"Huwag na Cyron. They were just joking," pigil ko at seryoso siyang tinitigan.

I understand naman na gusto niyang pagbigyan 'yung dalawa dahil kaibigan ko sila pero ayokong mapagastos siya because of pressure or some other reason.

Batid kong nag-iipon siya at marami siyang pinaglalaanan sa kinikitang pera kaya hindi ko tino-tolerate 'yung pagiging generous niya masyado, especially pagdating sa'kin at pati sa mga kaibigan ko.

"Chen was right. Biro lang 'yun," ani Kyela.

"Social experiment," sambit ni Jerick sabay tawa. "Patunay na 'di ka lang gwapo, marunong pa makisama."

"Hear that?" I arched my brow. Mukhang ayaw niya magpatalo pero sa huli sumuko rin kahit halatang nag-aalangan pa.

"Next time na lang Cyron. Mapera pa 'yang mga 'yan."

"Hindi mo sure Chen," tutol ni Kyela.

Nagsalita ang araw-araw may dalang Starbucks coffee sa classroom tuwing nakakaligtaan mag-almusal sa kanila.

"How did you say so?" Jerick asked.

I shrugged. "Dahil wala kayong jowa? Wala gaanong pinagkakagastusan kundi sarili niyo lang."

"I felt so attacked bitch!" dramatic na aniya at may paghawak pa sa dibdib.

Napatawa na lang ako sa kanila.

Si Cyron, he was standing still and looking so handsome as always. Hindi niya trip tumawa kaya hayaan na. He probably felt out of place or mas pinagtuunan niya nang pansin 'yung kamay ko na pinagti-tripan niya ngayon.

Well, I know masaya na siya dahil hawak niya ang pangarap niya.

I wrinkled my nose and laughed inwardly at my own thoughts.

"Kami na muna bibili, ah. Iwan namin 'yung gamit namin. Dito lang kayo," paalam ni Kyela na tanging dinala lang ay wallet.

Umupo na kami ni Cyron at inayos ko na rin ang gamit ko dahil sunod na kaming bibili.

"Sige. Dalian niyo para maka-order na rin kami," I said.

Nang maiwan na kami ni Cyron sa table, sumandal ako sa balikat niya habang nag-iisip ng bibilhin. However, his irresistible manly scent was distracting me.

It's always urging me to sniff his shirt. No wonder if this will become my addicting habit. Ang bango niya kasi talaga! Hindi matapang 'yung pabango niya. Sakto lang kaya hindi masakit sa ilong.

"Jillian," he whispered.

"Hmm?"

"Just checking. I thought you fell asleep," he said in a calm voice that made me really want to sleep.

Katunayan niyan, inaantok talaga ako. Dalawang oras lang ang naging tulog ko. I couldn't sleep because of what happened yesterday. Gano'n ata talaga kapag mas maganda ang nangyayari sa reyalidad kaysa sa panaginip.

"How sweet. Dapat sa ibang table na lang tayo kung ganito madadatnan natin," pabirong parinig ni Jerick nang makabalik na sila ni Kyela.

"Hayaan mo na 'yan sila. Ikaw nga, kung sinu-sino pinapakilala mo sa amin, hindi naman kami nagreklamo. Umay ah," Kyela blurted out.

"Bitch! Akala ko ba tayo ang magkaramay ngayon? Single ladies should unite!"

"Lady ka ba?" sabay na atake namin ni Kyela.

"Shut up! Ang pasmado ng bibig ninyo!" Jerick hissed and rolled his eyes.

"Cyron hottie, defend me! Ikaw na lang ang kakampi ko."

Getting His Attention (Completed)Where stories live. Discover now