Chapter 31

345 23 7
                                    

I had just received a text message from Ambrose telling me that he's at dinner with his family. Tinanong ko kasi siya kung anong ginagawa niya, kaya natural na tatanungin niya rin ako kung anong ginagawa ko.

Sagot ko, umiiyak ako ngayon.

Balak ko namang sabihin agad sa susunod kong text kung bakit ako umiiyak, pero kinuha ni Jamie agad sa akin ang cellphone ko.

"Huy! Akin na!" nagpapanic kong sabi dahil baka biglang sumulpot si Ambrose dito at iwan ang pamilya niya roon.

Agad tumunog 'yon dahil sa tawag ni Ambrose at ang kaibigan ko ang sumagot. Sinenyasan ko siya na i-loud speaker 'yon para marinig ko pero hindi niya ako sinunod.

"Hello, Ambrose!" Ang sama ng tingin sa akin ni Jamie, pagod na siguro 'to sa akin pero wala siyang choice. Sinasamaan ko rin siya ng tingin dahil hindi ko marinig ang sinasabi ng kabilang linya.

"Yeah, she's okay. Iniiyakan niya lang 'yung mga dragon kasi raw hindi nila kayang i-blow yung candles sa birthday cake nila."

Humalakhak si Ciana kaya tinapon ko sa kaniya 'yong tissue na kagagamit ko lang pampunas sa luha ko.

Well, if they put it that way, it sounds really ridiculous, alright! Sa isip ko, hindi naman ganoon kababaw!

"Guys, come on! It is sad, admit it! They can't blow it out because they'd end up... just... lighting it again."

Humagulgol na na naman ako.

Jamie sighed, and Ian went closer to the phone's mic so he could speak, "Ayan, rinig mo ba, Doc? Ganiyan na kalala ang girlfriend mo."

Inabot sa akin ni Jamie ang phone ko pagkatapos ng sandaling katahimikan, pinabigay siguro ni Ambrose.

Ayan, tama 'yan.

"Arthemisia, hey," dinig ko ang boses ng kasintahan ko mula sa kabilang linya.

Tinatawanan pa rin ako ng mga kasama ko kahit na seryoso naman ako, bwisit. "Alam mo, Ambrose, pwede kang tumawa pero 'wag masyado kasi may mga kaibigan na ako rito para gawin 'yon—"

"Cake sparklers are the new thing. They aren't exactly like candles, but they sure are flashier. Dragons can just wait for them to die out, then they can say their wishes. Problem solved."

Problem solved indeed! Hindi na rin naman ako nabigla na sineryoso ako ni Ambrose. Siya lang yata ang may kayang sumeryoso sa akin sa mga oras na hindi ako maintindihan ng iba.

"Well, that makes me feel better. Thank you." pormal kong sabi para hindi ako mas lalong asarin nina Ciana.

They won't let me hear the end of it if I go all mushy towards Ambrose in front of them. What he said really did make me feel better though.

Ambrose let out a low chuckle, "Okay. Have fun. Say hi to them for me,"

"Bye. Enjoy the dinner..." sabi ko at ako na ang nagbaba ng tawag.

Mukhang hindi inasahan ng mga kaibigan ko ang biglang pagganda ng mood ko.

Wala naman silang magagawa, sabi nga nila dati, bilib sila kay Ambrose na siyang nakakaintindi sa akin sa lahat ng pagkakataon.

They get amazed by it, but I am used to how understood I am when it comes to him. Ganoon naman na siya dati pa.

"Doc Montagna for the win."

Nasa bahay lang kami, sa studio ko, at saktong nandito si Ciana nang bumisita pa ang dalawa kong kaibigan.

Wala naman kaming ginagawa talaga, nakaupo at nagkukwentuhan sa sahig kahit na may mga upuan naman sa paligid.

Hues of an Abstract Mind (Arte del Amor #4)Where stories live. Discover now