Chapter 1. Mask

1.3K 40 9
                                    


Chapter 1. Mask

Dahniea's Pov

"Kamusta lakad?"

Bored akong tumingin kay Sam matapos niya iyong tanungin sa'kin. Pabagsak akong umupo sa isang couch na narito sa loob ng kwartong kinalalagyan namin.

I shurgged my shoulder and shooked my head.

"Nothing's new" I uttered while taking off my leather jacket.

Nakita kong tumango naman siya at hindi na muling nagsalita. I let out a deep sigh and lean my back at the backrest of the couch. Grabe. Why does it feels like I'm tired when in fact, wala naman akong masyadong ginawa kundi ang mag-motor lang. Tsk. Maybe, I'm tired of thinking about my situation right now. Kainis!!

"Where are the two?" wala paring ganang saad ko sa kanya matapos ang sandaling katahimikan. Nakakabingi eh.

Nagkibit siya ng balikat kaya napataas ang kilay ko. "Hindi ko alam, okay? Nandiyan lang yung mga 'yon sa tabi-tabi"

"What do you mean by 'tabi-tabi'? Hanging out with those pervert assh*les?" I said using my sarcastic tone of voice. Nameke naman siya ng ubo na animo ay nahulaan ko 'yong gusto niyang sabihin.

I rolled my eyes at her and let out a deep sigh again for the nth. Ewan ko na lang sa kanila.

Narito kami sa bar kung saan ay palagi kaming kumakanta. Well actually, I have my own band and yes, I am the vocalist and sa isang araw, meron kaming concert. Manager din namin ang may-ari nito so expected na, na nandito kami sa isa sa mga VIP rooms.

I don't know why I choose this career over managing our company. Maybe, it's because I don't feel that I belong to that world. Sa totoo lang, isa sa problema ko ang pamilya ko ngayon. Who would have thought that they are the one who's against on my dream to be in the music industry. Sa musika ako masaya at isa pa, ayoko sa plano nilang arrange marriage. Bakit ba kasi uso pa ang mga gano'ng bagay ngayon. Nakakainis talaga!!

I once convince them that someday, I will manage our company pero masyado silang nagmamadali kaya mainit ang ulo ng daddy ko sa'kin ngayon. Masyado silang atat to the point na kailangan ko na daw magpakasal para may tutulong sa'kin sa pagpapatakbo ng kumpanya. I don't like their idea. It sucks and I swear, kapag pinilit pa nila ako, lalayas talaga ako. May sarili naman na akong condo at motor. I also have a cash and I'm on my legal age now pero masyado pang maaga para magkaroon ako ng asawa.

"I guess, you did not convince them, am I right?"

"Oh, come on Samantha Nicole, will you just shut up. Huwag mo nang dagdagan ang init ng ulo ko"

"Relax, meron ka ba ngayon? Ang sungit ah"

Muli akong umirap sa hangin bago napagpasyahang lumabas ng VIP room. Nakita ko namang agad siyang sumunod sa'kin kaya napangisi ako. Buhay nga naman. Mahirap mag-isa pero ang saya.

Kung ako ang papipiliin, then I will choose being independant and being myself. There's nothing wrong with that. I wan't to pursue may dreams in life and travelled around the world kaso ang problema, hindi ako nakakakuha ng pera ko sa bangko dahil hinarang ng parents ko ang mga cards ko na binigay nila sa'kin. See how crazy they are. Magbibigay sila ng card pero wala din namang kwenta kasi hinaharang nila.

Maybe, they are thinking that I don't have enough money to buy those things I need but they're wrong 'cause I have my own now without their help. Buhay pa sila pero bakit gano'n, hindi ko sila maramdaman. Malayo man o malapit. They're cold.

My Beautiful Karma✔(Zach James Lee)Where stories live. Discover now