Chapter 2

584 27 9
                                    

"Aray ko naman," daing ko nang tumama ang ilong ko sa likuran niya dahil sa biglaan niyang pagtigil.

I was blindly following him and he stopped so suddenly!

"Hindi ba pwedeng may rear lights din ang mga tao para may signal kung kailan titigil?" reklamo ko pa sa mukhang wala namang pakialam na kasama ko.

He faced me, completely disregarding my complaint, "We're here. That is why I stopped."

Tsk. Siya kaya itong sobrang bilis maglakad, malamang ay bibilisan ko ang lakad ko!

Bunutin ko isa-isa 'yang maalon na buhok mo, eh. "Kakalbuhin kita kapag ganiyan ka pa sumagot sa akin." Ganda pa man din ng buhok nitong lalaking ito, medyo kulot, at malinis ang gupit.

"What?"

"Ayaw kong ulitin ang sinasabi ko!"

"But you've been going on and on about how you weren't really lost. I find that very contradicting, don't you think?"

Napaawang ang bibig ko sa narinig ko mula sa kaniya. Tapos seryoso pa siya!

Binalot kami ng mahabang katahimikan. Kulang nalang ay may lumipad na uwak sa taas namin dahil sa sobrang tahimik.

"What are you waiting for? Look for your sister."

"How?" Wala naman akong kakilala dito at medyo natatakot naman akong magtanong-tanong. Isa pa, ang dami ring classroom dito.

"I don't know, maybe with your eyes or something."

What in the actual hell! Pinipilosopo niya ba ako? Mas magiging pilosopo ako kung ganoon!

Sasabog sana ako sa galit pero may mga nakita na naman ako na papalapit sa amin. My resolve melted down and I was left scrambling for words. "I mean..."

He moved in front of me, effectively blocking my sight from seeing the rowdy students.

Loud sounds scare me... kahit hindi nag-aaway, natatakot pa rin ako sa mga iyon. Lalo na kapag nagsisigawan o malalakas ang boses.

I always feel like they're shouting at me, and that it is never going to end well.

Sisigaw ngayon, tapos kinabukasan, magbabago na ang lahat.

It leads to fall out.

Ganoon ba talaga?

Unti-unti siyang umusog, tila sinasabayan ang direksyon ng mga naglalakad na magkakaibigan na 'yon kaya hindi ko talaga sila kinailangang makita.

I'm actually thankful for that...

"Thank you so much," mahinang-mahina na sabi ko, baka nga hindi niya narinig.

Sinundan sila ng tingin nitong tour guide ko hanggang sa tuluyan na silang nawala.

Nang ibinalik niya ang tingin niya sa akin ay hudyat iyon ng pag-alis ng pagkakatakip ko sa tainga ko.

"What's her name?" tanong niya na hindi ko agad nakuha dahil 'di pa ako nakababawi mula sa kaba ko kanina. "Your sister."

Oh! "Sydney. Sydney Figueroa."

"Year and course?"

"3rd year, pharmacy."

Hinuli ko ang palapulsuhan niya nang ambang lalayo na naman siya. Baka mawala na naman ako!

"Where are you going?" kabado kong tanong. I feel like anytime soon, people will come out and mob me.

"I'm not going anywhere." sagot niya. Napatingin siya doon sa hawak ko at ibinalik rin naman agad ang tingin sa mga mata ko.

Hues of an Abstract Mind (Arte del Amor #4)Where stories live. Discover now