Aj: @ Allen magpopropose pa lang bro Kinakabahan nga ako. Pag mag oo kahit kinabukasan agad.

Zeus: @Kai & @Liam iready niyo na mga ampao niyo may ikakasal na naman.

Kai: @Zeus isure niya muna na tuloy ang kasal. Mabilis lang ang ampao.

Aj: @Kai Fuck you! Mas pinapakaba mo ako bro.

Liam: @Aj Tagilid pa rin ba bro?

Aj: Hindi naman. Hindi ko lang maiwasan na kabahan.

Luca: Huwag ka ng kabahan. Sa hinaba haba ba naman. Tuloy na yan sa huwes. Hindi naman kayo ata pwede ikasal sa simbahan even if outside the country. But you are a Christian Aj right? You can marry here in a Christian Wedding.

Aj: Actually I'm thinking about it. Since it's been five years rin naman annulled si Bella. But yes in Catholic Church I can't marry her. I'm planning to have a Christian wedding.

About the country. I'll ask Bella first.

Zeus: Just tell us ano maitutulong namin about your upcoming proposal. We are willing to extend some assistance.

Aj: Thanks guys!

Sakto lang katapos kung makipag usap sa mga kaibigan ko sa chat ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Justin.

"Papa!" tawag nito sa akin.

Natuwa naman ako ng makita ito. Kasama nito ang ina na nasa likuran lang at nakangiti. Justin is turning six years old this year. My Dad and Aunt are so fond of him. Tanggap din nila ito. Close pa nga ang bata sa dalawang matanda.

Tuwang tuwa ito pag nasa mansion. Madami na daw siyang grannies. Minsan kasi sinasama ko ito sa mansion pag ako ang sumusundo dito. Nag aaral na kasi ito, pre school.

Niyakap ko ito at hinalikan. Pati rin si Bella.

"Hi Love," malambing nitong bati.
"Busy ka?"

"Hindi naman. Kachat ko lang ang mga kaibigan ko. Why Love?"

" Wala lang dinalaw ka lang namin. Wala na kasi kaming pupuntahan. Kaya naisipan namin na daanan ka." Napangiti naman ako. I really love this woman. Gustong gusto kong nakikita ito parati.

"Papa, let's eat!" sabi nito at nakakapit pa sa pantalon ko at naka tingala.

"Justin, you're still full. We will eat later okay?" pinandilatan ito ng ina. Napanguso naman ang bata. Naawa naman ako. Alam ko naglalambing lang ito.

"Hey, young man! Don't worry we will eat," sabay ngiti ko dito. " What do you want to eat?"

"I want spaghetti sa Jollibee, Papa!" masayang sabi nito.

Love Taken ChancesWhere stories live. Discover now