"Anong ba problema niyo sa kanya?" Hindi ako galit. Nagtataka lang talaga ako bakit ang init ng mata nila kay felix.


Umayos siya ng upo at tumabi sa akin dahil umaraw sa pwesto niya at nasa lilim ako. Sumandal siya sa puno na nasa likod namin.


"Hindi maganda kutob ko sa lalaking yon."


I let a small laughed. "Mabait yon, malakas lang talaga yon mang asar. Eh, naasar rin kayo kaya ayan tuwang tuwa siya sa ginagawa niya."


Tumango si jonas, nakasandal parin ang ulo sa puno. "Basta wag ka lalapit masyado sa kanya. Iba talaga yung kutob ko doon."


"Oo na!"


Nagpalipas kami ng oras doon hanggang sa mag time at bumalik na sa kanya kanyang klase namin. Sa vacant na lang daw ulit. Pinagtulakan ko siya paalis dahil parang wala siyang balak humiwalay sa akin. Pag pasok ko sa room kompleto na sila althea kaya tumabi ako sa kanila.


"Saan ka galing?" Valerie asked.


Ngumisi si felix at siya an sumagot sa tanong ni Valerie. "Kasama niya yung K-A-I-B-I-G-A-N nya, tama?"


I blankly stared at felix at pabirong hinampas ang kanyang braso dahil naka emphasize yung word na kaybigan. Nang aasar na naman to!


"Epal mo!"


"Felix stop teasing her! kung ayaw mong magsalita kami ni Valerie kay Akira para may pangasar na rin kami sayo!" Althea suddenly shouts.


Nagtataka akong tumingin kay althea na tinitignan si felix na may nakakalokong ngiti. Mukhang wala na akong alam sa nangyayari sa kanila dahil madalas ko na kasama si jonas ah! Masamang tinignan ni felix si althea at hindi nakapagsalita.


"Ano meron?"


"Ito kasing si felix may sinusundang babae, yung nakabangga niya nung isang araw sa canteen, tanda mo?" Natatawang sabi ni valerie. Ah yun ba?


"Ayon, kinakaybigan niya pero mailap pa sa kanya ngayon." Mas lalong tumawa ni Valerie. "Hirap si gago!"


"Epal niyo! Gagawa talaga ako ng paraan para maging close kami."


I always thought that felix is a friendly person. Mapang asar lang talaga siya! Pero mabait, kaya kung madali ka mapikon talo ka sa kanya dahil mas lalo pa siya matutuwa.


Hindi rin siya mahirap kausapin kaya nakakapanibago ngayon na nahihirapan siya makipagusap sa isang tao ha! Buti nga sa kanya at nahanap nya ang katapat niya.


Tumigil kami sa pagkukwentuhan nung dumating na ang prof namin. Pinaayos niya ang seating arrangement dahil may quiz kami ngayon. Short quiz lang naman daw pero pinapwesto niya parin kami ng one seat apart.


Nagulat ang iba kasi wala naman siya sinabi na may quiz pero wala na rin sila nagawa. Tahimik kaming sumunod nila althea dahil kumpara sa iba ay nakapagreview naman kaming apat.

The Art of Stars (Celestial Series #1)Where stories live. Discover now