"Sige. Gusto ko 'yan." Nakangiting sabi ko.

Kaagad naman niyang hinila ang kamay ko hanggang sa naglakad na kami papaalis. Dumaan pa kami sa isang masukal na kagubatan na maraming puno at halaman hanggang sa makalabas na kami at tumawid sa isang ilog papunta sa taniman ng pinya nila na sinasabi niya.

Pagkarating namin doon ay namangha nalang ako sa ganda at lawak ng lupain na kinatatayuan namin ngayon. Lumapit kami sa isang kubo at mayroong isang babae at dalawang lalake ang nakaupo sa isang mahabang upuan na gawa sa kawayan.

Mukhang mga kasing edad lang ito ni John at may mga itsura rin at kahawig rin niya. Sa tingin ko ay ako ang pinakabata sa kanila.

Nagulat pa silang tatlo nang makita ako at kaagad sinulyapan si John na malaki ang ngiti.

"Sino siya, Kuya?" Tanong nung babae na titig na titig sa akin dahilan para mailang ako.

"Ah, siya nga pala si Rebecca. Kapatid niya ang bumili ng isla diyan sa katabing isla nila Mang Usting. Dinala ko siya dito dahil nag-iisa lang siya doon at gusto kong makilala niyo siya." Pakilala sa akin ni John.

Ngumiti naman sa akin ang babaeng kahawig ni John na kapatid pala niya.

"Hi! I'm Mildred. Kapatid ako ni Kuya John at ito namang dalawang lalake na kanina pa nakatingin sa'yo ay sina Kuya Benjo at Kuya Lando. Mga kapatid rin namin sila." Sabi ni Mildred at ngumisi pa ito na kaagad namang ikinaiwas ng tingin sa akin ng dalawang kapatid niya.

"Hindi ko alam na may maganda palang babae na dadating sa lugar na ito. Ang swerte mo naman, John!" Sabi ni Kuya Benjo at bigla nitong siniko si John na tila nahiya sa sinabi niya.

"A-ano ka ba, Kuya Benjo? Magkaibigan lang kami ni Rebecca at 'wag kang gumawa ng istorya dyan!" Hindi makatinging sabi ni John sa kuya niya.

"Sabi mo, e." Nakangising sabi naman ni Kuya Benjo at pagkatapos ay naglabas ito ng sigarilyo at inabutan niya si Kuya Lando na nakatitig na naman sa akin.

Kaagad naman akong umiwas ng tingin sa kanya hanggang sa hinila na ako ni John papalabas ng kubo.

"Pagpasensyahan mo na 'yang mga kapatid ko, Rebecca. Mahilig lang talagang manukso ang mga iyon." Paumanhin ni John.

"Okay lang, John." Sabi ko naman nang nakangiti.

Inumpisahan na naming naglakad sa gitna ng taniman ng mga pinya at manghang-mangha talaga ako sa lawak at ganda ng lugar na ito. Malalaki na rin ang mga pinyang nasa paligid na hindi pa nahaharvest.

"Pag-aari na namin ang pinyahan na ito dito sa Palawan. Nagsumikap sila Nanay at Tatay mula sa pagtatrabaho kaya nabili nila ito kaya kahit papaano ay hindi na kami naghihirap hindi katulad noon." Nakangiting pagkukwento ni John nang huminto kami saglit sa paglalakad.

Natatangay ng hangin ang suot kong puting summer dress dahil sa sariwang hangin na nagmumula dito. Dito pala kami sa Palawan nagbakasyon ni Kuya Rodney kaya pala napakaganda ng lugar na ito.

"Where's your parents?" Tanong ko.

Ngumiti naman si John ng malungkot. "Namatay sila sa isang aksidente noong mga bata palang kami ng mga kapatid ko. Nahulog mula sa isang bangin ang sinasakyan nilang pick up truck na naglalaman ng mga naani naming pinya."

"I'm sorry for your lost, John." Malungkot kong sabi na ikinailing lang niya at ngumiti na ulit ito ng malawak.

"Matagal na 'yon, Rebecca saka masaya na rin ako na nasa itaas na sina Nanay at Tatay at namumuhay doon ng mapayapa." Sabi niya.

John is such a strong person. Napakabait rin nito at napaka humble pa. May kaya ito sa buhay pero hindi iyon mahahalata dahil sa simple niyang pananamit.

Possessively Owned by MessiahWhere stories live. Discover now