"Ikaw akira?" Bumaling ang tingin ni naomi sa akin. "Sa steinfield ka rin?"


"Sana.. pero baka mag try ako ng iba pang school." Tumigil silang lahat sa pagkain at saka nila ako tinignan na may gulat sa mukha. Nagulat rin tuloy ako!


"Bakit?!" Napataas ang boses ni naomi


"Susubukan ko lang. Scholarship kasi ni tita kaya ako nakapasok dito. Wala kaming pera para sa tuition ng steinfield."


Hindi naman kami ganon kayaman para pumasok sa ganon na kataas na university. Isa pa, kahit gusto ko doon dahil maganda talaga ang turo ayoko mahirapan sila mama at papa sa pagtrabaho para doon.


Nagpalitan sila ng tingin bago bumuntong hininga si naomi. "Okay. Si jonas na lang sana yung mahiwalay hindi si akira."


"Ano?!" Kinuha ni jonas ang tinapay saka nya nilagay sa bunganga ni naomi.


Hindi na tuloy makasalita ng maayos is naomi dahil puno ang bibig nito.


"Kumain ka dyan, ang papangit ng lumalabas sa bunganga mo!"


Nginuya ni naomi nang dahdan dahan ang pagkain dahil punong puno na ang kanyang bibig. Kahit kelan talaga ang dalawa na ito parang aso't pusa.


Kahit sila vincent sanay na rin sa asaran nila patuloy lang sila kung ano ginagawa.


"Papatayin mo ba ako?!" Sumigaw si naomi pagtapos niya malunok ang kinakakin niya.


Nag make face si jonas at ginaya ang salita ni naomi na medyo mataas ang boses. Natawa ako sa kanilang dalawa, parang mga bata.


Pagtapos ng vacant namin ay sabay sabay kaming umakyat. Puro test at aral kami ngayong 3rd year dahil senior year na namin.


Pinaghahandaan na rin ng iba ang entrance exam at mga kursong kukunin namin sa kolehiyo. Hindi ko na nga namamalayan na nakakalahati na pala ang school year.


"Alam mo ba paano nakuha ito?" nilapag ko ang notebook ko sa arm chair ni anthony. May seatwork kasi kami ngayon sa math at hindi ko alam saan nakuha ang value ng x sa example ni sir.


Kaya todo review ako ngayon dito. Kinuha nya ang ballpen ko at nagsulat ng process at solutions. Sa kinagulat ko ay sobrang ayos ng solutions nya nagets ko agad yung mga nilagay nya dahil kahit maliliit na points ay nakalagay doon


"Ito oh" inabot nya sa akin ang notebook ko habang nakangiti. "Gets mo na ba?" Tumango ako sa kanya at nagpasalat.


Kanina pa sya naglalaro kaya akala ko hindi sya nakikinig sa klase kanina eh mas may alam pa pala ito kaysa sa akin. Pinaligpit na sa amin ang mga notebook at sinumalan na namin sumagot.


"Times up." Lahat kami napatingala dahil sa sinabi ng teacher namin. Ang bilis naman! chinecheck ko pa kung tama yung mga sagot ko eh.

The Art of Stars (Celestial Series #1)Where stories live. Discover now