Chapter 14

3 1 0
                                    

As usual, introduce yourself na naman ang nakapagpakaba sa akin. Pero mauuna si Jazz na mag-introduce yourself bago ako.

"My name is Michaela Jazz Ocampo and I am proud to be Harrisean!"

Ganoon daw kasi kami magpakilala, sabi ni Teacher Karen. Sasabihin ang pangalan at sasabihin ang 'I am proud to be Harrisean'.

"What is your nickname?"

Tanong ni Teacher Karen kay Jazz.

"Jazz po,"

"Thank you, Jazz! You may now take your seat."

Biglang may kumatok sa pinto kaya lumapit muna si Teacher Karen doon. Napahinga ako ng malalim dahil sa sobra talagang kaba.

"Okay next,"

Nakangiting sabi ni Teacher Karen. Nanlalamig na ang mga kamay ko at feeling ko lalabas na yung puso ko sa sobrang lakas ng kalabog nito.

"My name is Alya Kathreen Melendez, and I am proud to be Harrisean,"

Mahinhing pagpapakilala ko.

"What should we call you, dear?"

"You can call me Kath po,"

"Okay, nice! Thank you, Kath! You may now take your seat."

Sumunod namang nagpakilala ang isa kong katabi at hindi na ako nakinig. Nagsimula na namang mag-ingay 'tong si Jazz. Ewan ko ba, ugali na ata talaga niya ang laging magpabida.

Bukas daw ay magsisimula na ang klase namin at mamaya daw bago mag-uwian ay i-aarange ni Teacher Karen ang seating arrangement namin para bukas ay alam na namin kung saan kami pupwesto.

Kagaya pa din ng dati, may baon pa din akong cupcake at juice. Dito nalang ako sa loob ng classroom kumain, pwede naman eh at saka malaki naman ang classroom namin at hindi din naman ako makalat kumain.

Si Jazz ay napakakalat niyang kumain! Naglalakad pa siya kung saan-saan habang kumakain kaya mas lalong kumakalat yung kinakain niya.

Nakikipagkilala na si Jazz kung kani-kanino dahil nga 'friendly' daw siya.

Maya maya lang ay may kumatok sa pintuan kaya napatingin kaming lahat doon. Nagulat ako nang makita kung sino ang nasa pintuan!

Si Yannah!

Masayang masaya siya kaya napangiti din ako at iniligpit ang mga gamit ko, inilagay ko na lahat sa loob ng bag. Sinenyasan niya akong lumapit daw ako kaya naglakad na ako papunta sa pinto.

Medyo mahaba pa naman ang break time namin kaya sumama ako sa kaniya. Inakbayan niya ako kaya napapasunod ako sa direksyon kung Saan siya lalakad.

Ito ang hirap kapag hindi katangkaran! Hayy!!

Itinuro ni Yannah ang classroom na halos katapat lang din ng classroom namin at may nakalagay na "Grade 2 - Hope" sa pintuan pati na din sa itaas nito.

"Ito lang yung classroom namin, Kath. Kapag break time, pupuntahan kita palagi ah? Tapos sa Friday, sasamahan kita sa canteen para makita mo."

"Bakit sa Friday mo pa ako sasamahan? Bakit hindi nalang ngayon?"

Mahaba pa naman kasi ang oras, pwede namang samahan na niya ako ngayon para alam ko na kung saan at kung ano ang itsura ng canteen.

"Tuwing Friday kasi ang P.E. day dito sa Harris. Lahat tayo, P.E. day natin! Kahit nga college at highschool students, P.E. day din nila."

Ang galing naman? Pati mga highschool at college ay kasabay din namin na naka t-shirt at jogging pants? Ang astig naman no'n!

"Pero ano naman ang kinalaman ng P.E. day sa pagpunta natin ng canteen?"

Call Of Destiny Where stories live. Discover now