Chapter 22

343 25 19
                                    

I do not want it. I don't want to end up like that.

Ayaw ko talaga.

Ang hirap maniwala sa mga love story na nagkakaroon ng happily ever after. Paano ako maniniwala, kung ang tanging alam ko lang na love story ay ang sa mga magulang ko?

Tapos wala akong ibang maalala sa kanila kung hindi mga pag-aaway at paghihiwalay. Everything that had led us to this point of no return.

The fights that led me to watch my father leave and walk away from me, and my mother to protect me from my own father. How could I ever want that for myself?

Paano kung lahat ng pagmamahal, doon mauuwi? Aalis. Mang-iiwan. Maghahanap ng iba kapag hindi na sapat. Posible rin na kabaliktaran, na ang isa, maayos na, pero may isa rin na maiiwang hindi maka-usad.

Nakikita ko kung gaano nahihirapan si Papa. Nakita ko kung gaano naghirap si Mama. I am a living witness of how love destroys people even when all I wanted as a child was to see how beautiful love is.

Ayaw kong maranasan 'yung pagmamahal na nakakasira.

Ayaw ko... pero gusto ko pang maniwala, kasi may tao pang nandiyan na pwedeng gawing dahilan para subukang maniwala.

Sobrang nakakatakot, oo.

Kaya mas lalong hindi ko kayang harapin mag-isa.

I hugged my arms as I sat by the pavement outside. It's only been minutes since I sent Ambrose that text and I don't expect him to come anytime soon. I just wanted to get out of that house as soon as I could. I can't spend another minute in there with my mother knowing that my father is all alone in Germany.

Hindi pa rin matahimik ang utak ko kakaisip. Posible palang mapagod hindi lang ang katawan. Ngayon kasi, parang susuko na pati ang kaluluwa ko.

Gusto kong sumigaw kasi baka kahit papaano ay malunod noon ang mga boses sa isip ko. Ang kaso, kahit pagsigaw, wala na akong lakas para gawin pa 'yon.

Kumalabog ang puso ko nang mailawan ako ng headlights ng sobrang pamilyar na Montero Sport na papasok sa street namin. Tumayo na ako kasi alam ko agad kung sino 'yon.

Pumarada 'yon sa kanto ng street namin kung saan ako nagpababa noong unang beses niya akong inihatid sa amin pagkatapos ng graduation niya. Alam niya kasi na ayaw kong maging agaw pansin ang sasakyan niya sa harap ng bahay namin. Naaalala niya.

Tapos nakita ko na si Ambrose. He's still in his uniform.

Dito ba siya dumiretso?

Naglakad ako para salubungin siya, mabagal kasi wala na akong lakas... pero tumakbo siya para mawala ang distansya sa pagitan naming dalawa.

Nakita kong bahagyang nanlaki ang mata niya nang makita ang kalagayan ko. Mabilis siyang dumalo sa akin. Ilang mabibilis at malalaking hakbang lang ay nandito na siya sa harapan ko.

"Hey, hey... I'm here."

Niyakap niya ako.

For the first time ever, he embraced me.

Sobrang higpit at sobrang init, parang matutunaw ako. Ito na yata ang pinakamagandang naranasan ko sa buhay ko. Labis-labis at nag-uumapaw ang ginhawa na naramdaman ko mismong segundo na kinulong niya ako sa sarili niya.

The very first time I knew how it felt to be the one in Ambrose Montagna's arms.

I felt him breathe in my scent as he held me tight, no sign of letting go. I tightened my embrace around his waist and I'm not letting him go either. There is nowhere safer than here.

Hues of an Abstract Mind (Arte del Amor #4)Onde histórias criam vida. Descubra agora