Chapter 28

2.3K 61 5
                                    

Allie

Hindi muna ako dumeretso ng uwi ng bahay sa Bacoor. Namalayan ko na lang tinatahak ko ang daan papuntang Antipolo sa bahay ni Caden. Gusto ko siyang makita for the last time.

Sa malayo ko siguro ipapark ang aking sasakyan. Gusto ko din sana puntahan  si Mariel kaso ayoko ko siyang magworry. Buntis pa naman ito baka kung mapaano. OA pa naman ang isang yon kong maka react.

Pinark ko sa malayo ang sasakyan ko. Hanggang pangarap ka nalang talaga na bahay. Super gusto pa naman kita. Pinagmasdan ko mabuti ang bahay niya baka kasi biglang lumabas si Caden.

Hindi magtatagal ikakasal na siya. Dito ba niya ititira si Miranda? Bigla naman may naramdaman akong selos. Siya na pala ang magiging reyna sa bahay na ito.

Maya maya nakita kong palabas ang isang sasakyan. Hindi ako familiar, baka bisita. Hanggang sa napahinto sa may kanto ang sasakyan at tumigil.

Bigla ito umusad at biglang liko papunta sa direction ko. Shit! Siguro nakilala ako. Si Caden ba'to? Hindi naman siguro, sa pagkakaalam ko wala naman siyang sasakyan na ganyan. Pero malay ko hindi ko naman alam ang lahat sa kaniya.

Tumigil ang sasakyan sa tapat ko, bumusina at bumaba ang salamin sa may unahan. Nagulat naman ako at nakita ko si Zeus ang nasa unahan at ang nagmamaneho ay si Kai. Hindi ko alam ang gagawin ko. Aalis na lang siguro ako.

Nakita ko na bumaba si Zeus at lumapit sa sasakyan ko at kinatok ang salamin sa may akin banda.

"Bella, We know ikaw yan."

Wala na akong nagawa kundi ibaba ang salamin. Nakatingin ako sa kaniya at hindi ko alam ang sasabihin. Para akong magnanakaw na nahuli sa akto.

" You want to se him? tanong nito. At ikinagulat ko. Hindi pa rin ako kumibo.

"If you want to see him. Sundan mo kami. Nasa penthouse niya. Papunta kami ngayon doon. Ilalabas namin siya para makita mo sa malayo. Whatever your reason is, we will try to understand Bella. We know may kasalanan si Caden. But we believe also na hindi niya ito magagawa. Todo bantay kami ngayon sa kaniya baka kasi anong gawin. Hindi siya pumasok sa company niya today and his Dad is worried." Tumango ako at sumakay na ito sa sasakyan nila at umalis.

Sumunod naman ako. Papuntang Parañaque ang tinatahak na daan. So doon pala ang Penthouse nito.

Nakarating kami sa isang magara at mataas na building. Isang condominium. Ipinark ko ang sasakyan ko sa gilid at bumaba na naman si Zeus.

" Maghintay ka na lang dito. Ibaba namin siya. Ayain kumain diyan sa kanto sa may 7eleven." Tumango ako at ngumiti sa kanila.

"Salamat." Tipid naman itong ngumiti sa akin.

Siguro mga thirty minutes na akong nakapark dito at nag aantay na dumaan sila pero wala akong nakikita.

Maya maya pa nakita ko na yong Korean niya na friend si Liam ata yon, nasa unahan. Sumunod naman si Kai. At bigla namang tumibok ng mabilis ang puso ko ng makita ko ito. Inaakbayan ito ni Zeus.
Ang haba ng bigote nito at mukhang pumayat din. Napaiyak naman ako sa nakita ko.

Dumaan sila sa may malapit sa akin. Hindi naman halata ang sasakyan ko kasi may nakaharang pa na isang sasakyan. At inaakay ito ni Zeus para hindi mapatingin sa gawi ko.

Mas napaiyak ako lalo ng bigla itong tumingin sa direksyon ko. Napatakip ako baba ko habang napahagolhol ng iyak.
I missed him badly. Kakayanin ko ba. Ang sakit talaga. Sana makaya ko kasi mas double ang sakit na nararamdaman ko ngayon kesa sa nangyari sa marriage ko before.

Hindi ko alam ilang segundo, minuto at oras akong umiiyak sa loob ng sasakyan kasi nakita ko na ulit silang bumalik. Siguro tama na kasi nakita ko na ito. Binuhay ko na ulit ang makina ng sasakyan ko at akmang aalis na ng makita ko si Kai sa labas. Magwawave  sa akin.

Love Taken ChancesWhere stories live. Discover now