Chapter 30. Girls

481 20 0
                                    


Chapter 30. Girls

Dahniea's Pov

"Dahniea?"

Napalingon ako sa taong tumawag ng pangalan ko at ang nakangiting sina Julia at Violet ang unang tumambad sa'kin.

Narito ako ngayon sa kwarto ni Zach at abala sa pag-aayos ng gamit naming dadalhin sa lugar kung saan nananatili sina Janice at ang kanyang manliligaw na si Nathaniel. The long wait is over. Finally, makikita ko na siya and finally, natagpuan na namin ang kinaroroonan nila.

We've been waiting for her to remember everything dahil ayon sa sinabi sa'kin ni Zach, hindi daw makaalala ang bunso niyang kapatid. I felt his pain. Kahit na gano'n parin kaseryoso at kalmado ang mukha niya, ramdam ko ang pangungulila niya para kay Janice. If I were him, I will feel the same dahil kahit anong gawin mong pagtanggi, konektado kayo sa isa't isa dahil nga kadugo mo siya.

Minsan, iniisip ko, paano kaya kung may kapatid din ako? Siguro kapag gano'n ang nangyari sa kapatid ko, hindi din ako mapapakali pero ang pinagka-iba namin ni Zach, siya nananatiling kalmado habang ako ay hindi alam ang salitang iyon.

I let out a deep sigh before I completely faced them. Siguro hinihintay nila akong bumaba kasi pumayag ako sa gusto nilang puntahan ngayon. They told me that they wan't to show me something and I don't have an idea what that is.

Matapos kong i-pwesto ang maleta sa tabi ng kama ay agad na akong lumabas ng kwarto at natagpuan silang nag-kwekwentuhan habang parehong nakasandal sa pader.

"Tara na?"

I nodded my head. "Sige" sagot ko kay Julia bago ako hinawakan ng mga ito sa magkabilang braso ko.

They're always like that. Palagi silang sweet pero syempre, hindi nawawala ang asaran kung minsan. I shooked my head and wonder where on earth are we going.

"It's a place for girls only. Kami mismo ang gumawa ng tree house na pupuntahan natin" biglang saad ni Violet kaya naman agad akong sumulyap dito at kinunotan siya ng noo.

"Tree house?" maang kong sagot.

"Yes po. It was located at the back of the mansion but it was far enough so that no one from the others could see it" aniya habang nakangiti.

Tumango ako at sandaling napaisip. If it was a big tree house, then how did they build it themselves? Hindi ba at masyadong mahirap iyon pero kung nagawa nga nila iyon ng maayos, then there is no doubt that this girls are smart and strong enough. A half smile formed on my lips before I shooked my head. They're freaking amazing. How I wish I could be like them.

Hindi na lang ako nagsalita at hinintay na makababa sa ground floor ang elevator. Sa ilang buwan buwan kong nanirahan dito, hindi parin ako sanay na gamitin ang ilang mga kagamitan nilang naririto just like this elevator na kulay ginto. Yes, its color is gold and it looks like real.

Nakakailang mang gamitin ang mga ito ngunit masaya namang kasama ang mga naninirahan sa mansion na ito. They are all genuine when they smiled to each other. Ewan pero siguro nga sanay na silang nginingitian ang bawat isa.

They treasure each other and I must say that each of them has the purest heart when it comes to the person who have been with them since the very start and I can wait for Acher to be completely a man on his own. I'm sure, he will also treasure his batch mate.

"Guys tara na!" sigaw ni Julia matapos naming makarating sa sala.

Nakita ko namang nagsitayuan na ang lahat at sabay-sabay na kaming lumabas mula sa back door ng mansion. Wait a minute, sigurado ba silang walang nakakaalam sa tree house nila? I shooked my head. Well, knowing Zach and the other boys here, imposibleng walang nakakaalam ni isa sa kanila.

My Beautiful Karma✔(Zach James Lee)Where stories live. Discover now