Chapter 22

2.5K 47 1
                                    


Allie

Naging busy ako sa mga sumunod na araw. Morning duty ako hanggang friday. Straight five days duty kasi. Tapos  extended pa ako ng  isang oras sa hapon. Dapat hanggang 3pm lang umaabot ako ng 5pm or 6pm. Parang naging 12 hours duty na ako. Saya no? Pero libre lang yan na serbisyo. Ganyan ang buhay nurse sa Pinas.

Pabor naman kay Caden ang schedule ko. Parati kasi akong sinusundo nito pag hapon. Noong first day lang hindi kasi galing akong Bacoor kaya may dala ako na sasakyan. Pero yong mga sumunod na araw parati na siyang nakaabang sa labas ng hospital na naging chismis na. May mga nakakakita na kasi sa amin. Lumabas pa na kabit daw ako. Hindi naman kasi nila makita ng malinaw si Caden. Minsan pa nasa parking lang ito sa basement nag aantay.

Hindi lang yon, sa unang duty ko palang after my leave. Umulan ng tukso sa buong OR. Punuin ba naman nito ng bulaklak ang labas ng OR. Hindi ko alam kung matutuwa ako or maiinis. Ang mga loko loko kong mga kasamahan naman tuwang tuwa. Pinagdadala ba nan pauwi sa kanila. Naalala ko pa mga sinabi nila.

"Grabe Allie, hindi ko na feel na nasa OR ako. Feeling ko nasa punirarya ako.hahah! " Lakas lang mang asar ni Noemi. 

Sinabayan pa ni Jerry. " Besh kape na lang kulang at tinapay. Everyday lamay na." nagtawanan pa sila.

Hindi naman sila nagkamali. After ng pa flower, dumating naman ang pagkain. Parang catering pa. Tuwang tuwa naman ang mga kumag. Pati mga surgeons nakakain pa.

" Ang ganda talaga ni Allie, pa flower shop na, may pa cater pa. mmmh ano kaya ang susunod? Baka my fireworks!" Inirapan ko lang si Jerry. Daming side comments. Lamon naman kung  lamon.

Honestly naman, natutuwa ako sa pinapakitang effort ni Caden. Nasobrahan pa nga. Pero kinikilig naman ako, aaminin ko. Pilit nitong tinatapos ang mga gawain sa company this week kasi gusto niya akong makasama ng mas matagal next week.

Ilang araw din na gano'n ang OR. Kaya mas lalo akong naging sikat sa buong hospital. Yong iba naiinggit. Sana All daw or mapapa sana all ka na lang daw. Ito pa ang pinaka worst. Mayaman daw kasi ang sugar daddy ko. No comment na lang ako. Ayoko kung patulan. Antayin ko na lang ang araw na makita nila ang lalaki sa likod ng mga pabulalaklak at pa cater sa OR.

Sa mga dumaang araw nasanay na ako na may pinapadala si Caden sa OR. Pagkain at kung ano ano pa. Minsan kakarating ko pa lang mag eexpect na ako na may dadating na naman. Except nitong hapon ng friday hanggang matapos na ang sabado. Walang Caden na nagparamdam. Wala rin itong text. Kaya nagtaka naman ako baka ano ang nangyari kasi bigla lang.

Tinatry ko naman itong tawagan pero nag riring lang. Tinanong na ako ng mga taga OR if wala daw bang rasyon. Pati sila nasanay, ang iba hindi na nagbaon kasi nag eexpect na sila. Ayaw ko din ng ganito. Ayoko ko din ng nasasanay ako tapos biglang ititigil ng walang abeso. Nakakasakit ang pucha. May trauma lang talaga ako kaya gano'n ang epekto sa akin ng mga paflower at pasweet na yan.

Last morning duty ko today at pinatawag ako sa nursing office pagkatapos ng duty ko. Nakabihis na ako at deretso ako.

Kumatok ako ng dalawang beses bago may marinig na boses sa loob at nagsabi ng come in, kaya pumasok ako at nakita ko si ma'am nakaupo at busy sa mga papers.

"Good afternoon ma'am." tipid kung bati sa kan'ya at umangat naman ang ulo nito at tumingin sa akin.

" Goof afternoon Ms. Morales. How's your duty and of course yong bakasyon mo?" tanong ni ma'am na naka ngiti.

" Okay naman ma'am, enjoy. Busy sa OR this past few days na napapa extend kami sa duty." sabi ko.

" Nakarating nga yan sa akin. Don't worry nag okay naman ang board about it. Kaya iconsider yon na mga overtime ang mga lampas na duty ninyo. Kulang din kasi ngayon ng staff sa OR. We are on hiring now. " sabi niya.

Love Taken ChancesWhere stories live. Discover now