Chapter 06

3.5K 48 4
                                    

Allie

Nagising ako na magaan ang pakiramdan. Alas nuebe na pala ng umaga. Napasarap pala ang tulog ko at di ko narinig ang aking alarm clock. Kailangan ko pa naman magbake ng cake ngayun, may order pala si Dra. Levine at kailangan kong maihatid mamayang tanghali sa Emergency Room.

Maaga naman akong naihatid ni Caden last night. Di kasi natuloy ang getting to know each other namin kasi biglang may tumawag sa kanya at nagbalita na isinugod sa hospital ang kanyang ama. Kaya hinatid lang niya ako dito sa bahay at siya ay deretso na sa hospital kung saan andun ang ama nya.

Kahit number di kami nagpalitan. Wow! At nag-eexpect ako na kukunin niya number ko. Wala lang, inaamin ko naman nagagwapuhan naman talaga ako sa kanya, sino ba ang hindi noh? Bulag lang siguro ang di magnanasa sa kanya. Lalo na at natikman ko na sya. Galing galing pa niya sa kama. I never felt satisfied when it comes to sex, kasi hindi naman tulad nunq ang naexperience ko. Pero sa kanya, sexual satisfaction achieved! Sexy pa ng name nya, Caden- pronounce as Cai-dhun, diba? taray lang.

Bakit ba siya ang laman ng isip ko. Gumising ka Bella Alliena Morales, nahihibang kana, kala ko ba di ka muna mag iisip ng lalaki, my son is my priority. Kaya naman bumangon na ako at bumaba. Ang bahay pala namin dito sa isang Prime Subdivision sa Bacoor, Cavite. Three storey house na merong roofdeck. Di gaano kalaki, sakto lang sa isang maliit na pamilya, pero maganda kasi dream house ko to. Ako ang nag instruct sa Architect kung anu ang gusto ko na design. Mayroong 5 na kwarto at 5 na banyo at 1 car garage. Binili po namin yung lote at around 3.3M, tapos pinatuyan ng bahay na worth 5M, lahat na kasama ang interior design. Naka solar panel din kami, at pinalagyan ko ng mini pool sa roof deck at isang guest room. Second floor dalawang kwarto lang. Master's bedroom at isang smaller room for my son pero nagiging guest room na muna kasi sa akin pa siya natutulog. Malaki kasi ang kwarto ko, pangarap ko ang may walk in closet at importante sa akin ang malaking banyo na mayro'ng bathtub. Sa baba naman isang kwarto na malaki. Sa parents ko pag lumuluwas ng Manila, mga matanda na kasi kaya need na nasa ground floor ang room. Tapos sa dulo malapit sa kitchen ang room ng helper ko si Ate Eva ang pangalan nya, 35 yrs old. Halos di nalalayp ang edad namin, 33 naman ako.
Actually ang bahay na'to naka loan pa sa bank, kaya malaki monthly ko nasa 45k for 10 years at mag 5 years palang nababayaran ko. Kaya todo kayod ang lola. Dati ok lang, kapitan kasi ng barko ang ex hubby ko, ang allotment ko monythly nasa 100k+ tapos ako pa ang nahawak ng sahod nya sa dollar account. May isa akong sasakyan , yung pinahiram ko kay Dylan last night, isang grey/orange Nissan Juke. May dalawang condo, yung sa may welcome rotonda QC, yun ang una namin investment ng ex hubby ko. Para yun kung magkaanak kami at mag aral sa UST or saan man sa may U-belt banda, hindi na sya magrerent or magdodorm. Ang isa naman, kinuha ko hindi alam ng ex hubby ko that time, sa Parañaque, pre selling yun at hindi sikat ang developer. Pang condotel kasi, para ilagay sa booking.com and airbnb. Kaya ngayun nga ginawa naming condotel. Ang kita doon ang pambayad sa monthly amorthization sa Pag ibig, nasa 14k+ and so far nasusustain naman ng dahil sa kita ng condotel.

Tatlo pala kaming magkapatid, panganay ate ko na CPA, ako nurse at ang bunso namin sa BGC nagwowork, di ko alam anung tawag sa work niya basta sa labas na bank, malaki naman sahod nun, graduate yun ng Ateneo de Manila. My mom is a housewife pero may business siya, a mini grocery and my dad was a seafarer before ngayun libangan na nila yung mini grocery store. Mga senior citizen na silang dalawa. Ang anak ko mag 4 y.o na at nasa Leyte sya ngayon sa parents ko. Nag iisang apo kasi.

" Hi ate, good morning! " Bati ko kay ate Eva at sumagot ng good morning naman.

" Kain lang ako at magbake ako ng cake, off ko ngayun at aalis ako para magdeliver ng cake mamaya." shocks! nasa Cavite pala ako need ko ng sasakyan. Kaya nagmessage ako kay Dylan if ok na sya at kung maidadaan nya ang sasakyan ko. Di nagtagal nagreply naman siya at sabi idaan nya.

Love Taken ChancesWhere stories live. Discover now