Chapter 13

2 1 0
                                    

"Saan ka mag-aaral, Kath?"

Naka-upo kami ni Yannah sa tapat ng bahay nila. Wala ulit ang papa niya, nasa trabaho. Natanggap daw sa trabaho noong nakaraan.

Nagkukwentuhan lang kaming dalawa, hindi na muna kami naglaro dahil ang sabi ko ay nagsasawa na ako sa mga laro namin. Paulit-ulit lang kasi ang mga nilalaro namin.

"Sa JEMS pa din ata."

Hindi ako sigurado kung sa JEMS pa din ako mag-aaral dahil ang sabi nila papa nung nakaraan ay subukan naman daw naming magtry sa malaking school.

"Sa Harris ka nalang para magkasama tayo!"

Na-eexcite siya, ako naman ay nagdadalawang isip. Kung sa Harris ako mag-aaral, kasama ko si Yannah at malaki na ang school ko. Pero parang ayaw ko pa ding umalis sa JEMS...

"Hindi pa, sure. Si Papa kasi ang magdedesisyon."

"Sana sa Harris ka nalang din mag-aral,"

Hindi ko alam pero may something na ayaw kong iwan sa JEMS. Hindi ako sigurado kung tao ba iyon o ang school mismo.

Makalipas ang isang linggo ay day off na naman ni Papa. Aasikasihin na daw niya yung papasukan naming school.

Hindi ako mapakali habang wala si papa. Hindi niya kasi sinabi kung saang school kami mag-aaral.

"Kath, kunin mo nga yung binibigay na ulam doon sa kabila."

"Bakit ako?"

"Wala tayong pagkain, kung ayaw mong kunin edi wag ka na kumain."

Galit na sabi ni Kuya Angelo.

Ganito ang ugali niya. Porket mas matanda siya sa akin ay para bang obligado akong sundin ang lahat ng inuutos niya. Magagalit siya palagi sa akin at tatakutin ako para lamang sumunod ako.

Maliit pa ako at hindi ko pa siya kayang labanan. Alam ko sa sarili ko na balang araw ay mawawala na din ang takot ko sa kaniya at kaya ko na ding lumaban kapag nahihirapan na ako sa mga inuutos niya.

Kung minsan, hindi ko rin napipigilan ang sarilin ko. Kung minsan ay nakakasagot ako sa kaniya at nakakapagtaray ako, kaya nasasaktan niya ako at wala naman akong ibang magawa kung hindi umiyak dahil wala naman akong kalaban-laban sa kaniya. Binabantaan din niya akong wag magsusumbong kila Mama at Papa dahil masasaktan daw ako kapag nagsumbong ako. Sa takot ko ay nananahimik nalang ako at dinadamdam ang mga nangyari dahil ayaw ko talagang nararanasan na sinasaktan ako, lalo na ng Kuya ko.

Pumunta ako sa kabilang bahay, kila Nanay Ningning. Labag man sa loob kong sundin ang uto ni Kuya Angelo, sinunod ko pa din.

Sabi sa akin ni Nanay Ningning na doon nalang daw kami kumain pero ang sabi ko ay tatawagin ko nalang muna si Kuya Angelo para sabay kaming kumain.

Habang naglalakad ako pabalik sa bahay namin, medyo kinakabahan ako dahil baka tuluyan nang magalit sa akin si Kuya.

"Kuya, doon nalang daw tayo kumain."

Kinakabahan ako pero hindi ko ipinahalata. Um-oo naman si Kuya at ang sabi niya sa akin ay mauna na daw ako doon, susunod nalang siya. Nawala ang kaba ko at nagmadali akong naglakad papunta sa kabilang bahay.

Baka bigla pang magbago ang isip ni Kuya kaya mas mabuti nang mauna na talaga ako sa kaniya.

--

Lumipas ang nga araw at isang linggo nalang bago magpasukan. Siguradong sigurado na na sa Harris ako mag-aaral.

Hindi ko ipinagsabi na lilipat na kami ni Kuya Angelo ng school, baka kasi maka-abot pa kay Jazz tapos sa Harris din siya mag-aral.

Magkalayo kami ng bahay ni Jazz pero minsan ay nagkakasalubong ang mga magulang namin sa daan, kaya ayon nagkakaroon kami ng balita sa isa't isa.

Call Of Destiny Место, где живут истории. Откройте их для себя