"Tangina mo. Home run lang habol mo? Anong sinasabi mong hindi kayo pareho ng kapatid mo? Parehas kayong malibo---"

"No fucking way. Don't say that word! It's bad! Naririnig ka ni baby!" tinakpan pa nito ang aking bibig gamit ang kaniyang kamay. Hinawi ko ang kaniyang kamay saka siya siniringan.

"Umalis ka na, Persephone! Wala ka naman palang sasabihin. Istorbo," tinalikuran ko ito at saka nahiga.

Hindi muna ito nagsalita ngunit dama ko ang presensya niya. Ano bang kailangan niya?

"He's sorry..." he suddenly said. Kahit wala siyang sinabing pangalan ay alam kong...siya.

"He really should. I...heard earlier that...he knew? That I'm pregnant?" hinarap ko muli ito upang makita ang reaksyon niya. Nang tumango siya ay nadurog ang puso ko.

"But...he still chose to leave. Wow,"

"He has a reason, Donna." Perse said but my mind went blank. I don't wanna hear any reason! He should be here! He should be with us! With his future child!

"Bakit siya umalis? Para sa ex niya? Bakit? Sabihin mo nga sa akin, Perse? Nagkulang ba ako? Inunawa ko naman siya, ah? Sabi mo magtiis ako? You said that I need to understand and I did! "

"Bakit siya umalis? Alam niyang...a-alam niyang magkakaanak na kami pero mas pinili niyang lumayo! Anong klaseng lalake ang gagawa no'n?!" lumapit sa akin si Perse at iniupo ako.

"Perse...h-hindi pa ako handa maging isang ina. Pero hindi pumasok sa isip ko na ipalaglag ang bata because it's my responsibility! I disappointed my parents and my family but I'm willing to take the risk. Mas kaya kong harapin ang lahat ng ito kung nandito siya anong ginawa niya?" napahagulgol ako.

"Shhh, don't cry, Donna. We're here. We are not going to leave you. Please, stop crying. Makakasama sa bata..." pinilit ko ang sariling kumalma dahil sa kaniyang sinabi.

"I know you're angry. I know you’re having a hard time but we’re just here. Just think that I'm your boyfriend, after all, we look alike—aw!"

"Puro ka kalokohan," I sniffed and rubbed my nose. He chuckled and pinched it.

"Ang pula ng ilong mo," ngumiti ako at saktong bumukas naman ang pinto.

"Nawala lang kambal mo, tsk, tsk..." lumapit sa kama ko si Zyren.

"Selos ka lang, 'e!" pang-aasar ni Perse at agad naman siyang binato ni Zyren mansanas na dapat ay isusubo nito.

"Sus! Ayan na, oh! Sayo na! Sumbong kita kay Adi— kay Tulfo! Child abuse ka, e. Bata pa si Donna, m-maawa ka..." he smiled awkwardly.

"Lumabas ka na ngang kingina mo,"

"Tss, baka maging kambal pamangkin ko kapag iniwan ko kayong dalawa dito,"

"Tangina mo ba?!"

"Are you nuts?" nagkatinginan kami ni Zyren.

"Oh! Tignan niyo sabay pa kayo! " sinubukan ko siyang abutin para sabunutan na nagawa ko naman.

"Anong akala mo sa akin? Pokpok---"

"Hey, I'm just kidding! Damn, that hurts! Donna, stop! Hindi na nga!" binitawan ko ang buhok nito na agad niyang inayos.

"Joke nga lang, e. Ang brutal mo masyado! Pinaglilihian mo ba ako?" he snorted.

"Kung sayo lang din naman, wag na lang..."

Months passed and only my friends became my lean. They did not abandon me. I'm kinda ashamed of them because of the inconvenience I've caused but they just got angry with me because they said that I shouldn't think like that.

Endless Love (Amity Series #1) UNEDITEDWhere stories live. Discover now