"My god, Don't you ever do that again!" Inis na saad nito. Tinawanan ko na lamang siya. Buti nga sayo!

"Hindi mo alam, baka nakita pala ni George ang itsura mo ngayon." Napatingin ako kay Alexis ng magsalita ito. Psh, as if!

"Alexis, huwag munang paasahin 'yang si Effy baka masaktan lang iyan." Tumatawang sagot ni Trisha kay Alexis. I just rolled my eyes at her.

Whatever, Trisha.

"I'm going to sing King and Queen of Hearts. Hope you all like it. It's free to take your partner at the dancefloor. Thank you." Saad ni Matt bago nagdilim ang paligid at doon lamang sa stage at dancefloor ang may spotlight. Nagsimula ng sumayaw ang mga lovers sa dancefloor habang nagsisimula ng tumugtog sila Matt.

*King and Queen of Hearts- David Pomeranz*

♪Were the king and queen of hearts
  Hold me when the music starts
  All my dreams come true
When I dance with you

Promise me you're mine tonight
I've been waitin' lyin' tonight
While the lights are low
I'll never let you go

Ipinikit ko ang aking mga mata at dinamdam ang kanta. What a beautiful song. Bagay na bagay talaga sa mga lovers na sumasayaw ngayon sa dance floor. Naiinggit tuloy ako. Gusto ko kasama kaming dalawa ni George diyan sa dance floor sumasayaw, pero alam kong hindi iyon magkakatotoo dahil nga hindi siya pumunta.

♪Did I dream that we danced forever
  In a wish that we made together
On a night that I prayed would never end?

You know it's not my imagination
  Or a part of the orchestration
Love was here at the culmination
I'm the king and you're the queen of hearts

Napapahanga ako sakanilang tatlo kasama narin ang lalaking may pangalang 'Lowel'. Ang gagaling talaga nila! Kaya nga nila ako naging taga-hanga eh. Nagtataka nga ako kung bakit hindi pa sila masyadong sumisikat. Hindi naman sa sinasabi kong hindi sila sikat ngayon, tignan niyo naman sila, parating may gig sa iba't-ibang lugar pero ang gusto ko ay yung mapapalabas sila sa telebisyon o kaya sa radyo atsaka magkakaroon sila ng concert sa iba't-ibang bansa someday. Because they deserve it. I know they freaking deserve it.

♪Time will pass and tears will fall
  But someday we'll both recall
Moments made for this
Golden memories

Ang daming mga tao ang kumukuha ng litrato sakanila. Mayroon din akong nakitang photographer na kinukuhaan sila ng litrato. Inilabas ko ang phone ko at lumapit sakanila. Agad nalipat saakin ang tingin ni Matt ng makalapit na ako sakanila. I smiled at him and he smiled back too. Itinaas ko ang phone ko at kinuhaan ng litrato si Matt, sumunod si Rush at Zeus pagkatapos ay nilahat ko silang kinuhaan.

"Thank you, everyone! Good night and have a nice night. We love you." Ani Matt pagkatapos ay dagli silang bumaba ng stage. Pumunta ako sa babaan ng stage at hinintay sila.

"Effy!" Ani Rush nang makita ako. I waved my hand to him.

"Wow! Ang ganda mo ngayon, Effy! Selfie tayo dali!" Ani Zeus at agad inilabas ang kaniyang phone. Nagselfie kaming dalawa at pagkatapos nun ay kinuhaan naman niya ako ng litrato ng buo na ako lang mag-isa.

"Tama na. Ako naman," Napatingin ako sa nagsalita. "Sus, Matthew. Parati namang ikaw eh. Bahala ka na nga diyan!" Tumatawang saad ni Zeus pagkatapos ay lumapit na kay Rush na ngayon ay kinakausap si Lowel.

"Ang gwapo mo." Papuri ko sakaniya. Napatingin ako sa necktie niya na nagulo.

"Inlove ka na niyan?" Biro niya. Kinurot ko ang braso niya dahil roon. Hinawakan ko ang necktie niya at ako na mismo ang nagayos nito. Nang matapos kong ayusin ang tie niya, itinaas ko ang tingin ko sakaniya. Nagulat ako ng makita siyang seryosong nakatingin saakin.

"What?"

"You're so beautiful tonight, Effy." Seryosong saad ni Matt. Hindi ako nakapagsalita dahil roon. Ang gusto kong magsabi ng mga katagang iyan ay si George pero hindi niya iyon nasabi. Nginitian ko si Matt at nagsabi ng 'thank you'.

"Siya nga pala, nasaan si Trisha?" Nilingon ko si Rush ng tanungin niya iyon. "Si Trisha? Nandoon sa table namin, kasama si Alexis." Sagot ko. Kitang-kita ang pagbabago sa mukha ni Rush. Iyong kaninang may ngiti sa labi ngayon ay wala na at napalitan nang iritadong mukha.

"Who the hell is Alexis?" Bulong nito na hindi nakatakas sa pandinig ko. Oh, I smell something fishy here.

"Effy." Ibinalik ko ang tingin ko kay Matt. Magtatanong na sana ako kung ano iyon pero napatigil ako ng makita ko siyang lumuhod sa harap ko. "May I have this dance?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Oh my god!

"Yes." Agad kong sagot. Alam kong hindi niya ako ipapahiya. Buti pa si Matt kahit nakita na ang mukha ko, niyaya parin ako hindi gaya ng ibang mga lalaki diyan!

"Buti na lang hindi mo ako nireject." Ani ko. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"What?"

"Eh kasi kanina may mga lalaking umaaya saakin pero kapag nakita na nila ang mukha ko, bigla na lang aatras. Pangit siguro ako." Nakasimangot kung saad.

Natulala saglit si Matt bago napabuntong-hininga. "I told you, your beautiful tonight. Don't mind that assholes, they're just assholes." Ani Matt. Nginitian ko siya at tumango.

"So, I'm your first dance?" Muling saad ni Matt. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya saakin. "Yes, Matthew Suarez. You are my first dance." Ngiting sagot ko.

"And will be your last dance?" Muli tanong niya saakin. Kumunot saglit ang noo ko sa tanong niya. Baka, siya narin ang last dance ko dahil imposibleng may magaaya pa saakin.

"Ye--"

"No, bro! Ako ang next kaya imposibleng maging last dance ka." Ani Zeus na agad lumapit saamin at inagaw ako kay Matt. Natawa ako sa itsura ni Matt ng ginawa iyon ni Zeus.

"Fuck you, dude." Inis na saad ni Matt.

"Hoy, Zeus! Ako sunod sayo!" Sabi ni Rush. I laughed at them.

Ang kukulit talaga nila!

She's into Drummers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon