Kabanata 14

2.2K 175 34
                                    

Kabanata 14



"Hindi na mangyayari iyon, ipinaubaya ko na si Hendrix kay Lady Samara." Tugon ni Zariya habang may malamyos na ngiti sa kaniyang labi, ngunit sa kaniyang kaloob-looban ay nais na niyang humalakhak sa reaksyon ni Samara, na halata ang inis sa kaniyang mukha.

Pilit namang napahagik-gik si Samara habang na niningkit ang matang nakangiti  'Bruha, pinahihiwatig mo bang nagpaubaya ka't pinulot ko ang tinapon mo?'  Inis na saad niya sa kaniyang sarili.

Matapos ng usapang iyon ay hindi na nawala pa ang mabigat na hangin sa kanilang paligid, hanggang sa natapos ang tea party.

"Masaya akong makilala ka, sa susunod ay iimbitahan kita sa tea party na idaraos sa aming munting tahanan."

Ngumiti naman ng kaunti si Zariya "Aasahan ko ang imbitasyon, Lady Moraine." Mas lalo namang sumilay ang ngiti nito, bago pa siya makasagot pabalik ay sumingit sa usapan si Lady Samara.

"Salamat sa pagpunta, Lady Moraine, sa uulitin." Tumango at nagpsalamat din si Moraine "Maaari ba kitang makausap, Lady Zariya? Tungkol ito sa kasal." Nang marinig ng ibang binibini ang kaniyang sinambit ay nagkantiyawan na sila.

"Mabuti pa't mauna na tayo, mukhang mahaba-habang usapan ang kanilang gagawin."

"You're right, see you again ladies!"

"Mauna na rin ako, salamat sa imbitasyon, Lady Samara."

Isa-isa ng nag-alisan ang mga ito hanggang sina Zariya at Samara na lang ang natira sa malawak na hardin.

"Speak—" Isang malakas na sampal ang nagpatigil kay Zariya sa pagsasalita. Sa lakas nito ay napabaling siya sa kaliwa, ngunit kahit gaano pa ito kalakas ay isang munting hagikgik lang ang narinig ni Samara sa kaniya.

Dahil sa ginawang pagtawa niya na parang nasisiraan ng ulo ay napaatras sa kaba si Samara, hindi niya maintindihan kung bakit siya nakaramdam ng takot. Samantalang nag-init lang ang kanang pisngi ni Zariya sa ginawang pananampal nito sa kaniya, umayos lang siya nang tayo at muling humarap nang taas ang noo. Nang mahimasmasan ay hindi nagpatalo si Samara, sinalubong niya ito nang matalim na tingin. "Ang lakas ng loob mong ipahiya ako kanina! Baka nakakalimutan mong nasa pamamahay kita!"

Tumaas ang kaliwang kilay niya sa sinabi nito "Ipinahiya? Nag sasabi lamang ako ng totoo o baka naman... masyado kang guilty na inagaw mo kasi siya—" Muli siyang nakatanggap ng sampal at mas malakas na kumpara sa nauna, na nag dulot ng pagdurogo ng gilid ng kaniyang labi.

"Ang kapal talaga ng mukha mo! Sana talaga namatay ka na lang!" Sigaw niya sa sobrang galit habang nakakuyom ng mahigpit ang mga kamao "Akala mo ba hindi ako nakakaramdam sa mga ginagawa mo? Simula ng magpunta ka ng Linao nag-iba na ang pakikitungo sa akin ni Hendrix, halos hindi na niya ako sulatan!"

Ngunit gaya ng kanina ay humagikgik lamang ulit si Zariya ngunit palakas ito ng palakas, dahilan para mas lalong mag liyab sa galit si Samara "Bakit parang kasalanan ko pa, huh Samara?" Nalukot ang mukha ng tawagin lang siya nito sa kaniyang pangalan "Pero sa bagay, nagpapadala siya ng mensahe sa akin tatlong beses sa isang linggo kahit siya'y abala, pero gayon pa man, bilang fiancee niya, unawain mo na lang." Mapanuyang tugon niya.

Halos bumaon na ang kuko ni Samara sa kaniyang palad sa higpit ng kaniyang pagkakakuyom, lalo na ng makumpirma niyang si Zariya na ang madalas na kapalitan ni Hendrix ng sulat at hindi siya. "Malapit na kaming ikasal, kaya tigilan mo na siya!"

Napabuntong hininga naman si Zariya habang nakatingin ng direkta sa mata niya "Paano kung ayoko? Anong gagawin mo?" Ang akala niya'y magwawala na sa galit si Samara ngunit taliwas ito.

Resurrected To Another BodyWhere stories live. Discover now