Chapter 4

13 1 0
                                    

P.E. Day!!! Ito ang pinaka-favorite day ko sa buong week ng school days. Hindi ko na kasi kailangang magpalda.

Ang hirap kasing kumilos kapag nakapalda ako. Lagi kasing nantitrip si Marlon, hindi ako komportableng tapatan yung trip niya sa akin.

Mas gusto ko nang maging mukhang maangas para hindi ako ibubully ng mga classmates ko. Yung mga pang-girl na kilos kasi lagi nalang napapagtripan, lalo na ni Marlon.

"Anong game natin, Kate?"

Hindi ko marinig ang sinabi ni Teacher, nasa likod kasi kami banda tapos nag-iingay si Marlon.

Parang ewan talaga 'tong lalaking 'to. Napaka kulit! Napaka daldal! Ilang palo kaya ng mama or papa niya ang nakukuha ng pwet niya everyday?

"Dodge ball daw, Kath."

Excited na sabi ni Kate sa akin.

Dodge ball? Hindi ata ako marunong no'n... Ay... Marunong ata ako... Wait..

'Yun ba yung napanood ko sa Barney?... Pero sa TV ko palang napanood 'yon. Paano nga ba 'yon?...

Astig ang tingin ng mga classmates at schoolmates ko sa akin tapos malalaman nila na hindi pala ako marunong maglaro no'n... Hindi pwede.

Pumunta ako sa may bandang harapan para makita ko kung paano nilalaro 'yon. Mabuti nalang at boys muna yung tatakbo tapos iiwas sa bola.

Hindi kasi ako nakakalabas ng bahay, puro nood lang ako ng cartoons sa TV. Ayaw kasi akong palabasin ni Tita Chelle sa hapon. Sila Mama naman puro DVD lang ang ibinibigay sa akin maliban sa mga libro para mapag-aralan ko.

Nagsisitilian ang mga girls sa tuwing magbabato ng bola. Nakakabingi sila kaya tinakpan ko ang mga tenga ko.

Napapangiti ako sa tuwing si Marlon ang target nilang batuhin ng bola. Nakakatawa kasi siya, parang ewan! Sa tuwing nakatingin sa kanya ang may hawak ng bola, nagtatago siya sa likuran ng mga classmates namin na mabagal kumilos kaya hindi siya ang natatamaan ng bola.

Ang sabi ni Barney, ang technique daw sa paglalaro ng Dodge Ball ay dapat itira ang mga mabagal tumakbo or kumilos at unahin ang mga sobrang active at mabibilis magsi-ilag. Kasi kapag yung mga magaling maglaro ang mga natira, pwede pa nilang i-catch yung bola tapos pwede silang magpasok ng mga kakampi nila edi syempre matagal matapos ang game.

Sa kakatabi at tago ni Marlon sa mga classmates namin, dalawa nalang tuloy sila ni Christian na natirang tumatakbo.

Napatingin ako kay Christian at napatawa ako dahil bigla siyang kumindat! Hindi ko alam kung bakit siya nagwink pero natawa ako ng sobra dahil paglingon niya, sa mukha niya talaga tumama ang bola.

Natawa ang lahat pero slight lang yung tawa ko. Hindi naman kasi sila sanay na nakikita akong natatawa. Lumapit kaagad si Teacher Cheche para punasan ang mukha ni Christian at tanungin kung okay lang ba siya.

"Teacher! Teacher! Nakita ko po si Christian, nagwink po siya kanina tapos po pagtingin niya po ulit dito sa front, natamaan na po siya ng ball sa face."

Ang sakit sa tenga ng boses ni Lillo. Ang liit kasi ng boses niya tapos kapag nagsalita siya yung mga words niya super haba kapag sinasabi niya. Kapag naman ako, yung mga words ko normal naman yung pagkakasabi kasi magagalit si Tita Chelle kapag mahaba yung pagsabi ng words. Ang panget daw pakinggan tapos hindi daw bagay sa akin.

Tatlong bola ang nacatch ni Marlon kaya naka-join ulit si Theo, John at Hash. Mabibilis din silang kumilos pero si Marlon ang pinakamabilis dahil para siyang kiti kiti, super kulit!

Natapos na ang game nung tamaan si Marlon ng bola. Pagkataya kay Marlon, mabilis na nabato rin ng bola sila Theo, John at Hash.

"Okay, 5 minutes break muna!"

Call Of Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon