwa ng maalala niya kung gaano kabaliw sa kanya ang dalaga kaya napangisi siya.

Napansin naman ni Zariya ang naging reaksyon ng mukha niya, pinandirian niya ang reaksyon nito dahil alam niyang maaaring nag-iisip na ito ng paraan para utuin siya "Salamat, maaari ka ng lumabas." Saad niya at agad namang tumalima si Maribel.

Tumayo si Zariya mula sa pagkakaupo ngunit kaagad din siyang nawalan ng balanse, alerto naman si Hendrix kaya kaagad niyang nadaluhan ang dalaga "Tulungan na kita."

Resurrected To Another BodyWhere stories live. Discover now