Kabanata 15

2.1K 182 22
                                    

Kabanata 15



"These are the list of candidate." Bumakas naman ang pagkalito sa mukha ng dalaga nang tanggapin ang listahang inabot sa kaniya ng nakatatandang kapatid na si Luis.

"Candidate for what, brother?" Kumunot ang noo niya ng tuluyan matapos makita ang walong pangalan ng lalaki na nakatala.

"For your marriage—"

"As far as I remember, wala akong sinabi na ihanap niyo ako ng mapapangasawa" Sa inis niya'y pinunit niya ang papel ng walang pag aalin-langan sa harap nito habang may nag mamatigas na ekspresyon "Pwede bang hayaan niyo na ako pag dating sa bagay na ito? Kung may napupusuan man ako—"

"Zariya, makinig ka naman!" Nagulat naman siya sa pag sigaw nito "Hindi mo parin ba titigilan si Sir Hendrix? Utang na loob, tigilan mo na siya! Hindi ka niya mahal at alam mo na dapat ang bagay na 'yon!" Nag-aalab ang kaniyang damdamin sa galit at pag-aalala.

Laman ngayon ng usap-usapan ang kaniyang kapatid at si Hendrix, at hindi na niya kayang mag sawalang kibo gayong narito na siya't may magagawa. Sariwa pa sa kaniyang alaala  ang balitang tangkang pag papatiwakal nito dahil lamang sa lalaking kaniyang iniibig, halos mag-baga siya sa sobrang galit kay Sir Hendrix. Hindi na niya kayang muli pa na dumanas ang nakababatang kapatid sa sakit, kaya hanggat kaya at may magagawa siya'y ilalayo niya si Zariya sa binatang nag bigay na sa kaniya dati ng pagdurusa.

Nang lumapit ito sa kaniya't halos lumuhod ay nanatiling walang kibo si Zariya "Nakiki-usap ako, kami, nila Ama huh? Layuan mo na ang lalaking iyon. Makakahanap ka pa ng lalaking mamahalin ka ng tunay at tapat, at hindi ang lalaking 'yon ang makapag bibigay sayo ng pag-mamahal na iyon."

Ngayon, napagtanto na ni Zariya kung bakit ito nag kakaganito, dahil sa kumakalat na usap-usapan. Malinaw sa kaniya na tunay na nag-aalala at pinangangalagaan siya ng mga ito ng tunay at tinatrato na parang isang kayamanan na hindi kailan man mapapalitan ng kahit anong bagay at halaga.

Mayamaya pa'y natauhan na ang dalaga't inabot ang kamay ni Luis bago tumango "I understand, brother, but for now. . . I cannot do that."

Akala niya'y makakahinga na siya ng maluwag ngunit mas lalo lamang lumaki ang pangamba niya "But—"

"Maniniwala ka ba sa akin kung sasabihin kong wala na akong ibang nararamdaman sa kaniya kundi galit?" Kumalma naman kaagad si Luis sa kaniyang tinuran at naramdaman iyon ni Zariya "Ang gusto ko ngayon ay pagkatiwalaan ninyo ako, hindi ko ipapahamak ang aking sarili, hindi na ako yung Zariya na simple mag-isip, kaya ko na ang sarili ko."

"Kung gano'n, ano ang dahilan ng paglapit mo—" Agad na nanlaki ang mga mata niya ng mapagtanto ang binabalak ng kaniyang kapatid "Huwag mong sabihin na nais mong mag-higanti?" Hindi ito sumagot sa kaniya, kaya nang titigan niya ang walang emosyong mukha ni Zariya ay nakumpirma niya ang hinala "Zariya, delikado 'yang ginagawa mo, hindi ba pwedeng layuan mo na lamang siya—"

"What if I tell you that I didn't commit su—" Agad siyang napatigil sa pag sasalita at napabuntong hininga "I promise, once na ma achieve ko yung plano ko, sisiguraduhin kong hindi na muling mag-kukrus ang landas namin." Napapikit at muling napabuntong hininga siya "Kaya sana'y ito na ang huling beses na makakatanggap ako ng ganitong klaseng listahan." Aniya habang nakatingin sa gula-gulanit na papel.

Tumango tango naman si Luis bago bumalik sa pagkaka-upo "In one condition." Umangat naman ang kilay ni Zariya, tanda ng nakikinig siya "Do it as fast as you can."

Napatayo si Zariya "Huwag kang mainip, kaunting hintay na lamang." Tugon niya ng may pilyang ngiti samantalang ang kaniyang mga mata ay puno ng talim "I'm done here, I'll excuse myself, I have meeting to attend with." Bago pa man sumagot si Luis ay mabilis siyang lumiban ng silid.

Resurrected To Another BodyWhere stories live. Discover now