Mariin ko siyang tiningnan. "Anong pag-uusapan namin? Alam naman na nila ang tungkol kay Daniel." Sabi ko. "Atsaka si Maxine at Daniel ang pinunta nila rito hindi ang makipag-chikahan sa'kin."

Binaba niya ang rice sa gitna ng lamesa. "Gusto ka rin nilang makausap, for sure." Aniya.

Nagkibit balikat ako. "I'm fine being civil with them."

Napailing siya at akmang sasagot pa ng lumapit ang Mommy ni Daniel. "Anong maitutulong ko?" Nakangiting tanong nito.

Nagkatinginan muna kami ng Georgia bago ko sinagot ang Ginang. "Uhm wala naman po. Patapos na rin ho kami. Thank you." Hindi rin naman siya sanay na mag-asikaso ng hapag dahil sa dami ng katulong nila. Noong nagta-trabaho pa kami ni Mama sa kanila noon, hindi ko pa siya nakitang pumasok ng kusina.

"Anong patapos? Wala pang mga baso." Sabat ni Georgia. Pinanlisikan ko lang siya ng mga mata.

"I volunteer!" Tila na-excite naman ang Mommy ni Daniel na gawin 'yon. Hindi ko na siya napigilan dahil kaagad siyang dumiretso sa kusina. Ngumisi lang si Georgia.

Anim na baso ang kailangan kaya nilapitan ko na rin siya para kunin 'yong tatlo. Ngumiti siya sa'kin. Tumikhim lang ako at nauna nang naglapag ng baso sa lamesa. Nang lingunin ko siya ulit ay napapikit na lamang ako ng marinig ko ang sunod sunod na tunog ng nabasag na baso!

"Ohmyyy! I'm sorry!" Tili niya.

I sighed heavily at umiling. She looks guilty while looking at me. Yes, nabasag niya 'yong tatlong baso. "I'm really sorry, nadulas k-kasi..."

Hindi ako nag-salita. Kumuha naman kaagad si Georgia ng walis at panalok. "Ako na lang....ako naman ang nakabasag...." Sinubukan pa niyang agawin kay Georgia ang walis.

"No, it's okay." Sabi ni Georgia.

Nahihiya naman akong nilingon ulit ng Mommy ni Daniel. "I'm sorry, C-Corraine."

"Anong nangyari, Asawa ko? May narinig kaming nabasag?" Tanong ni Daniel nang makalapit sila. Tulak ng Daddy niya ang wheelchair samantalang nasa gilid naman niya si Maxine at inosenteng nakatingala sa'kin.

Umiling ako at sinundan ang Daddy niya na kaagad nilapitan ang Mommy niya. Hiyang hiya pa rin ito sa nangyari.

"S-Sorry. Nabasag ko kasi 'yong baso.." Sabi ng ginang sa asawa.

"Mom, it's fine. Madali lang namang palitan 'yong mga nabasag." Sabat ni Daniel. Pagkatapos ay nilingon ako. "Pagpasensiyahan mo na si Mommy, Asawa ko. H-Hindi kasi siya sanay sa mga gawain..."

"I understand." Ngumiti ako at tiningnan sila. "Let's eat?" Aya ko na lamang sa kanila.

"Momma, I'm hungry." Si Maxine.

Tumango ako at pinaupo na siya. Sumunod naman ang mag-asawa at si Georgia pagkatapos niyang maglagay pa ng tatlong baso. Inalalayan ko naman si Daniel paupo bago ako umupo sa gitna nila ni Maxine.

Maganang kumain si Maxine kaya hindi ko na siya masyadong inalala. Inaasikaso rin naman siya ng lola't lolo niya. Ako naman ay naka-focus kay Daniel, maliit lang siya kung sumubo. Napansin kong nangingnig ang kamay niya kaya ako na ang nagpakain sa kaniya.

"Uh Corraine, p-pasensiya na ulit s-sa  mga nabasag ko....." Sabat ng Mommy niya sa gitna ng katahimikan.

Tiningnan ko siya. "I understand. Alam ko namang hindi kayo sanay kumilos sa kusina pero hinayaan ko pa rin kayo. Huwag mo na pong isipin 'yong mga nabasag, madali lang naman po 'yon palitan." Sabi ko.

Nahihiya lang siyang tumango. Yumuko siya at nagpatuloy na lamang sa pagkain. Tumikhim naman ang Daddy ni Daniel. "By the way, natawagan ko na pala ang mga pinsan mo at mga tito't tita mo, Iho. I told them our plans. They are all coming. Naghahanda na rin sila Nathaniel at Nathan sa island nila. Maybe two days from now, we can go?" Sabi niya sabay sulyap sa'kin. Inaantay niya ang pagsang-ayon ko.

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now