Kabanata 6

2.6K 200 16
                                    

Kabanata 6



'Aster flower means symbol of love'. Napailing siya ng matauhan.

"Maaari ka ng umalis, salamat." Saad niya ngunit parang ayaw pang umalis ni Helen at naghihintay na makita ang reaksyon ni Zariya matapos basahin ang mga sulat, sa huli ay wala siyang nagawa kundi ang lumabas.

Napakagat sa na lang siya sa ibabang lagi habang nakatingin sa bouquet na kaniyang hawak, nag-init ang kaniyang pisngi at tenga ng maalala ang mga nangyari sa kanila ni Marcus.

Ibinaba niya ang bulaklak at kinuha ang sulat na nakasama ng bulaklak at binasa iyon.

Kapag hindi ka sumulat pabalik matapos na matanggap ang bulaklak na 'to, ako na mismo ang maghahatid ng mga regalo ko para sayo.

~ Marcus

Pakiramdam niya'y nagbabanta na ito sa bagong sulat, animo'y naputol na ang pasenya nito sa kaniya.

Napapikit na lamang siya sa kaba, hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan nang maisip niyang sasadyain siya mismo ni Marcus sa kanila tahanan. Gusto na lang niyang sabunutan ang sarili sa kaniyang kapalpakan "Bakit ba hindi mo naisip na siya'y galing sa mataas na pamilya, Zariya?! Sa kaniyang mukha at tindig pa lang ay alam mo na dapat na hindi siya isang pangkaraniwang na nobleman!" Pangaral niya sa sarili habang mariin na nakapikit, mas lalo lang siyang nabaon sa kahihiyan ng maalala ang mga sinabi niya sa prinsipe.

'I hope this will be our last meeting, please just forget what happened.' Parang sirang radyo na nagpapaulit-ulit ang mapangahas na sinabi niya kay prinsipe Marcus.

Huminga siya ng malalim at tuwid na umupo bago basahin isa-isa ang mga sulat.

Greetings, Lady Zariya.
I am deeply sorry but I cannot forget what happened, I hope we can meet again to talk properly.

~ Marcus

Greetings, Lady Zariya.
I know you already know who I am but don't worry, you can still call me Marcus. I hope you will write back, my lady.

~ Marcus

Greetings, Lady Zariya.
Hindi ko alam kung ano ang mga bagay na iyong nais kaya ako'y nagpadala na lamang ng mga sariwang prutas.

~ Marcus

Envié pluma y papel, Lady Zariya. Espero que vuelvas a escribir.  [ I sent pen and paper, Lady Zariya. I hope you write back. ]

~ Marcus

Bigla na lang pumasok sa kaniyang isip ang imahe ni prinsipe Marcus habang sinusulat ito sa inis, dahil hindi siya nakakatanggap ng liham pabalik. "I'm doomed, he thinks I'm ignoring him on purpose."

Ang mga sumunod pang mga liham ay paikli ng paikli, parang pasenya nito na malapit ng maputol kaya dali-dali siyang kumuha ng pluma at papel na sa tingin niya ay galing sa prinsipe.

Greetings, Your Imperial Highness.
Sana ay nasa mabuting kalagayan ka kapag natanggap mo ang aking liham.

Iyong ipagpaumanhin kung ngayon lamang ako sumulat pabalik, huwag mo sanang isipin na sinasadya kitang hindi sulatan. Marami lamang akong pinagkakaabalahan kung kaya't hindi ko kaagad nababasa ang iyong mga liham.

Resurrected To Another BodyWhere stories live. Discover now