Chapter 1

16 1 0
                                    

"Maaa, sama ako..."

Nalulungkot ako dahil papasok si Mama sa trabaho at gano'n din si Papa. Mas maaga ang pasok ni Kuya Angelo sa akin. Sinundo na siya ng school service nila kanina.

Sa Our Lady of Fatima Montessori School ako nag-aaral, habang si Kuya naman ay sa Jems Fruit of Learning School. Mas malapit ang school ko at mas maliit kumpara sa school nila Kuya.

Hindi na ako kinakailangang magservice dahil nilalakad nalang namin ng Tita Chelle kapag kailangan ko nang pumasok sa school.

"Thursday ngayon, sa Saturday ka nalang sasama. Pasalubong nalang kita mamaya, ano gusto mong pasalubong?" Malambing na sabi ni Mama sa akin.

"Gusto ko sama..."

Naiiyak na ako kasi naman ayaw ko na mag school.

"Ay, wag matigas ang ulo. Magagalit si Teacher Cheche sayo."

Iniayos pa ni Mama ang buhok ko at pinunasan ang ilang luhang pumatak sa mga pisngi ko.

"Pasalubong nalang kita ng Hello Kitty tapos donuts." Pang-uuto niya sa akin.

Wala akong nagawa kundi hayaang pumasok si Mama sa work niya at nagpaayos na rin ako kay Tita Chelle ng pang school uniform ko tapos pumasok na rin ako sa school.

"Hi Kathreen!"

Napangiti ako nang makita ko ang classmate ko na si Kate. Medyo magkalapit lang din ang bahay namin at magkakilala ang Tito ko at ang Tita niya. Siya ang pinakaunang naging kaibigan ko dito sa school simula nung first day.

Maganda si Kate, friendly at magaling sumayaw. Halos lahat kaibigan na niya dito sa school namin, lalaki man o babae.

Kabaliktaran ko naman ang ugali niya. Hindi ako mahilig makipagkaibigan, mapili kasi ako sa mga taong kinakasama ko. Mataray din ako kaya takot ang mga kaklase ko sa akin. Maliban nalang kay Marlon.

"Hi Kate!"

Nakangiti ko siyang kinakawayan. Nagpaalam na muna ako kay Tita Chelle bago ako tumakbo palapit kay Kate.

"Tabi tayo mamaya ah? May baon akong strawberries, share tayo!"

Excited na sabi ni Kate habang naglalakad kami papasok ng classroom. Yung school kasi namin parang daycare center lang ang laki niya. Dalawang classrooms lang ang meron at tatlo lang ang teachers tapos isang janitress tsaka si Mommy.

Mommy ang tawag ng lahat sa principal ng school namin. Parang mas matanda lang ng ilang years ang lola ko kaysa kay Mommy. Mahilig siya sa mga bata kaya nagtayo siya ng school. Nursery at Kinder lang ang tinatanggap dito.

Nursery pa lang naman ako sa ngayon.

Si Kate ang pinaka close ko at si Rieyen naman ang friend ko na halos kaugali din ni Kate. Mabait siya at mapagbigay din. Pero hindi maputi si Rieyen at chubby siya. Mas matangkad siya kay Kate at pati na rin sa akin. Mas matangkad ako ng konti kay Kate.

Kakilala din nila Mama ang parents ni Rieyen. Lolo's girl si Rieyen kaya madalas, Lolo niya ang naghahatid sa kanya dito sa school. Kaibigan ni Papa ang Lolo ni Rieyen at madalas nagpupunta si Papa sa manukan malapit sa bahay nila Rieyen dahil parehong mahilig sa mga manok ang Papa ko at ang Lolo niya, kaya doon sila naging magkaibigan ni Papa.

"Wow! Strawberries!" Sabi ni Kelly.

"Wow! Pahingi naman ako, Kate!" Sabi naman ni Faith Ann.

"Yuck! Ang asim kaya ng strawberry." Umepal na naman si Marlon.

Nagsilapitan sa gawi namin ang mga classmates namin dahil nakita nilang nagbukas si Kate ng isang lunch box. Minsan lang kasi magdala ng malaking lunch box si Kate at kadalasan, may baon siyang maraming foods para sa mga gustong humingi sa kanya. Only child kasi si Kate kaya laging marami siyang baon.

Call Of Destiny Where stories live. Discover now