Naglakad pa kami para makapagikot sa mall. Alam ko naman na kaya inaya kami ni naomi dahil kinakabahan naman talaga sya kaya naghahanap sya ng way para hindi nya ito maisip. Pero kasi bakit kami namamasyal?!


Madilim na nung nagkayayaan na kaming umuwi. Nakatulong rin pala kahit papaano ang pag alis ko. Nabawasan yung kaba na lagi ko nararamdaman. Tuwing papalapit ang mga araw mas lalo akong kinakabahan dahil sa entrance exam. I mean, sinong hindi diba?


Dream school mo yon at nakakatakot isipin na hindi ka makakapasa pag hindi mo naipasa ang test na yon. Funny how test can dictate what your life can be.


Nung field trip namin hindi parin nawala sa isip ko yung exam na yon. Hindi lang naman ako nakatulog dahil sobrang saya ko nung gabi na yon dahil sa regalo na binigay nila sa akin. Para akong nasa cloud 9.


Nung gabi rin na yon, nakita ko sila jonas at claude na magkausap pero hindi ko na narinig ang pinaguusapan nila dahil hinila na agad ako ni naomi papunta sa kwarto namin.Sayang hindi ko natanong kay jonas kung ano pinaguusapan nila.


Sa sobrang bilis ng araw hindi ko na napansin na araw na pala ng exam namin. Maaga akong nag asikaso at umalsi. Ayoko na malate ako sa exam mahirap na. Pag punta ko sa steinfield ay nalula ako kung gaano kaganda at kalaki ang university. 


Ang ganda ng mga facilities, sobrang daming mga building at sobrang lawak nito. Kung ang montessori ay maganda na, ibang level ang steinfield. Para akong na inlove sa sobrang ganda at mas lalo akong naging determinado na doon mag aral.


Hindi ko kasama sila naomi sa pag exam dahil nasa kabilang building pa sila. Depende kase sa course na gusto mo kunin kung saan building ka mag eexam. Sobrang dami namin ngayon pero mas pinangungunahan ako ng kaba dahil sa entrance exam. Dumating na ang araw ng paghuhukom.


Inayos ng instructor ang seating arrangements namin at binigay ang mga test paper at shading paper. Pagtanggap ko ay agad akong nagsimula mag sagot.


"Hala hindi ko ito alam."


Tahimik ang buong silid kaya rinig ko agad ang boses ng seat mate ko ngayon na namomoblema sa exam. Kinamot nya ang kanyang ulo bago sya ulit nag sagot.


Mukhang may bunga ang pag rereview ko ngayon. Sunod sunod akong nag shade ng mga sagot na sa tingin ko tama. Sinigurado ko na mabilis at tama ang mga sagot ko dahil time pressure ang exam. Dapat ay isang oras lang tapos mo na ito with 145 items. Sa sobrang pagmamadali ko ay nahulog ko ang lapis na gamit ko.


"Here." Pinulot ng lalaki na nasa kaliwa ko ang lapis dahil sa tapat nya ito napunta. Nagpasalamat ako sa kanya, tumango sya at ngumiti bago bumalik sa pag sagot.


Ganoon rin ang ginawa ko dahil konting oras na lang ang natitira sa akin. Nasa last number na ako at patapos na ako sa pag shade.


"Time's up. Please pass the questionnaire."


Kita sa mukha ng lahat na maraming ayaw pa mag pasa pero wala naman silang magagawa. Pag hindi sila sumunod sa instructor ay automatic forfeit na ang kanilang application.

The Art of Stars (Celestial Series #1)On viuen les histories. Descobreix ara