Kumunot ang noo ko. Si Jonas? malungkot? bakit? Kanina lang nung magkasama kami mukha naman siyang ayos. May nanyari ba nung naghiwalay kami? Bigla akong nag alala sa kanya.


"Hoy anong lq yan?!" biglang sumigaw si felix kaya nagulat kaming dalawa. Nakatingin siya sa amin. Pati sila Theo at Valerie tumigil sa pag gawa para tignan kami ni Althea.


"You're so loud Felix!" Iritableng sagot ni Althea. "Nagkamali lang ako nang akala na boyfriend niya si Jonas."


"Ahh." Tumango tango lang siya but his face said otherwise.


Kung siguro dati ay magtataka ako bakit ganoon itsura niya pero ngayon, alam ko na may alam siya between Jonas and me. Buti pa siya may idea agad. Ang galing magbasa ng lalaking to!


No choice. I have to tell them. I took a deep breath and slowly exhale to ready myself. Wala naman point kahit itago ko sa kanila. I also want to open it up para makapagisip kung ano ang gagawin ko.


"Uhmm... guys...ano kasi.." Huminga ako ng malalim. "I like Jonas." Sinabi ko na! Nasabi ko siya! Nasabi kong may gusto ako kay Jonas!


Althea's eye widened. Felix didn't seem surprised parang expected niya na yung sinabi ko! Okay, ikaw na mabilis makahalata! Theo and Valerie still looking at me, waiting for me to speak again.


"We're friends since we are high school and... ngayon lang umamin siya sa akin na may gusto siya." I can feel my face became hot. Ngayon ko lang kinukwento ito sa iba. Hindi ko alam pero nahihiya talaga ako.


"So what's the problem?" Althea asked, not getting the point.


"Hindi ko alam paano ko sasabihin sa kanya. Wala naman kasi sa isip ko ang mga ganito kaya wala akong idea paano ang gagawin ko. I don't know when is the perfect time to confessed."


"Hindi mo naman kaylangan humanap pa ng timing." Felix calmly said. Binitawan niya ang mga gamit at umayos ng upo. He tilts his head and smiles while looking at me. "There's no such thing as a perfect time. Every second counts. Paano kung kakahanap mo ng timing late ka na?"


Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Bigla ko na imagine paano kung totoo nga ang sinabi niya. What if the moment I said my feelings to him late na pala ako?


I put my hand on my chest. Hindi pwede. Hindi ko kaya na mawala si Jonas sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling totoo nga yon.


"Ganyan ba ginagawa mo sa nililigawan mo ngayon?" Althea teased.


Felix made a face and raised his shoulder looking so proud of himself. Tss... yabang. Kahit wala naman siya kinukwento sa amin mukhang masaya ang love life niya.


"Ako lang to guys," tinaas niya ang kamay niya.


Natawa ako saglit sa kanya. Pero kidding aside, kahit na ayoko sabihin tama naman si Felix. Ganito pala feeling ni Jonas pag lagi siya nauunahan ni Naomi no? Ngayon ko lang naiintindihan kaya lagi sila nag aasaran.

The Art of Stars (Celestial Series #1)Where stories live. Discover now