Chapter 5

8 1 0
                                    

Last day na daw ng classes namin sabi ni Teacher Cheche kaya ang saya saya naming lahat! Syempre, malapit na ulit ang bakasyon, hindi na kailangang maaga gumising at maligo ng super lamig na tubig.

"Saan ka mag-i-i-school, Kathreen?"

Naka-upo kami sa mga swing pero nasa gitna si Kate dahil ayaw kong katabi si Rieyen, ang daldal kasi niya. Super!

"Sa Jems."

"Wow! Doon sa malayo?"

"Oo, sa school ni Kuya Angelo ko."

"Sana doon din ako magschool para classmates ulit tayo."

"Wait lang ah? Tapon ko lang 'to,"

Iniwan ko muna si Kate at Rieyen kasi yung trashcan namin nandoon pa malapit sa may cr, doon banda sa may monkey bar.

"Hoy tomboy!"

Hay nako! Nandito na naman ang unggoy!

"Hoy!"

"Ano na naman bang problema mo?!"

Binato niya ako ng paper na nilukut-lukot tapos nakapabilog.

"Bakit ka siga?"

Nakakaasar talaga kapag siya ang nakikita. Mukha siyang unggoy!

Hindi ko na siya sinagot kaso hinarangan niya ang daanan ko. Para pa kaming nagpapatintero kasi kung saan ako hahakbang, doon din siya.

"Ano bang problema mo ha?! Marlon unggoy!"

"Anong Marlon unggoy?! Ang pogi ko nga daw sabi ni Mommy ko!"

"Inuuto ka lang ng mommy mo, mukha ka talagang unggoy."

Susuntukin niya sana ako pero nakita kami ni Jana -- madaldal at mas pandak pa sa akin na classmate namin.

"Bad yan!"

Tinulak niya si Marlon palayo sa akin sabay sigaw ng,

"Teacher! Teacher! Si Marlon po isusuntok niya po si Kathreen. Bad po si Marlon po!"

Lumapit sa amin si Ate Bassih ang janitress ng school.

"Ang kulit talaga nitong batang ito."

Hinawakan niya ang kamay ni Marlon at sabay sila na naglakad papunta sa office.

Uwian na kaya naglaro muna kami habang hinihintay ang sundo namin.

"Uy! Monkey bar tayo!"

Excited si Kate at ibinaba niya ang bag niya sa gilid ng Mango tree.

"Wait for me, Kate! I want to play too!"

Humabol naman sa kanya si Rieyen, nagsasalitan sila sa paglambitin doon sa monkey bar.

"Hoy, panget!"

May nagsalita na naman sa likuran ko.

"Bakit na naman, ugly?"

Magkacross ang braso ko at nilingon ko siya ng serious expression ko.

"Anong ugly?! Ikaw nga yung pangit!"

"Bakit ka galit?"

"Eh sinabihan mo kasi ako ng ugly!"

"Sinabihan mo rin naman ako, ah?"

"Eh pangit ka naman talaga, eh! Kathreen! Pangit! Kathreen Pangit! Kathreen Pangit!"

Nyak! Mukha talaga siyang unggoy! Binibelat belat pa niya 'ko habang sinasabihan ng 'Kathreen Pangit'.

Call Of Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon