Prologue

15 1 0
                                    

Nakakainis! Bakit ba kasi sinabi ni Kuya kay Jae yung dapat na kami lang dalawa yung may alam?! Parang ewan tuloy! Binablackmail niya 'ko dahil doon!

Badtrip akong naglalakad pauwi sa bahay namin. Ngayong taon kasi, hindi na ako nagseservice dahil kaya ko namang lakarin simula sa bahay hanggang doon sa school. Medyo malayo pero kayang kaya ko naman. Kailangan rin naming magtipid, ang laki laki na nga ng tuition ko tapos dadagdag pa yung 700 pesos na pambayad ng school service.

"Oh ano, Melendez? Hindi mo pa rin ako tutulungan?"

Nag-iinit na naman ang ulo ko! Kainis! Bakit ba kasi magkalapit lang kami ng bahay nitong lalaking 'to?! Bakit ba kasi madadaanan ko yung daan na malapit sa bahay nila kapag uuwi ako?!

Kinalma ko muna ang sarili ko at nag-inhale at exhale pa muna ako ng tatlong beses na sunud-sunod bago ko nilingon si Jae.

"Alam mo? Hindi na nakakatuwa yung pinagsasasabi mo."

"Ay hindi ba? Bat ako natutuwa?" Sarkastikong sarkastiko ang datingan niya.

Nakakainis talaga!

"Pwede bang tigil tigilan mo na muna ako, Jae... Magrereview ako, kaya mo na 'yang mga kaharutang ganyan. Wala akong oras para tulungan ka. Busy talaga ako sa ngayon."

Ewan ko, parang naging machine bigla yung bibig ko. Naiirita na kasi talaga ako! Nung isang araw pa niya inuulit ulit sa akin na ipagkakalat daw niya ang sikreto ko. Sobrang nakakainis talaga!

"Sa ngayon... So, ibig sabihin..."

Aish! Sinabi ko bang sa ngayon lang? Ang sabi ko naman di ba, busy ako?

Tumingin ako sa ibang direksyon at napakagat sa labi ko. Bakit ba kasi hindi nalang ako lamunin ng lupa ngayon? Tapos iluwa nalang ulit ako kapag nasa bahay na ako. Haaaa! Nakakainis pa 'yung itsura niya! Naiinis talaga ako!

"Pagkatapos ng exam, tutulungan mo na 'ko. Ngayon ka lang naman busy di ba? Kaya kapag tapos na ang exam, wala ka nang rereview-hin, hindi ka na busy no'n."

Masaya pa siya! Kabwisit! Utusan niya ba ako para idikta sa akin kung kailan at kung ano ang mangyayari?

"Alam mo, Jae... Busy nga ako. Kaya mo naman 'yan! Ang dami dami mong kaibigan dyan, bakit ba sa'kin ka pa kasi nagpapatulong?"

"Close kasi kayo. Tulungan mo na 'ko... Please Kath!!!"

Ang gulo niya~~ kanina binablackmail ako, ngayon naman nakikiusap na siya sa akin na tulungan ko siyang ligawan si Rieyen. Bakit ba kasi ako?

"Nagawa mo naman na dati 'yan, bakit kailangan mo pa ng tulong ko? Kaya mo na 'yan! Support naman ako,"

Ngumuso siya na parang batang hindi napagbigyan sa gusto. Ugali na niya 'yan simula pa nung dati.

---

"Hoy! Dalian mo na! Tulungan mo na 'ko!"

Kakapasok ko palang sa gate, nakita ko na kaagad si Jae. Ang aga ko ngayon, 6:30 palang ng umaga, 7:15 pa ang pasok namin.

Naka school service siya, inuuna ang mga taga Melendres at mga taga Palmera 1 bago magsundo ng mga malapit lang dito sa school nakatira. Bakit kaya ang aga nito dito?

"Bat ang aga mo naman?"

"Sumabay ako kay Dad."

Tumango nalang ako at painosenteng naglakad paakyat sa hagdan papuntang classroom.

"Please na kasi Kath! Last na 'to." Iniakbay niya ang kanang braso niya sa balikat ko habang sabay kaming umaakyat sa hagdan.

"Ewan ko sayo, Jae. Don't me." Bumuntong hininga pa ako ng malalim at disappointed ko siyang tinignan.

"Good morning, Cher There!" Masiglang bati niya sa Filipino teacher namin. Bumati rin ako pero wala talaga ako sa mood ngayon kaya halos lantang gulay ang pagbati ko.

Ang sigla nito palagi, edi wow nalang talaga!

Inalis na rin niya ang akbay niya sa akin dahil sigurado namang tutuksuhin kaming dalawa kapag may nakakita no'n.

Oo nga't close kaming dalawa simula pa pagkabata, pero syempre tumatanda na rin kami kaya malamang sa malamang, iba na rin ang iniisip ng iba sa gano'ng klaseng kilos at gawi namin.

"Aba! Ang aga mo Ignacio ah? Di ka nagservice?"

"Hindi, Cher. Sumabay ako kay Daddy."

Tumango nalang ang teacher namin at pumunta sa canteen. Dumiretso na kami sa pag-akyat dahil bigat na bigat na rin ako sa mga gamit ko.

Kaming dalawa pa lang ang nasa classroom dahil nga ang aga aga namin.

"Bakit ba kasi hindi ka na lang ulit magservice? Grabe bigat nyang bag mo, kawawa ka di ka na tatangkad n'yan."

Binuhat pa niya ang bag ko, hindi nalang nakuntento sa itsura no'n na punumpuno, halos masira na sa bigat.

Call Of Destiny Where stories live. Discover now