Chapter 5

51 1 0
                                    

Chapter 5

"Anak, bumangon ka na. Lunes ngayon, may pasok ka..."

I immediately opened my eyes when I heard my father's voice enough for me to wake up. Lunes na naman pala. Mula nang makauwi ako rito kahapon ay wala akong pinansin ni isa sa kanila dahil sa labis na tampo.

Myself has back... Naramdaman ko lang talaga kahapon na hindi ako 'yon, the way I acted. Pero alam kong temporary lang 'yon dahil ngayon ay naramdaman ko ang katamaran na magsalita gaya ng dati.

"Ashia, Anak... pasensiya talaga kahapon, ha? Hindi ka na kasi namin nakita nang sinubukan kong hanapin ka dahil sa rami ng tao at minadali na rin ako ng Mama mo dahil may lesson plan pa raw siyang gagawin."

Dali-dali akong bumangon.

Lies... 'yan ang naisip ko nang sinabi niyang minadali siya ni mama dahil may lesson plan pang gagawin. Gusto niya lang talagang maiwan ako. I had seen her doing her lesson plan last friday completely.

"Si Akisha ay halos maiyak na dahil hindi ka mahanap pero kinarga na agad siya ni Lucie pauwi. Pasensiya na talaga, Anak... alam kong nagtatampo ka."

"Ayos lang, Pa. I'm used to it." Agad na akong tumayo at nagpunta sa banyo para maligo.

"Aalis na ako para sa trabaho, Anak. Mag-iingat ka." Narinig kong sabi niya sa kwarto ko habang ako'y nasa banyo.

I didn't answer him. I just continued taking a bath. Nang matapos ay nagbihis na ako ng school uniform at school shoes. Nilagay ko na ang itim kong bag sa likuran at kinuha ang perang binilin sa 'kin ni papa.

"Bakit mo kinaibigan si Ashia? Puro sakit sa ulo lang naman ang dala n'yan."

Nakalabas na ako mula sa kwarto nang marinig ang pag-uusap nila Mama at Venice sa baba.

"Hindi naman po siya ganoon, Ma'am. Kinaibigan ko po siya dahil gusto ko siyang maging kaibigan," sagot ni Venice na pinanatili ang ngiti, pero alam kong nagtitimpi na siya kay Mama. Naka-uniform na rin siya katulad ko. Hindi pala ganoon kalayo ang distansiya ng bahay namin.

Napatigil ako sa paglalakad nang makitang nakangiting hinaplos ni Mama ang pisngi ni Venice na siyang ikinaiwas ko ng tingin dahil may dumaang sakit sa puso ko.

"Ang bait mo, Venice, hija. Sana ikaw na lang ang naging anak ko."

"Mabait din naman po si Ashia, hindi n'yo lang po nakikita." Sa sinabi ni Venice ay nakita kong natigilan si mama. Nakasuot na rin pala siya ng uniform pang-teacher.

There's no trace of emotion on my face when I went downstairs. Mama rolled her eyes at me while Venice's round monolid eyes scream concern when they shifted from my mother to me. Agad akong lumapit kay Mama at nagmano kahit alam kong labag iyon sa loob niya.

"Aalis na po ako, Ma. Tara na, Venice," paalam ko at kinuha na ang kamay niya para makaalis na kami roon.

"Aalis na kami, Ma'am."

"Mag-iingat ka, Venice," ani mama sabay ngiti.

Jealousy crept within me. Hindi ko man lang naranasang masabihan ng ganoong salita mula sa kaniya, ako na anak niya pero sa ibang tao, bakit ang dali-dali lang sa kaniya na sabihin 'yon?

Naramdaman ko ang yakap ni Venice nang makalabas kami. I want to cry but I don't want her to see me in that state. Even if I badly want to, I stopped the urge. Binuntong-hininga ko na lang 'yon.

"I am fine, Venice."

"Hindi ka okay, Shia! Sorry... Sorry dahil sinabi ng mama mo na sana ako na lang ang naging anak niya..." My forehead creased when I heard her sobs while she's still hugging me. "Hindi ko akalaing ganoon pala kasama ang mama mo sa 'yo! Huhu, naiiyak ako sa 'yo. Base sa sh-in-are mo noong last week sa BEC sa youth, mula bata ka pa ganoon ang trato sa 'yo? Hindi ko akalaing nakakaya mong tumira araw-araw na ganoon ang mama mo sa 'yo. Sorry talaga, Shia..."

Mended Broken Souls (✔️)Where stories live. Discover now