"Akira birthday mo bukas, anong plano mo?" Tahimik kaming kumakain nang bigla nagsalita si papa sa kalagitnaan ng aming pagkain.


"Bukas?"


Bukas na ba yon? Tinignan ko ang kalendaryo na nakasabit sa pader namin para siguraduhin na bukas na yon.


Hala bukas na nga! Sobrang busy ko hindi ko na namamalayan ang panahon.


"Anong gusto mong handa? May iimbitahin ka ba?" Pahabol ni mama.


"Kahit simpleng handa lang o kaya kumain na lang tayo sa labas."


Hindi ko rin kase sigurado kung may panahon pa para mag celebrate. Panigurado may idadagdag na naman sa amin at magiging busy kami lahat kaya baka hindi magkaroon ng oras na magsaya kaming lahat nila naomi.


They look at me with a concerned face. Parang ayaw nila na simpleng handaan lang. Wala naman kasi sa akin kaso.


Mas may kaylangan pa ako asikasuhin kaysa mag celebrate ng birthday.


"Ma, Pa, ok nga lang po. Kumain na lang tayong tatlo sa labas." Pagpupumilit ko.


They still not convince pero pumayag na lang rin sila. Pagtapos namin kumain ay nanood kami saglit ng tv at natulog.


"Akira hindi kami makasabay sa inyo mamaya ni naomi ha?"


Nandito kami ngayon sa canteen dahil free time namin.


"Okay." Tumango ako bago ako sumubo sa baon ko. Nagtaka si naomi sa sinabi ni vincent kaya magsasalita sana ito pero tinakpan nya agad ang bibig ni naomi at sinabi na wag na lang ito pansinin.


Normal ang nangyari buong hapon. Busy parin kami sa mga exams. Tyaka pinaghahanda na talaga namin ang entrance exam sa Steinfeld. Habang papalapit ang araw mas lalo tuloy ako kinakabahan.


"Una na kami akira, may pupuntahan kasi kami nila jonas at claude." Nagpaalam si anthony sa akin kasunod si claude. Bago pa ako pumayag ay umalis na silang tatlo.


Para ngang nagmamadali pa.


Ayos lang naman sa akin. Baka may importante talaga silang kaylangan gawin. Lagi rin naman kami magkakasabay araw araw. Inayos ko ang mga gamit ko bago sinukbit ang bag  sa likod ko.


Pababa na ako sa hagdan ng makita ko sila naomi na nasa gate at may pinagusapan.


Kompleto sila? Akala ko ba may pupuntahan sila?.... Bakit sila magkakasama?


Hindi ko maalis ang tingin ko sa pwesto nila kahit sabay silang umalis. Umiling ako. Hindi, baka naman nagkataon lang talaga. Eto na naman ako nag oover think.

The Art of Stars (Celestial Series #1)Where stories live. Discover now