Chapter 18

383 27 28
                                    

I won't let Ambrose hear the end of it. Babaan ba naman ako ng tawag! I would be so petty about it the next time we see each other.

Namimiss ko lang naman siya.

Palagi ko siyang namimiss kaya gusto kong nakikita siya kahit sa tawag lang, kaysa naman sa wala.

On another note, I can't disturb him any time just because I want to.

May buhay din naman siya katulad ko... but is it really so bad to want to talk to him?

Late na ako natulog pero maaga pa rin ako gumising kinabukasan dahil gusto kong maabangan ang pagsikat ng araw.

Ininda ko ang hapdi ng mata ko na iritable pa rin dahil sa buhangin na pumasok doon kahapon. Akala ko naman ay kung itutulog ko, mawawala na. Mas lalala lang pala.

"Pabili po ng dalawa niyan. Pwede po bang pakidagdagan ng ano... 'yung brown?" sabi ko sa magtataho na nakaparada sa harap ng resort namin.

Tumawa si manong, "Arnibal ang tawag riyan. Sige, dagdagan natin kahit gaano pa karami."

Ang bait niya, pansin ko. Ang aga-aga pero naglalako na siya ng taho, at may malawak pa na ngiti sa labi niya.

Nakakamangha sila... at sana ay dumating ang araw na talagang makuha nila ang deserve nila mula sa pagsisikap nang ganito.

Bumili na rin kami ng soy milk sa kaniya dahil mukhang masarap. "Thank you po! Have a nice day," kumaway ako kay manong at umalis na kami roon para maglakad-lakad.

Malapit sa tubig kami naglakad ni Ciana, pero hindi ako kuntento sa tamang distansya lang mula sa tubig. Gusto kong mabasa noon at maramdaman sa paa.

Suot ko pa ang silk pajamas ko kaya tinupi ko 'yon hanggang sa tuhod para hindi mabasa. "That is what you get for making me get the one with shorts instead." sabi ni Ciana.

Pareho na naman kasi kami ng suot na pajama set, magkaiba lang ang kulay at shorts ang pang-ibaba ng kaniya. Coordinating but not exactly matching. Like always.

"Nilalamigan ako pag gabi! Ayos lang 'to! Ilang segundo lang naman ang pagtutupi!" sabi ko bago pa ako mahulog sa pang-iinggit niya.

Lumapit na ako sa dagat at napabugha ako ng malalim na hininga nang maramdaman ko ang tubig sa paa ko.

It's cold, but it's the kind of cold that I like.

Gusto kong sulitin ang umaga habang hindi pa mainit. Sumisilip pa lang ang araw kaya marami pa akong oras para damhin ang tubig.

"Parating na ang mga bangka!" dinig ko ang boses ni Ciana. Hinanap ko ang mga tinutukoy niyang bangka at nakita ko na isa lang naman pala ang 'yon.

Papunta 'yon sa direksyon namin, dito siguro titigil. Malawak ang ngiti ko dahil gusto kong makisakay doon pagdating dito. Papayag kaya sila Mama kung kami naman ang mag-island hopping mamaya?

Tutal ay hanggang bukas pa naman kami rito, mas maganda nang sulitin ang oras, hindi 'yung basta-basta lang na lumalangoy sa dagat.

Ate Sydney hasn't even left the premises of the resort ever since we got here! Who does that?

When that boat passed through the thick fog of the morning and came clearly into view, I almost couldn't believe what I'm seeing.

Sila Ambrose ang sakay ng bangka na 'yon... o baka naman masyado ko lang siyang nami-miss kaya nakikita na siya ng mga mata ko kahit wala naman?

His eyes were darkly looking at me as soon as their boat was close enough to the shore for our eyes to meet. Nang dumadaong na ang bangka, umatras ako dahil masyadong malapit sa akin 'yon.

Hues of an Abstract Mind (Arte del Amor #4)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu