"Oo, tol. Siguradong sigurado na ako. Ito nalang ang choice na mayro'n ako. Sinimulan ko 'to, wala nang atrasan." Sagot ni Quero Kenneth.

"Oh, sige. Bahala ka riyan. Basta ako maaga akong uuwi ngayon. Sabihan mo nalang ako bukas kung anong nangyari." Sabi ni Cleo Deo.

"Sige." Tugon naman ni Kenneth.

Makalipas ang ilang sandali ay kasalukuyang narito ngayon si Kenneth sa Aristrophis. Ang Aristrophis ay isang paralan para sa mga engkantadong may mga tinataglay na kapangyarihan rito sa mundo ng Alynthi.

Ang mundo ng Alynthi ay maraming mga engkantadong may kapangyarihan ngunit mayro'n ring mga engkantadong ordinaryo lamang at walang tinataglay na kahit na anong anyo na kapangyarihan.

Para sa paghahanap ng mga namumuno sa kaharian ng Agonia ay naghahanap sila ng mga mag-aaral na mas nakalalamang sa lahat pagdating sa paggamit ng mga kapangyarihan ila.

Ang mga namumuno na konseho, mga cleo, mga clea, quera at quero ay nanggagaling sa paaralan ng Aristrophis, Yujema at Hirijana.

Noon ay ang mga mag-aaral na malalakas ang kapangyarihan sa Yujema ay namumuno sa Mephonia at sa Hirijana naman ay namumuno sa Yuconia. Pero mula no'ng nawasak ang kaharian ng Mephonia at Yuconia ay sa Agonia mamumuno ang mga mag-aaral na mahuhusay sa Hirijana at Yujema

Kasalukuyang narito si Kenneth sa Aristrophis School of Magic. Nakaluhod siya ngayon sa harapan ng isang babae habang nakatingin ng diretso sa mga mata sa babaeng kaharap niy ngayon.

Napakaraming mga studyante ang nanonood sa kanila ngayon. Bawat building ay punong-puno ng mga studyante na nanonood sa bawat hallway sa bawat palapag ng gusali dito sa Aristrophis.

May hawak ngayon na nakabukas na pulang kahon si Kenneth. Ang nakabukas na pulang kahon ay may lamang kumikintab na singsing.

"Dalia, will you be my girlfriend?" Tanong ni Kenneth na punong-puno ng sinseridad ang mga mata.

Agad na nanigas ang mga paa ni Dalia habang nakatingin kay Kenneth. May nanlalabo na itong paningin ngayon dahil sa unti-unti nang namumuong mga luha sa kanyang mga mata.

"Y-Yes, Kenneth." Nauutal na sagot ni Dalia na ngayon ay mas nanlalabo ang paningin at hindi nagtagal ay agad nang nagsibagsakan ang kanyang mga luha. Mga luha na galing sa labis na kasiyahan at tuwa na nadarama.

Nang marinig ng mga studyante ang sagot ni Dalia sa tanong ni Kenneth ay agad na naghiyawan at palakpakan ang mga studyante na nanonood sa kanila rito sa quadrangle sa campus ng Aristrophis.

Agad din namang naghiyawan ang mga studyanteng nanonood sa hallway sa bawat palapag ng bawat gusali ng Aristrophis.

Tumayo si Kenneth at niyakap ng napakahigpit si Dalia. Natagpuan nalang ni Dalia ang kanyang sarili na tumugon sa yakap ni Kenneth.

"Oo, Kenneth. Pumapayag ako, kahit na tanungin mokong pakasalan ka ay tatanggapin ko. Alam mo kung gaano kita kamahal, Kenneth." Mahinang sabi ni Dalia habang nakayakap pa rin kay Kenneth. Tila nagsisibagsakan pa rin ang kanyang mga luha habang binitiwan ang mga salitang 'yon.

"P-Pero gusto ko ang ate mo, Dalia. Sana ay mapatawad moko sa gagawin ko sa'yo. I-Ito lang kasi ang alam kong paraan para mas mapalapit sa ate mo." Nauutal na sabi ni Kenneth sa kanyang isip habang magkayakap pa rin silang dalawa ni Dalia.

*END OF FLASHBACK*

"Mahal na mahal kita, Reina. Dati pa, no'ng nasa Aristrophis pa tayo. Hindi ko kayang mawala ka, Reina. I can't imagine myself without a Reina in my life. Ikaw ang quera ng buhay ko, Reina." Mahinang sabi ni Kenneth habang nakatingin sa natutulog pa ring si Reina. Pagkatapos ay marahang hinalikan sa noo si Reina.

Kasalukuyang nandito itong isang napakamisteryosong tao na nakasuot ng isang itim na cloak sa may di kalayuan kina Reina at Kenneth. Nakatingin ito ngayon sa nakahalik na ngayon kay Reina na si Kenneth. Nakatingin itong isang napakamisteryosong engkantado kay Kenneth na may nakaukit na isang maka demonyong ngiti sa mga labi.

"Sa wakas at alam ko na ang kahinaan mo, Quero Kenneth. Humanda kayo sa inyong pagbagsak. Darating din ang mga araw na maging ang kaharian ng Agonia ay masasakop ko na!" Nakangiting sigaw sa isip nitong isang napakamisteryosong tao habang nakangiti ng isang mala demonyong ngiti.

Reina and The Queen of Maligouania | Alynthi Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now