Chapter 7

6 1 0
                                    

"Ang aga nagising ah?"

Tumango tango ako dahil sa sinabi ni Papa. Day off niya ngayon kaya masaya ako dahil hindi makakapag sungit sa akin si Tita Chelle.

Naligo na ako at pagkatapos ay nagbihis ng school uniform ko.

Ang ganda ganda! Kulay violet na dress, lampas sa aking tuhod. Suot ko na rin ang medyas ko na bigay ni Tita Ellie. Super favorite ko rin talaga ang black shoes ko! Super kintab kasi kahit hindi i-kiwi makintab na talaga siya. Tapos may flowers flowers pa na design! Naka violet headband din ako na puro flowers din para bagay na bagay.

Nagpatulong ako kay Papa na ilagay ang necktie ko na kulay dark violet. May garter naman ang necktie kaya madali lang isuot, kaso mahaba kasi masyado sa akin kaya ibinuhol ni Papa ang garter para tama lang ang haba nito kapag sinusuot ko.

Kung dati ay ayaw kong pumasok kapag first day, ngayon naman ay super excited ako!

Nagsapatos na ako at sinuklay ni Tita Chelle ang buhok ko.

"Bye, Papa! Bye, Mama! I love you!"

Nagkiss ako sa kanilang dalawa at nagpatulong kay Tita Chelle na bumaba ng hagdan dahil naghihintay na ang school service!

"Bye, Tita Chelle!"

Nagkiss din muna ako sa cheek niya bago ako tuluyang pumasok sa school service.

Yes! Kaya gusto kong dito sa Jems mag-aaral ay dahil mas malaki ang school, mas maraming laruan, at naka school service din ako.

Feeling ko, mayaman kapag naka school service! Ganoon kasi lagi sa mga napanood ko sa mga drama na pinapanood ni Tita Chelle sa tanghali at gabi.

"Ikaw ba si Alya Kathreen?"

Nakangiting bati sa akin ng lalaki na nandito sa tabi ng pinto ng school service.

Tumango ako, medyo nahihiya ako sa kanya dahil hindi ako mahilig makipag usap sa mga matatanda.

"Ako si Kuya Thirdy, ako ang tinatawag na kundoktor. Ako ang magbubuhat ng mga bag ninyo kapag nahihirapan kayo at ako lagi ang kasama ni Kuya Mandy, ang driver natin sa tuwing susunduin kayo sa umaga at ihahatid sa pag-uwi niyo."

Nakangiti siya at itinuro pa niya yung isang lalaki na nasa harapan, yung nagdadrive. Kuya Mandy daw ang pangalan niya.

Ilang mga bahay pa ang dinaanan namin at medyo puno na din ang loob ng school service. Hindi ko pa sila kilala pero mga bata lang din silang lahat, maliban doon sa isang lalaki. May nakalagay sa braso niya na nakasabit pa sa leeg. Parang bag yung itsura pero nasa loob ang braso niya. Halos lahat kaming mga bata ay nakatingin lang sa kanya habang siya ay nakatingin lang sa bintana ng school service.

Hindi siya naka school uniform at parang mas matanda pa siya kay Kuya Angelo. Feeling ko hindi siya nag-aaral sa school namin.

"Good morning, children!"

Nagulat kaming lahat dahil may biglang nagsalita! Napatingin kami sa may gilid dahil doon nanggaling ang boses ng nagsalita, boses ng babae.

Hindi muna kasi kami pinapasok sa mga classrooms dahil daw first day and Monday, mayroong flag ceremony.

Maliit lang din ang Jems pero kumpara sa Fatima, mas malaki naman ito at mas marami ang mga students. Marami ang mga laruan!

Pinapila kami and after the flag ceremony, pinapasok na kami sa mga classrooms.

Wow! Ang daming Lego! Ang daming doll house at may xylophone! Woooow! Ang dami daming mga laruan!

Gusto ko na sana maglaro pero nahihiya ako dahil nandito ang Principal at kapapasok pa lang naming lahat sa classroom.

"Good morning, children! Ako si Teacher Shiely, ang inyong school principal and teacher. Siya naman si Teacher Alma, kaming dalawa ang magiging teachers ninyo everyday and every subject."

Lahat kami ay tumingin sa isang teacher na kapapasok lang sa classroom. Hanggang balikat lang ang haba ng buhok niya tapos naman si Teacher Shiely ay hanggang siko.

Pina-upo muna kaming lahat sa mga chairs at introduce yourself daw. Nahihiya ako!

"Okay, next,"

Nauna kaming mga babae, isa nalang ang magpapakilala tapos ako na ang susunod.

"My name is Mikaela Jazz Ocampo, 3 years old from Melendez!"

"Okay! Very good!"

Pinalakpakan nila ang katabi ko at nagulat pa ako dahil pagkatingin ko kay Teacher Alma, sa akin na siya nakatingin at nakangiti.

Waaa!!!

Bumulong si Teacher Alma kay Teacher Shiely at tumango tango pa ito tapos parang ako ata yung pinag uusapan nila.

"Okay, next naman,"

Nagtinginan sa akin ang iba kong classmates at ang iba naman ay mga walang pakialam at gustong gusto na maglaro ng mga laruang naka display.

"Amm.. my name is Alya Kathreen Melendez, 4 years old. My nickname is Kath."

Nagpalakpak na naman sila. Paupo na sana ako kaso biglang nagsalita si Teacher Shiely,

"Brother mo si Angelo?"

Tumango tango nalang ako dahil nahihiya ako.

Nagsimula na mag-introduce yourself ang mga boys at wala naman akong pakialam sa mga names nila dahil makikilala ko rin sila dahil araw-araw kaming magkikita dahil classmates ko naman sila.

"Next,"

"I am Jae Marthon Ignacio, 4 years old from Palmera 5,"

Nagkunot ang noo ko at parang nabobosesan ko ang nagsasalita. Napalingon tuloy ako,

Hala?! Ito yung batang amerikano! Oo nga! Tama! Yung Jae!

Classmates kami? Narinig kaya niya ako kanina? Hala?!

"Jared is your brother, right?"

"Opo,"

Sino yung Jared? May kapatid pala siya...

Nakaramdam ako ng hiya dahil hindi naman ganito kahinhin ang ugali ko sa labasan saka siga siga pa ako nung una kaming nagkita nitong Jae na 'to.

Hindi naman ako nakaramdam ng hiya at pake sa iba, bakit kaya ako nahihiya ngayon?...

Pero nakakabadtrip din dahil classmate ko na naman si Rieyen. Sayang, sana sa ibang school nalang siya nag-enroll, marami namang school na malapit doon sa bahay nila eh.

Call Of Destiny Where stories live. Discover now