"Nasaan pala si Sheila?" Tanong ko.

"Nauna na siyang umuwi dahil wala daw magbabantay sa pamangkin niya. May gusto palang kumausap sa'yo, halika na." Sabi niya at kaagad niyang hinila ang braso ko hanggang sa makarating kami sa likod ng school.

"Ano bang ginagawa natin dito-"

"Rebecca,"

Napalingon ako sa lalakeng nagsalita at nagulat ako nang makita ko si Demi na naglalakad papalapit sa akin.

Nakasuot ito ng itim na t-shirt at jeans habang magulo naman ang kanyang buhok.  Napansin ko rin ang iilang mga sugat niya sa braso pero hindi pa rin iyon nakabawas sa kagwapuhan niya.

Nang nasa harapan ko na siya ay titig na titig ito sa akin na para bang hindi siya makapaniwalang nakikita niya ako.

"Demi?"

Bigla naman niyang hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Rebecca, makinig ka sa lahat ng sasabihin ko. Delikado ang kuya mo-"

"He's already in jail. He kidnapped me." Pagputol ko sa sasabihin niya na ikinahinto nito.

"A-Alam mo na ba ang iba pa niyang ginawa?" Sabi pa niya.

"What do you mean?" Tanong ko.

He sighed. "Patay na sila Kris at Colt."

Halos hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Demi. Ilang buwan rin siyang nawala kasama sila Kris at Colt at pinaghahanap na rin siya ng mga tauhan ng Dad niya.

Now that he's infront of me at sinasabi niyang patay na sina Kris at Colt ay mas lalo pa akong kinabahan at natakot doon.

I suddenly look at Earl na nasa tabi ko at mukhang alam na rin niya ang tinutukoy ni Demi.

"B-Bakit sila namatay?" Tanong ko at hindi maiwasang hindi mautal.

Hinawi ni Demi ang kanyang buhok bago siya nagsalita. "Someone wants to kill us. You can see that I'm fully covered by bruises. Nakaligtas ako sa kamatayan, Rebecca samantalang sina Kris at Colt ay hindi." Malungkot niyang sabi.

Napatakip na ako ng bibig dahil sa sinabi niya. That's the reason why they are missing, may gusto pala talagang pumatay sa kanila at si Demi lang ang nakaligtas.

"I-Is it because of me?" Mahina kong pagkakasabi.

Tumango si Demi. "Yes, Rebecca. That person can't accept that you forgive us sa ginawa namin sa'yo noon nina Kris at Colt. He's so madly crazy in love with you at nasa paligid mo lang siya."

Tuluyan na akong nanghina sa sinabi ni Demi at matutumba na sana nang kaagad naman akong naalalayan ni Earl.

"W-Who is it?" Nanginginig kong tanong.

Demi look at me straight to my eyes.

"It's Rodney. Your brother."

Hindi ko na napigilan pa ang luhang kusa nalang dumaloy mula sa mga mata ko. Hindi ako makapaniwala na dahil sa akin ay may mga buhay na nawala at kagagawan pa ng isang taong pinagkakatiwalaan ko at sabay kong nakasama simula pagkabata palang.

"He can capable to do that, Rebecca. Rodney is our ex-fraternity member 5 years ago. He can kill innocent people while me, Kris and Colt can't do that kaya kaagad kaming umalis sa grupo na 'yon. Your brother was an ex-leader of our gang." Demi said.

Hindi na ako halos makahinga dahil sa mga inamin sa akin ni Demi. Hindi ko alam na naging member pala si Kuya Rodney ng isang gang at leader pa siya doon. I know that Mom and Dad didn't knew that also. Kaya pala may iba kay Kuya Rodney.

Possessively Owned by MessiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon