Chapter 65.5 ♬ The Encounter

Start from the beginning
                                    

“Teka nga Clarisse tapusin na nga natin ‘to. Ano ba talagang problema mo?” naiinis kong tanong

“Problema ko? Ikaw. Ikaw ang problema ko.” Abante sya ng abante habang bahagya akong tinutulak tulak. Samantalang ako napapaatras na lang.

“Magmula ng dumating ka sa buhay ko nagbago na ang lahat. Inagaw mo ang posisyon ko sa band, inagaw mo ang atensyon ng mga schoolmates mo sa akin at higit sa lahat epal ka sa lahat ng mga taong iniidolo ko. Alam mo ba yun? Ha?!”

 

 

“Kahit kailan hindi ako nang-agaw. At kung ano man ang mga nangyari noon desisyon nila yun. Wala akong ginawa para agawin ang lahat ng yun sayo!” hibang na ba sya? At kailan pa ako nang-agaw?

“Walang inagaw ah? That’s bullshit. Kahit ano pang tanggi mo nangyari na. Sira na ang buhay ko ng dahil sayo kaya magsisi ka. Remember what I told you before? 'Gagawin ko lahat mapabagsak ka lang.'” Kung ganun, ang ilang linggo na hindi nya panggugulo sa akin ay pansamantala lang? Tsk. Hindi na natuto.

Huminto na rin sya sa wakas sa pagtutulak sa akin pero ngayon naman itinuon nya ang pansin sa casing ng violin na nakasabit sa balikat ko.

“Show off ka talaga no? As if namang matutugtog mo yan. Ang violin, para lang yan sa mga mayayaman at sa mga elite. Hindi sa mga taong katulad mo loser na nga gold digger pa.”

Hinila nya bigla yung casing ng violin sa balikat ko at nagkahilaan sa pagitan namin. Unti unti nyang binubuksan yung zipper sa tuwing may pagkakataon sya at wala pang ilang sandali nangyari ang pinakatatakutan ko.

Bumagsak ang violin sa sahig at nabasag sa konkretong semento. Pero hindi lang yun, sa pagkakahila ng strap ng casing ng violin sa balikat ko aksidente rin nyang natanggal ang wristband na lagi kong suot para maitago ang Gclef tattoo sa aking right wrist. 

“Aww, paano ba yan? Di ba bukas na ang practicum sa music class? And Mr. Fiatzo strictly said that we need to use are own violin dahil kung hindi babagsak ka. Paano ba yan? Basag na ang violin mo kaya ano pang gagamitin mo bukas? That’s really sad.” Patuloy nyang  sambit gamit ang nakakasukang overly sweet voice nya.

Tinago ko agad sa likod ang aking kamay umaasa na sana hindi nya nakita ang tattoo ko. Unfortunately. hindi man nya nakita, nakita naman ng isa sa mga alipores nya. 

"Oh my gosh! Did you see that Clarisse? May tattoo si freak!! OMG!" tinuro pa nya ang kamay ko at sapilitang hinila para ipakita sa kanila pero hindi ako nagpatinag.

"Under age ka pa para magpatattoo! Ang freak mo talaga!" dagdag pa ng isa nyang kasama

Parang nagningning ang mga mata ni Clarisse dahil sa bagong kaalaman na nalaman tungkol sa akin. Ngumiti sya ng nakakaloko at lumapit sa akin. 

Listen To My SongWhere stories live. Discover now