Chapter 11

7 1 0
                                    

"Kath!!! Kath!!!"

Nanonood ako ng palabas sa TV kaya hindi ko naririnig na kanina pa pala ako tinatawag ni Kuya Angelo. Narinig ko lang siya ngayon dahil sigaw na siya ng sigaw paakyat ng hagdan.

"Bakit, Kuya?"

"Sama ka ba?"

"Saan?"

Hindi kami lumipat sa bahay nila Tito Doi dahil maaga naman daw uuwi si papa ngayong araw.

"Doon sa court. May kalaro sila Jae don, pustahan kaya manonood ako. Sasama ka ba?"

"Maaga ata dadating si papa ngayon, baka pagalitan tayo kapag wala tayo pagkadating niya,"

"Saglit lang naman. Ano? Sasama ka ba?"

Nagdalawang isip ako kung Sasama nga ba ako? Gusto kong mapanood si Jae magbasketball dahil ang sabi nila ay magaling daw talaga siya maglaro. Hindi ko pa nga nakitang maglaro iyon eh.

Pero kinakabahan ako dahil baka maunahan kami ni papa na makauwi sa bahay. Sigurado akong papaluin kami ng hanger sa pwet kapag nangyari iyon!

"Ano? Bilisan mo na para magsimula na yung laro tapos matapos din kaagad."

Kumuha si Kuya ng face towel dahil pawis na pawis siya. Kumuha naman ako ng payong at pinatay ko na ang TV. Hinugot ko na din ang mga naka-saksak at pati yung padlock ay kinuha ko na din kasama ang susi.

"Tara na, Kuya,"

Naglakad na kami papunta sa court dahil malapit lang din naman 'yon dito sa bahay.

"Oh? Bakit nandito ka, tomboy?"

Sinamaan ko kaagad ng tingin si Jae dahil hanggang ngayong ay akala niya, tomboy ako.

Mukha ba talaga akong tomboy?

"Start na kayo, pre, uuwi din kami kaagad kasi maagang uuwi si papa tsaka bawal magtagal sa court 'to, mapapagalitan ako."

Nagstart na nga sila pagkasabi ni Kuya Angelo, pero parang baliw 'tong amerikano na 'to! Kinindatan pa ako bago lumapit sa gitna! Napa-irap tuloy ako.

"Nice!"

Ilang beses nang nakaka-three points si Jae. Ang galing nga talaga niya sa mga sports! Parang feeling ko, pareho sila ni Kuya Angelo ng mga hilig.

Nakangiti ako sa buong oras ng panonood sa laro nila.

Mahilig kasi kaming magpustahan ni Kuya Angelo sa tuwing mayroong laban ang Ginebra na live sa TV. Hindi talaga ako mahilig sa basketball pero kapag nakapanood ako ay nag-eenjoy naman na ako.

"Ayos ba?"

Natatawang sabi ni Jae kay Kuya Angelo habang nagpupunas ng pawis niya.

"Oo, pre! Pa-RC na 'yan!"

At dahil nga nandito na siya sa harapan ko, hindi na ako masyadong nakangiti. Baka mamaya sabihin niya na crush ko siya kapag ganon! Ganon kasi siya sa school, feeling niya crush siya ng lahat ng girls.

Pero crush nga ata sits ng halos lahat... Maliban nga lang sa akin? Hindi kasi talaga ako nagkakacrush.

"Kath, oh,"

Inabot sa akin ni Jae ang RC nan aka-plastic. Utu-uto din pala 'to kahit mukhang hindi siya utu-uto. Mukha kasi talaga siyang nakakatakot kabiruan, alam mo 'yon? Feeling ko ganoon din ang itsura ko kaya takot din sa akin ang mga kaklase namin.

"Thank you,"

Ang bibilis nilang magsi-inom kaya nagmadali din ako.

"Uuna na kaya ako, kuya? Baka kasi nandoon na si papa,"

Binulong ko nalang iyon dahil nakakahiya namin kila Jae kung aayain ko na si Kuya Angelo eh nagkukwentuhan pa sila.

"Ano 'yon?"

Napansin pala ni Jae na may binubulong ako kay kuya, napangiti tuloy ako ng wala sa oras dahil sa gulat.

"Uuna na daw siyang umuwi kasi maagang uuwi si papa ngayon,"

Tumango-tango nalang si Jae at umuna na nga akong umuwi, malapit lang naman ang bahay eh.

Grabe ang kaba ko habang naglalakad ako pauwi! Feeling ko talaga nakauwi na si papa sa bahay! Pero wag naman sana... Sana mas mauna ako sa kanya.

"Kath!"

Sakto! Pagkapasok ko sa loob ng kwarto tsaka dumating si papa. Inilock ko kasi ang gate para kunwari hindi ako umalis. Lagi namang gala si Kuya Angelo kaya alam na kaagad ni papa na wala si Kuya dito.

"Wait lang po, pa,"

Pagkabukas ko ng gate ay nagmano ako at kinuha ang dala ni papa na gamit niya.

"Ibaba mo nalang dyan, mabigat 'yan baka hindi ka na lumaki."

Natawa ako dahil sa sinabi ni papa, at mabigat nga talaga ang mga gamit niya. Umakyat na ako at nagligpit nalang ng mga gamit ko.

Makalipas ang ilang araw...

"Congratulations, Kath!"

Bati sa akin ng mama ni Jazz. Ngumiti lang ako at nagsabi ng 'thank you po', pagkatapos ay naglakad ulit ako pabalik kila mama.

Tapos na ang moving up ceremony namin at pauwi ka kami. Commute kami ni mama habang sila papa naman at Kuya Angelo ay magka-angkas sa kotse.

Akala ko ay uuwi na kami, kakain pa pala kami sa Jollibee dito sa may Shopwise. Malapit lang kasi ang Gems Hotel na pinagganapan ng graduation at moving up ceremony dito sa Shopwise kaya dito nalang kami kumain. Mini celebration daw ito ang sabi ni papa.

Pagkauwi namin ay naghilamos lang ako at nagpalit ng damit. Yung dress-gown na white ang ginamit ko sa moving up ceremony dahil kailangan naming naka white na dress at sayang din ang pera kung bibili pa si mama ng bago para sa akin. Noong pageant ko palang naman naisuot 'yon kaya ayos lang na ulit ko ulit ang paggamit.

"Hi!"

Napalingon ako sa batang babae na may dalang teddy bear na color brown. Maiksi lang ang buhok niya, hanggang bago magleeg at kulut-kulot ng slight yung buhok niya, mukha tuloy hindi nagsusuklay. Singkit ang mata niya at hindi masyadong maputi, medyo maitim siya.

Mukhang hindi siya namamalditahan sa akin kaya ayos lang naman siguro kung magiging mabait ako sa kanya?

"Hello,"

Ngumiti ako ng slight para hindi siya matakot sa akin.

"Anong pangalan mo?"

Ang hinhin ng boses niya at parang iyakin.

"Kathreen... Ikaw? Ano pangalan mo?"

"Ako si Yannah,"

Magkapitbahay lang pala kami? Isang bahay lang ang pagitan ng bahay namin. Wala nga akong masyadong kaibigan at mga kaibigan lang ni Kuya ang mga nakakalaro ko kaya hindi ko alam na may babae din pala akong kapitbahay na bata.

Call Of Destiny Where stories live. Discover now