Chapter 7

69 1 0
                                    

Chapter 7

"Shia! Follower ako ni Caleb sa twitter, parang may crush na crush talaga siyang pinapatamaan... feeling ko, ikaw 'yon!"

My forehead knitted at Venice's words. We were inside the church because today is the third day mass of misa de gallo. Yesterday I was able to attend the mass but on the first mass, I wasn't.

Alas onse ng gabi na ako nakauwi noong gabing kasama ko si Caleb at alas syete na ng umaga ako nakabangon, at pagbubunganga na naman ni mama ang sumalubong sa 'kin dahil hindi raw ako um-attend ng simbang gabi na naging dahilan ng kalungkutan ni Akisha dahil hindi raw sila tatlo na nagsimba.

I was asking her on my mind, kasali pala ako sa pamilya?

"Don't assume," tipid kong sagot sa kaniya. I want her to stop talking to me because we are inside of a sacred place, but she still continued.

"Eh ano kasi, s-in-earch ko ang meaning ng name mo, 'yang Ashia at Julienne tapos ang lumabas, e hope ang Ashia tapos youth or youthful ang Julienne."

Napatigil ako saglit pero dali-dali ring umiling dahil kung anu-ano nang ina-assume niyang hindi naman dapat.

"Hindi lang naman ako ang may ganiyang pangalan."

I saw in my peripheral vision how she pouted, but I didn't glance at her.

"Oh, sige na nga! Alam kong ayaw mo na akong dumaldal kaya shut up na lang ako at 'di na mag-assume."

"Good," I said.

Naramdaman ko ang pagsandal ng ulo niya sa balikat ko at nakita ko rin ang pagpikit ng mga mata niya. Hindi nga niya ako dinadaldal pero nagpabigat naman siya sa balikat ko. She's probably sleepy like me because it was three AM when we woke up and went here together.

Malapit nang mag-alas singko na siyang takdang oras ng misa kaya marami na ang mga tao at tumutunog na rin ang kampana. Minutes had passed when I felt that someone was holding my shoulder so I glanced

Ang isa sa officers sa aming youth leaders dito. Nababagabag ang hitsura niya. Ka-edad ko lang 'to kaya hindi ko tinatawag na 'Ate'.

"Ashia! 'Di ba, um-attend ka naman ng seminar for lector and commentator last year?" agaran niyang tanong na ikinatango ko.

Nakasali nga ako ng seminar noon for it is because I also wanted to deliver His words to everyone. However, I only tried one time reading in front of everyone because my mother made me halt.

"Bakit?"

"Hindi kasi makaka-attend ang lector one for today's mass na si Angelyn dahil nilagnat daw siya. Wala naman akong ibang mapalit dahil kaunti lang ang nag-seminar last year at... youth ka naman. Pwedeng ikaw na lang muna?"

I want to agree with her, but perhaps my mother will scold me again because I didn't listen to her.

"I'm sorry, Sierra... My mother already made me stop—"

Mas lalong nabagabag ang hitsura niya. "Please, Ashia! Kahit ngayon lang. Explain mo na lang sa Mama mo mamaya ang dahilan. Malapit nang mag-start ang misa... Please."

"Shia, sige na. Tutulungan kitang mag-explain sa Mama mo." Nilingon ko si Venice dahil sa ibinulong niya. She smiled, a cheering one.

I glanced and Sierra again, and nodded, the reason why her face lit up.

She immediately grabbed my hand towards the sacristi. A sacristy is a room in a church were a priest prepares for a service and where vestments and other things used in worship are kept. Isa itong kwarto sa likod ng altar at siyang lugar kung saan lumalabas at pumapasok ang mga nag-s-serve gaya ng mga altar-servers.

Mended Broken Souls (✔️)Where stories live. Discover now