Chapter 12

2 1 0
                                    

Naging magkaibigan kami ni Yannah, at hindi na din ako masyadong nakikipaglaro kasama ang mga kaibigan ni Kuya Angelo.

Si Yannah nalang ang nakakasama ko sa tuwing lalabas ako ng bahay. Madalas siya ang tumatawag sa akin tapos minsan naman kapag hindi siya lumalabas pero gusto kong makipaglaro, ako ang tumatawag sa kaniya doon sa bahay nila.

Ewan ko ba, napakasungit ng papa ni Yannah!

"Si Yannah po?"

Wala kasi akong magawa sa bahay at gusto ko rin namang makipaglaro kay Yannah sa labas kasama si Shine, yung batang babae na bagong dating. Nagbabakasyon sila sa bahay ni Dra. Mateo, kapitbahay at kaibigan nila Mama.

Nagpakita sa akin si Yannah pero halata ko na kaagad na hindi siya pwedeng lumabas dahil yakap-yakap niya ang teddy bear niya at mukhang nahihiya.

"Kath, hindi ako pwede ngayon eh..."

"Bakit? Doon lang naman tayo sa tapat ng bahay namin. Inilabas ko na nga yung mga Barbies ko para ready na tayo maglaro,"

"Ayaw kasi ni Papa na lumalabas ako ng bahay, sorry..."

Yun lagi ang dahilan niya pero alam ko namang may iba pa siyang dahilan. Hindi ko lang sigurado kung dahil ba kay Kuya Angelo at sa mga kaibigan namin o dahil mismo sa akin. Basta ang alam ko lang ay isa sa dalawang iyon ang dahilan.

"Yannah! Umalis ka dyan! Umakyat ka na doon sa itaas! Hindi ba't sinabi ko naman sa iyong bawal ka nang lumabas!"

Galit ang papa niya at nagsisisigaw doon sa may hagdanan nila. Hindi ko man nakikita ang itsura niya pero alam kong nakabusangot iyon.

"Sorry Kath, aakyat na muna ako... Bye..."

Hindi na ako nakapagba-bye sa kaniya dahil isinara na kaagad niya ang pintuan sa tindahan nila at nagmamadaling umakyat dahil sa takot sa papa niya.

Napakasungit naman talaga no'n ni Manong Obet! Hindi ko naman aawayin ang anak niya. Gano'n talaga siguro kapag matanda na?...

Hay nako!

Lumipas din ang ilang linggo na hindi kami nakapaglaro ni Yannah dahil nawalan pala ng trabaho ang papa niya at palagi nalang nandyaan sa bahay nila. Hindi na talaga siya makalabas dahil bantay sarado sila ni Manong Obet.

"Buti naman pinayagan ka na ulit lumabas?"

Magkasama kami ni Yannah na namumulot ng mga bato para sa laro namin na lutulutuan.

"Wala si Papa, naghanap ata siya ng trabaho. Dito nalang tayo sa tapat ng bahay namin para kapag biglang dumating si papa, makakapasok kaagad ako sa loob,"

Tumango tango ako at kinuha ko nalang ang iba ko pang mga laruan na panglutulutuan sa tapat ng bahay namin para ilipat kung saan kami maglalaro.

"Tomboy!"

Napalingon kami pareho ni Yannah dahil sa pagsigaw ni Jae. Dala niya ang bola niya at parang siga na nagdidribble habang naglalakad.

Hindi ako sumagot at sinabi ko nalang kay Yannah na maglaro nalang ulit kami.

Sigurado naman akong kilala ni Yannah ang amerikano na 'to dahil lagi naman siyang nandito sa tapat ng bahay namin dati.

"Ano bang pangalan niya, Kath? Lagi ko siyang nakikita dati dyaan sa inyo pero hindi ko alam ang pangalan niya. Saka bakit ka niya tinatawag na tomboy? Tomboy ka ba?"

Mali pala ako, akala ko naman ay kilala na niya si Jae, hindi pala.

"Uhm!"

Pinukpok ko sa ulo niya yung hawak kong kawali na laruan.

Call Of Destiny Onde histórias criam vida. Descubra agora