Chapter 07

3.1K 51 1
                                    

Allie

I'm on my way now para imeet ko si Jeffy.
Yung ang tawag ko sa kan'ya at ako lang ang tumatawag ng ganun. Napagkamalan tuloy ang name niya na bakla. Di ko maiwasan matawa.

Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Ewan ko ba, pag malapit kasi sa akin si Caden nawawala ako sa wisyo. Nakakalimutan ko ang pagiging matapang ko. Dapat sa susunod hindi ko na siya hahayaan na makalapit sa akin ng ganun. 

Malapit na pala ako, napagdesisyunan kasi namin na magkita na lang in between para same lang ang agwat ng biyahe namin. Matagal tagal na din kaming hindi nagkikita, busy kasi siya masyado and ako din. Kaya nagulat ako bigla nagyaya kanina. Nawala na din siya sa isip ko sa dami ng umuukupa sa utak ko. Dito na pala ako sa sinasabi niya na restaurant.

Nagpark ako at hinintay ko muna ang text niya if saan na  siya banda bago ako bumaba ng sasakyan. After a few minutes nagbeep ang phone ko at nakita ang message niya.

Jeffy:
Dito na ako sa may entrance.  Wait for you here.Tc.

Me:
Okay, noted! Punta na ako diyan, nagpark lang.

Lumabas na ako ng sasakyan at naglakad papunta sa entrance. Nakita ko naman agad siya sabay lapit at humalik siya sa pisngi ko. Iginaya niya ako papasok at hinanap ang upuan na nakareserve sa amin. This place is a seafood restaurant. Alam kasi ni Jeff na favorite ko ang seafoods. Sana masarap dito.

" How are you, Ella?" agad niya natanong.

" I'm good, busy sa duty at magbake but so far okay naman. How about you? Matagal tagal na din tayo nung last na lumabas, busy ba masyado?" tanong ko.

" Oo,  lalo na tinitrain na ako nina mom na tumulong magmanage sa hospital, so stressful Ella, I miss being with you same ng dati, hindi ganito. But ayaw ko ng suwayin sina mom at patanda na din sila. Busy ako sa hospital and at the same time nakatotok din ako sa business ko na isa. " Patuloy pa nyang reklamu and i can't help but to touch his hands and squeeze it. Kung may maitutulong lang sana ako, i'm more than willing to help him.

" Alam ko kaya mo yan. Basta take care of yourself okay? Wala man akong maitulong basta andito ako always for you, right? Lulutuan nalang kita ng breakfast everyday habang dito ako sa Pinas, aalis kasi ako next week, I'll be in Bali." sabi ko sa kanya.

"What for? Thank you in advance for the planned breakfast, i'm sure i will love it." Masaya niyang sang ayon.

"  A newly opened hotel in Bali invited me to make a review out of their hotel." sagot ko. Kalaunan dumating na ang food namin na inorder niya pala in advance habang inaantay ako. Lahat favorite ko talaga. Baked giant prawn, scallops in tomato sauce, lobster and caesar salad. Need ko ng anti histamine nito after.  Buti na lang mayroon akong dala always sa bag ko. May kunting allergy lang naman ako sa mga seafoods, binabalewala ko lang kasi nga weakness ko ang pagkain na ito. Nagtatake nalang agad ako ng Anti- histamine pag nafefeel ko na nagnanumb ang lips ko, yun kasi ang una kong nararamdaman. Minsan naman wala lang.

Kumain lang kami muna ng tahimik since parehas kami na gutom. So far masarap ang pagkaluto nila. Paminsan minsan nag uusap kami habang kumakain.

" By the way before i forget, you need to perform your annual check up and  don't complain, i'm your Doctor remember? Punta ka ng hospital next off mo, i need to run some test on you. Lalo na you have a massive bleeding 2 years ago. Para na din malaman natin if na normalize na ang hemoglobin mo." paliwanag niyang sabi sa amin.

Love Taken ChancesWhere stories live. Discover now