Sinuot ko ang toga ko at halos maiyak sila mama nung nakita ito. Nagulat ako saglit pero natawa dahil sa itsura nila.


"Sobrang proud kami sayo anak! Congrats!" Niyakap nila ako ng mahigpit.


Ano ba yan, hindi ko pa nga natatanggap diploma ko umiiyak na sila agad. Niyakap ko sila ng mahigpit at sabay kaming pumunta sa school.


Pagdating ko umupo na ako sa assigned seat. Nang makompleto na kami lahat ay sinumula na ang program. Pagtapos ng introduction ay umakyat si naomi para magbigay ng speech kagaya ng practice namin.


"Your life is your own adventure. A journey that only you can take..." Hawak niya ang papel kung saan nakalagay ang buong speech. "Today is one in a million milestone. Congratulations to us! I hope your dreams can take you to the highest peak of yourself and may the windows of opportunities will open to us and be the best person we are."


Pumalakpak kami lahat sa kanya pagtapos niya magsalita. Nag bow siya bago bumababa sa stage at pumunta sa assigned seat niya. Nilingon nya kami at nag flying kiss sa amin nila anthony at claude. Natawa kami at nag thumbs up sa kanya para batiin siya.


Isa isa na nagtawag ng pangalan at nagsiakyat na sa stage. Noong ako na ang aakyat halos hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Biglang nanlamig ang kamay ko but it's not a bad thing.


Natatakot ako na baka matapilok ako dahil sa sobrang kaba pero gusto ko rin na umakyat na. Pagkasabit sa akin ng medal parang may kung anong paruparo ang nasa tiyan ko. Sobrang saya ko!


Kagaya nga ng sabi ni naomi, This is just one in a million milestone na maachive namin pero kahit ganon wala naman nagsasabi na hindi ito dapat ipagmalaki. Unang tagumpay para sa maraming susunod.


Pagtapos ng program binigyan nila ng panahon na magsama sama ang mga estudyante sa ground, nagpatutog pa sila ng awit ng kabataan kaya mas lalong sumaya ang mood ng mga tao. Agad akong dumiretso kila mama at papa. May hawak si mama na bulaklak kasama si papa. Malayo palang ako kita ko na si mama na umiiyak at kino comfort ito ni papa.


"Pa eto oh.." sinabit ko sa kanya ang medal at binigay ko kay mama ang diploma. "May kolehiyo na kayong anak." ngiting ngiti kong sabi.


Isa na ata sa pinaka masayang makita ng magulang ay makita nila ang kanilang anak na nakapagtapos ng pag aaral ang kanilang anak.


Dahil nakikita nila na unti unti lumalaki ang kanilang anak. Niyakap ulit nila ako. Ako naman ngayon ang medyo naiiyak. Lahat ng panahon na ginugul ko sa apat na taon, lahat yon worth it.


Kumalas sila sa pagkakayakap. Nasa likod sila naomi hinihintay kami, kompleto silang lahat. Pinusan ko ang natitirang luha sa mata ko at tumingin kila mama.


"Ma, kakain po kami sa labas nila naomi. Uuwi rin po ako agad." Agad silang umling at tinulak ako kila naomi.


"Sumama ka sa kanila, wag ka uuwi agad araw mo ito anak!" Binigyan nila ako ng pera pang gastos hinid na ako nakatanggi dahil nilagay nila agad yon sa kamya ko at pilit na ako pinapaalis. Nagpasalamat ako sa kanila at pumunta na kila naomi.

The Art of Stars (Celestial Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon