"Who wouldn't have a crush with you? You're pretty and kind, Rebecca kaya hindi na rin big deal noon nang malaman nilang crush kita. Thank God na hindi ako nabugbog ni Isaac nung nalaman niya rin 'yon." Ngumiti si Harry at tinignan ng seryoso si Rebecca.

"Rebecca, don't force yourself to stick into relationship na si Aiden lang ang masaya. In the end, pareho lang kayong masasaktan kung patuloy pa rin ang relasyon niyo."

Bumuntong-hininga si Rebecca. "Aiden needs me, may sakit siya sa pag-iisip at kailangan niya ako." Pinipigilan ni Rebecca na huwag maluha dahil sa sinabi niya.

"If Aiden loves you, papakawalan ka niya. Kayo naman kasing mga babae, kahit nasasaktan na ay mas pinipili niyo nalang na manahimik. Hindi naman kami manghuhula." Humalukipkip si Harry habang nakatingin pa rin kay Rebecca.

"Ayokong masaktan si Aiden-"

"Paano naman 'yung taong mahal mo? Talaga bang kakalimutan at ibabaliwala mo na siya para lang kay Aiden? What if makatagpo 'yon ng babaeng magmamahal sa kanya? So, wala ka nang pag-asa."

Sa sinabi ni Harry ay doon natamaan si Rebecca. Paano nga kung sa ginagawa niya ay tuluyan na talagang mawala sa kanya si Messiah at makatagpo ito ng babaeng para sa kanya? Sa naiisip palang ni Rebecca ay bigla nalang sumikip ang dibdib niya do'n.

May isang araw nalang siya para hiwalayan si Aiden. Tama si Harry sa mga sinabi niya. Unfair rin para kay Aiden na magkarelasyon sila gayong one sided lang ang pagmamahalan nila.

Hinawakan ni Rebecca ang kamay ni Harry na ikinagulat pa ng binata.

"Thank you sa mga sinabi mo, Harry. You're right, hindi ko na dapat pinapatagal ang relasyon namin ni Aiden dahil mas masasaktan lang siya sa akin kung magtatagal kami." Sabi ni Rebecca nang nakangiti.

Tumango naman doon si Harry na tila namumula pa ang buong mukha.

"W-Walang anuman, Rebecca." Sabi nito.

Nang mapansin ni Rebecca na kanina pa siya nakahawak sa kamay ni Harry ay kaagad niyang tinanggal ito.

"S-Sorry." Nahihiyang sabi niya.

Tumawa naman si Harry sa naging ekspresyon ng mukha ng dalaga. "It's okay, Rebecca."

Katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa pagkatapos. Nakatanaw lang sila sa parke habang nagmumuni-muni. Sa lamig ng panahon at tahimik na kapaligiran kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam ni Rebecca. Pati na rin nang dahil kay Harry.

"My mom said before, love also needs a freedom. Kung mahal ka ng isang tao dapat ay papalayain at mas pipiliin niyang maging masaya ka sa tunay mong mahal. Sacrificing is the bravest thing you can ever do to the person you really love." Tumingin muli si Harry kay Rebecca at tila ay nabasa niya ang ekspresyon ng mukha nito.

"Nakatatak na 'yon sa isipan ko, Rebecca. Masaya na ako kapag nakita kong masaya na rin sa iba ang babaeng mahal ko."

Sa mga tingin ni Harry sa kanya ay may para itong ibang ipinapahiwatig.

"Ibang-iba ka talaga kina Isaac at Eli." Sabi ni Rebecca na ikinatawa naman ni Harry.

"I'm glad na nakalaya ka na sa magkapatid na 'yon. Ako ang naaawa sa'yo kapag pinag-aagawan ka nila, e. Ang ganda mo naman kasi masyado." Pambobola pa nito.

Napangiti nalang si Rebecca.

Bigla namang tumingin si Harry sa suot niyang relo. "It's already 9:30pm in the evening. Ihahatid na kita sa inyo. Delikado na umuwi ka lang mag-isa dahil nagkalat ang masasamang loob sa paligid kapag gabi na." Paanyaya nito sa kanya.

Possessively Owned by MessiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon